Did Korina Sanchez take a swipe at Mayor Vico Sotto?
Korina Sanchez: “Kailangan may resibo ka bago ka magsalita.”
Korina Sanchez (left) remarked on her news program: “Ang pinakaimportante, I think, to back up what you’re saying as credible is you have evidence before you talk. Right? Ang hirap yung magsasabi ka lang pero wala kang ebidensya.” At right: Mayor Vico Sotto recently criticized journalists for interviewing contractors Sarah and Curlee Discaya. While he did not name names, his post included photos of Korina Sanchez and Julius Babao with the couple.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
1
Share
Malakas ang hinala ng netizens na para kay Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga makahulugang salitang binitiwan ni Korina Sanchez-Roxas sa magkasunod na araw ng Agenda.
Ang Agenda ay ang news program nina Korina, Pinky Webb, at Willard Cheng sa Bilyonaryo Channel.
Sa September 1, 2025 episode ng Agenda, binati nina Pinky at Korina ang kanilang co-anchor na si Willard Cheng dahil sa matatanggap nitong parangal, ang Asia’s Modern Hero for Integrity.
“Yan ang maganda, integrity,” reaksiyon ni Korina tungkol sa parangal na igagawad kay Willard.
Sinundan ito ng veteran broadcaster ng malaman na komento: “Yung evidence backed by research kasi importante yon lalo ngayon na maraming nag-iimbestigahan.
“Ang pinakaimportante, I think, to back up what you’re saying as credible is you have evidence before you talk. Right?
“Ang hirap yung magsasabi ka lang pero wala kang ebidensiya.
“So, kailangan yung integridad din nila, guwardiyado nila that way.
“Kailangan may resibo ka bago ka magsalita.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
KORINA SANCHEZ ON HEART EVANGELISTA AND RICHARD GOMEZ
Noong Setyembre 2, Martes, si Heart Evangelista naman ang sentro ng talakayan nina Korina, Pinky, at Willard.
Ito ay may kinalaman sa influencers na isinasangkot ang pangalan sa kontrobersiya ng government projects, tulad ng flood control, dahil mga kamag-anak sila ng mga pulitiko at mga kontratista.
Pahayag ni Korina tungkol sa isyu: “Totoo naman yun, si Heart matagal na ganoon. Fashionista talaga siya.
“Pero ngayon kasi, uso yung nagsasabi ng kung anu-anong akusasyon pero walang ebidensiya.
“Siguro, dito kaya Heart, in fairness to her, this guy has to prove that there is basis to even investigate Heart, di ba?
“Bakit kailangan niyang patunayan yun, e, may SALN naman yung asawa niya?”
Ang tinutukoy na Korina na “asawa” ni Heart ay si Senator Chiz Escudero.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Ang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net worth ay isang dokumento na isinusumite ng government officials at workers.
Ibinigay na halimbawa ni Korina si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez na nagkaroon ng isyu sa mga miyembro ng media dahil sa paratang ng actor-politician na may “media spin” laban sa kanya.
Saad ni Korina: “Pero lahat ng bagay, kailangan pinatutunayan. Uso nga ngayon yung foot and mouth disease, di ba?
“Yung foot and mouth disease, yung mga tipong nangyari kay Congressman, yung pogi, Richard Gomez!
“He apologized! So, saludo po kami sa inyo Congressman Richard Gomez na nabigla lang daw siya, hindi ba?
“That is integrity for me, if you can accept that you made a mistake.
“Because kapag sinabi mo, kailangan mapanindigan mo at, higit sa lahat, mapatunayan mo.”
Pagsang-ayon ni Piky Webb: “Tama naman, he owned up to the mistake.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero next time din kasi, kapag humihingi ang media ng komento sa yo, e, sagutin niya ng… sabi nga, either you say no comment or huwag mo na lang sagutin.”
Mariing dinugtungan ni Korina ang pahayag ni Pinky.
Sabi niya: “Hinihingi yung panig lang niya, pero ang sabi niya, bayaran daw silang [media] lahat.
“But I think it’s very important na he owned up to it, and isa siyang tunay na lalaki!”
MAYOR VICO SOTTO’S CONTROVERSIAL FACEBOOK POST
Walang binanggit na pangalan si Korina pero nagkaroon ng impresyon ang mga nakapanood sa Agenda na pasaring para kay Mayor Vico ang sinabi niya.
Ito ay dahil sa kontrobersiyal na Facebook post ng alkalde ng Pasig City noong Agosto 21, 2025.
Nakaranas ng mga batikos at paghuhusga sina Korina at Julius Babao dahil sa social media post ni Sotto tungkol sa magkahiwalay na panayam nila sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi nagbanggit ng pangalan si Sotto pero ginamit niya ang mga larawan ng panayam nina Julius at Korina sa mga Discaya sa kanyang pinag-usapang Facebook post.
Photo/s: Vico Sotto Facebook
Nakasaad sa Facebook post ni Mayor Vico: “With these interviews again going viral, let’s look at it from a different angle…
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, ‘Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??’
“I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession.
“In this case, maybe they didn’t do anything technically ‘illegal,’ but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics.
“Puwede silang magtago sa grey areas: ‘hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…’ pero ’wag na tayong maglokohan.
“They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad… at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng [money emoji].
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Let’s remember that corruption is systemic… it permeates into every sector of society, not just government. But we can slowly but surely break this cycle if more and more of us consistently do our part, wherever we are and whatever are position may be, one step at a time. (*not an exact figure pero alam nyo na).”