BINI sparks buzz over dislike for Betamax, hopiang baboy
Some vloggers spliced the videos to highlight the negative comments of BINI.
Popular P-pop group BINI is facing backlash after spliced videos surfaced on social media, showing them rejecting certain Pinoy snacks. Some netizens, however, believe it’s a case of rage baiting.
PHOTO/S: @bini_ph on Instagram
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang all-girl group na BINI dahil sa candid reactions nila ukol sa popular Filipino snacks.
Ang ilan sa kumalat na video clips—na milyun-milyon na ang views—ay mga negatibong reviews ng karamihan sa eight-member P-pop group sa ilang pagkain tulad ng Betamax (chicken or pork blood skewer), hopiang baboy, at balut.
Maliit lamang na bahagi ito ng 25-minute video na itinampok sa foreign YouTube channel na People vs. Food.
Sa episode with BINI, ipinatikim sa mga members ang “11 iconic Filipino snacks.”
In-upload sa YouTube noong July 8, 2025, ang kabuuan ng video.
BINI ON BETAMAX AND HOPIA
Ang BINI ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.
Sa isang nag-viral na video clip, pinatikim sa kanila ang street food na Betamax.
“I haven’t tried this one,” bungad ni BINI Jhoanna.
Sundot ni BINI Sheena na halatang hirap kainin ang grilled blood, “Me too,” pero sport naman siya at sinabihan na lang ang sarili na, “Just think of it as chocolate.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pagkatapos matikman, ang verdict ni Bini Sheena, “I don’t think I can. I don’t want.”
“No,” ang verdict din ni Jhoanna.
Nagustuhan naman ni BINI Aiah, “It’s really good.”
Si BINI Colet, halatang hindi niya nagustuhan, at ang tanging nasabi niya, “I haven’t tried this…”
Si BINI Gwen, mas straightforward, “This is not my thing.”
Isa pa pang pagkain na hindi nagustuhan ng BINI ladies ay ang hopiang baboy.
BINI members are now facing criticism for being vocal about their disapproval of certain Filipino snacks, such as Betamax, a Pinoy skewer made of chicken blood.
Photo/s: People vs. Food on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
#PEPGoesTo 8 Seconds store opening with ENHYPEN’s Kim Sunoo
Dahil sa video clips na ito, pinuna ng mga netizens ang BINI.
Marami ang nagsabing sila ay “maarte,” “feeling K-pop,” “feeling foreigner,” at iba pang pangungutya simply because hindi nila nagustuhan ang ilang Filipino food.
Read more about
Bini
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Marami rin ang nagkomento na feeling foreigner ang ilang members ng BINI.
May nagsabi pa ng: “Feeling elite rich kids. Buti pa yung ibang legit na mayaman… di naman ganyan kaarte pagdating sa street food. Kaloka.”
Pero kung tutuusin, nagpakatotoo lang naman ang mga dalaga tungkol sa kanilang reactions at preferences.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi ng isang netizens, baka lang daw sa manner of speaking nag-react ang mga netizens.
Komento ng netizen (published as is): “Oky lang yan kasi laht namn tayo may mga pref food kaht Filipino food pa yn pero, the way they said it, the way they reacted on the foods hmmmmmm I dont know”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ipinagtanggol naman ng mga BINI supporters ang pag-i-English ng kanilang mga idolo.
Depensa ng ilang Blooms, ang tawag sa fans ng P-pop group, ang interviewer nila ay nagsasalita in English, hindi Filipino.
Sabi ng isang fan: “FYI po, English speaking yung kausap tas magta-Tagalog sila? E, di, nagmukhang tanga yung kausap kasi hindi maiintindihan.”
Sundot ng isa pa: “Alangan namang mag-Tagalog sila, e, foreigner kausap nila. Tapos pag kinausap nila yan ng Tagalog sasabihin niyo naman bat nag-Tagalog.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
RAGE-BAITING?
Meron ding mga netizens at fans na napansing ipinost ang video clips para raw mag-rage bait.
Rage-baiting ang tawag sa content na ginawa at in-upload para galitin ang viewers at maka-attract ng attention, and, in the process, views.
Malayung-malayo ang original content sa maiiksing video clips na ni-repost sa social media ng mga vloggers.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa full video, itinampok din ang mga pagkaing paborito ng BINI.
Halos lahat ay pumabor sa mixed nuts pati na rin sa kwek-kwek (battered and deep-fried quail eggs), fish balls, gulaman, siomai, at iba pa.
Gusto rin nila ang yema.
At marami sa BINI ladies ang nagsabing paborito nila ang mamon, taho, at para sa iba, pati na ang balut.
Ang iba sa kanila, nagkuwento pa na nilalagyan nila ng maraming suka ang balut.
Napansin ng ilang fans na in-edit ang videos, at pinagsama-sama ang negatibong reaksiyon ng mga miyembro sa mga ayaw nilang pagkain.
Ang conclusion ng isang netizen: “10/10 rage bait kuya.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓