Love Drama: Leaked Intimate Clip of Elias J. TV and Talent Manager Beverly Labadlabad Emerges Right After He Filed to Cancel Their Contract

Elias J. TV files petition to cancel contract with talent manager

Talent manager Beverly Labadlabad denies intimate relationship with Elias J. TV.

elias j. tv beverly labadlabad legal battle

Elias J. TV (left) faces the media in Kidapawan City, Cotabato, after filing petition to nullify contract with talent manager Beverly Pumicpic Labadlabad (right) on August 7, 2025.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

“No comment” ang sagot ni Elias Lintucan Jr., mas kilala sa screen name na Elias J. TV, nang tanungin sa napapabalitang intimate relationship umano nila ng kanyang manager na si Beverly Pumicpic Labadlabad.

Sinabi ito ni Elias nang humarap siya sa mga mamamahayag sa press conference na ipinatawag nila ng kanyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon nitong Huwebes, Agosto 7, 2025.

Ito ay matapos ihain ni Elias at ng mga miyembro ng kanyang Elias J. TV band sa Regional Trial Court ng Kidapawan City, Cotabato, ang mga petisyon nila para mapawalang-bisa ang kanilang kontrata kay Beverly.

elias j. tv legal counsel

Elias J. TV (left) and his legal counsel Atty. Israelito Torreon (right) face the media in Kidapawan City, Cotabato. 
Photo/s: Screen grab from Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Torreon ang abogado ni Elias.

Pamilyar ang publiko sa kanya dahil siya ang legal counsel ng controversial Kingdom of Jesus Christ leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

Si Torreon din ang nanguna sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para sa certiorari at prohibition na may layuning kuwestyunin ang bisa ng impeachment complaint na inapurbahan ng Kamara laban kay Vice-President Sara Duterte.

GROUNDS FOR PETITION TO CANCEL MANAGEMENT CONRACT

Si Torreon ang nagpaliwanag sa mga miyembro ng media tungkol sa pinag-ugatan ng desisyon ni Elias at ng mga kabanda nitong hingin ang tulong ng hukuman para mapawalang-bisa ang kontrata nila kay Beverly.

Saad ng abugado: “Essentially our stand is the contract is void, not only voidable, meaning wala pong bisa yung kontrata po napirmahan ni Elias dahil po yung kontrata na yon ay walang kunsiderasyon.

“When I say walang consideration, at the time of the signing of the contract in April 4, 2025, in Dumaguete City, the same Elias Lintucan or Elias J. TV band was already well known, not only in the country but abroad as well.

CONTINUE READING BELOW ↓

“It was already a singing sensation, the band itself is widely known.

“While the manager, Beverly Pumicpic Labadlabad, had no history whatsoever of managing any talent. And, as a matter of fact, in her previous declarations, she admitted that she had no history of managing artists.

“So, therefore, there is no claim that she had any contribution at all in so far as the popularity of Elias J. TV band or Elias himself.

“When you sign a contract with a very well-known artist, there are three elements— cause, object, consideration.

“Was there a cause? Yes.

“Was there an object? Yes.

“But there was no consideration.

“So, therefore, we feel that there was no contract at all since one of the essential elements is missing.

“So, therefore, it is void.

ALLEGED DECEPTION

Ayon din kay Atty. Torreon, may naganap na panlilinlang nang papirmahin ni Beverly ng kontrata si Elias at ang mga kabanda nito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaniwala raw ni Beverly sina Elias na ito’y napakayaman, maraming koneksiyon, at ang tanging intensiyon nito ay makatulong.

“Second, it was likewise, there was also dolo causante,” pagtukoy ni Torreon sa legal term na ang ibig sabihin ay isang seryosong panlilinlang upang mapapirma ang isang partido ng kontrata.

“There is fraud in the causation of the contract, which means that at the time when the contract was signed, there was fraud employed by Beverly, such that she made Elias believe that she was very rich or she is very rich, that she had all connections, and that her only intention is to help.

“Ang kanya lang daw nasa puso ay pagtulong daw kay Elias at wala raw siyang balak na magkapera dito.

“Pero iba po ang nangyari. Kasi sa kontratang pinirmahan, dal-dali kasi si Elias at the time, and the band also, had to respect the contracts that they had concerning the show that they have to be present.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa abugado ni Elias, ipinakita umano ni Beverly sa singer ang kontrata nang walang paliwanag. Wala rin daw pagkakataong makapagtanong si Elias at kumonsulta ng abugado.

“Ipinakita sa kanya without explanation. Walang chance na maka-question sa details si Elias, at wala siyang chance na makakuha ng abogado para magkonsulta.

“Pinapirma, blangko yung consideration kung magkano yung share ni Beverly Labadlabad.

“Why? Kasi nung ipinakita na uli, kasi hindi siya [Elias] binigyan ng kopya ng kontrata, naka-indicate na yung thirty percent [commission]. Pero yung basis ng 30 percent, blangko.

“Tapos kung anuman yung corporation na itayo niya later, maski wala siyang contribution, 30 percent pa rin ang kanya at bilhin niya PHP50 per share.”

Pagpapatuloy ni Torreon: “There are so many grounds that we cited in the complaint, such that we feel that it is null and void at the very beginning and it should be stopped.

“Pati yung kontrata kapag binasa ninyo, saan sila pumirma? Dumaguete City. Saan ang notarization? Sa Quezon City.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinanong ko si Elias, ‘Kilala mo ba yung lawyer na nagpirma?’ Hindi niya kilala.

“Puwede ba yan under the notarial law na kapag nagnotaryo ka sa isang kontrata na hindi mo nakita yung nagpirma? Hindi po puwede yun.”

ALLEGED THREATS

Isa pang alegasyon ng kampo ni Elias J. TV, may pananakot daw na nagaganap sa kampo ni Beverly Pumicpic Labadlabad.

Lahad ni Torreon: “Tapos nagmo-monitor daw sila, magbabantay. Mag-file daw ng cyberlibel. Let’s get it on! Bantayan ninyo ako.

“Kasi napilitan lang kami mag-file talaga because we were hoping na something would intervene, pero nag-conduct pa sila ng presscon kagabi. Ang anghang ng mga salita po at tinakot pa kami.”

Ang tinutukoy na presscon ni Torreon ay ang pagharap ni Beverly sa entertainment press sa Century Park Hotel sa Malate, Manila, noong Miyerkules, Agosto 6.

Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, inanunsiyo ng talent manager na sasampahan niya ng reklamong estafa at breach of contract si Elias at ang mga kabanda nito sa susunod na linggo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

beverly labadlabad atty. ferdinand topacio

Talent manager Beverly Labadlabad with her legal counsel Atty. Ferdinand Topacio 
Photo/s: Screen grab from Facebook

Ngunit nauna na ngang naghain ng peititon ang kampo ni Elias upang mapawalang-bisa ang management contract nila kay Beverly.

Ayon pa kay Atty. Torreon: “Taga-North Cotabato ito. Taga-Davao del Sur ako. Takutan ang gusto nila.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kami walang takutan, nag-file na lang kaagad kami ng kaso after, of course, sending a demand letter to Beverly.

“Nag-hire siya [Elias] ng manager. Halos mama na o ano ba, kasi maski personal life, nakikialam na.

“At saka sa mga miyembro [ng banda], kapag hindi maka-attend ng meeting na wala naman proper notice, or kung meron man, meron silang right justification, i-fine kaagad. Magkano? Fifty thousand [pesos]!

“Basahin mo yung kontrata sa kanilang pinapirmahan, hindi naman nabasa nang maigi, wala naman nakasaad dun na maka-absent ka ng meeting, fifty thousand ang fine.

“Mas mataas pa ata ang kanyang fine kesa aso na nakakagat ng ibang tao. Matindi ito!

“Tapos kung may mag-express ng opinyon, memorandum kaagad. So, hindi po pupuwede yun.

“Kung meron kang maliit na power, huwag mong i-exercise yan in such a way that you will also, probably in the eyes of other people, na may kapangyarihan ka.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Exercise it in such a way as not to hurt also other people.”

Humingi naman ng paumanhin si Atty. Torreon sa kaharap na miyembro ng media dahil sa pagtaas ng emosyon niya.

Ito ay dahil sa pang-iinsulto umano sa kanya ng mga abogado ng kabilang kampo.

Saad niya: “Pasensya na kayo kasi medyo galit ako.

“Kalma ako, di ba, pero kapag insultuhin ako ng ating mga kaibigan diyan na mga taga-Manila, mga kaibigan na abogado diyan, aba, lumalaban si Atty. Torreon.

“Respectful ako, pero kung insultuhin mo ako, mag-insulto ako.

“I am a little bit hyped up, different from a full Atty. Torreon, because I was insulted last night.

“I don’t feel good so pagpasensiyahan ninyo na.”

BEVERLY DENIES INTIMATE RELATIONSHIP WITH ELIAS

Isang araw bago ang press conference na ipinatawag ng kampo ni Elias, nauna nang nagsalita si Beverly at ang legal counsel nitong si Atty. Ferdinand Topacio tungkol sa legal na aksyon na gagawin nila sa reggae artist na sikat na sikat sa Visayas at Mindanao.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dito niya sinagot ang lahat ng mga isyung naging dahilan para magkaroon ng lamat ang talent-manager relationship nila ni Elias.

Sa naturang presscon, pinabulaanan ni Beverly ang haka-hakang may relasyon sila ni Elias pero hindi niya itinangging pinagseselosan siya ng live-in partner ng singer.

Sinagot din ni Beverly ang akusasyon ng masusugid na tagahanga ni Elias na transgender woman siya.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Dito sa Pilipinas, hindi mo talaga mabago yung gender mo, so babae po si Miss Beverly.

“May asawa na po ako at saka hindi po ako buntis. Pinapangarap ko pong mabuntis siyempre sa asawa ko pero hindi sa ibang tao.

“So siyempre, ako naman, ayokong makasira ng relasyon.

“So, yung mga basher ko, hindi ko na iniisip yon. Nagpapasalamat na lang ako sa kanila.

“Hindi ko man sila sinasahuran, pinakialaman nila yung buhay ko. Nag-care sila sa akin.

“So, maraming salamat sa inyo.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News