Ces Quesada on how she deals with disrespectful newbies
Ces: “Iniisip ko na lang baka nahihiya o nai-intimidate.”
“Ang medyo bothered pa ako dun sa mga walang disiplina na mga nagtetelepono habang blocking o kaya yung nagyoyosi sa loob ng tent o yung napapatugtog ng malakas na music habang nagpapahinga ka,” Ces Quesada says about disrespectful newbies she worked with.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
Mapapanood sa pelikulang Meg & Ryan ang beteranang aktres na si Ces Quesada kung saan bida sina Rhian Ramos at JC Santos.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ces kung kumusta katrabaho ang dalawa.
Kuwento niya, “Nakatrabaho ko na silang dalawa, si Rhian sa Captain Barbell at Royal Blood at si JC sa mga theatre productions at sa film na Imbisibol.
Ang Captain Barbell ay ang 2006 superhero series starring Richard Gutierrez at ang Royal Blood naman ay ang 2023 drama series na pinangungunahan ni Dingdong Dantes. Parehong serye ng GMA-7.
Bukod sa TV at film ay matagal nang theater actress si Ces, kunsaan nakatrabaho nga niya noon si JC. Nagkasama rin sila sa 2015 award-winning indie film na Imbisibol.
Patuloy ni Ces tungkol kina Rhian at JC: “Parehong magaling, disiplinado, professional, magaang katrabaho.
“In other words, both are joys to work with.”
experiences with disrespectful newbies
May mga isyu tungkol sa mga hinaing ng ilang veteran and senior stars tungkol sa ilang mga nakababata at baguhang artista na hindi marespeto at hindi marunong kumilala sa mga mas nakakatanda sa kanilang artista.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Si Ces ba ay may ganito na ring karanasan at ano ang masasabi niya tungkol dito?
“Well, may mga karanasan na din ako sa mga hindi namamansin at dinadaan-daanan ka lang,” aniya.
“Pero iniisip ko na lang baka nahihiya o nai-intimidate kasi habang tumatagal yung show yung iba nalalapit din naman sa akin.
“Ang medyo bothered pa ako dun sa mga walang disiplina na mga nagtetelepono habang blocking o kaya yung nagyoyosi sa loob ng tent o yung napapatugtog ng malakas na music habang nagpapahinga ka.
“Yung mga ganun, kinakausap ko yung production para sila na ang magsabi. Para walang conflict.”
Tumanggi na si Ces na pangalanan kung sino ang mga tinutukoy niyang young stars.
the difference in working between TV and film
Artista ng Artist Circle management ng talent manager na si Rams David, alagwa ang career ni Ces dahil napapanood siya regularly sa pelikula at telebisyon.
Saan siya mas nag-e-enjoy, sa pag-arte sa pelikula o sa TV?
CONTINUE READING BELOW ↓
#PEPGoesTo Fantastic 4 Cinema Experience at Director’s Club 2 S Maison
“Magkaiba yung trabaho sa TV at pelikula.
“Sa TV, nandun yung daily grind na dahil naghahabol madalas sa oras, yung pag-aalaga mo sa character mo, medyo hahabulin mo kumporme sa dating ng script.
“Sa story conference, nagkakaroon ka ng ideya sa story at character pero hindi mo ma-plot gaano yung pupuntahan ng character mo at madalas hindi mo alam kung paano magtatapos ang kuwento.
“Sa pelikula, alam mo yung kuwento, buo yung understanding mo ng character, may panahon para alagaan at kilalanin siya.
“But that doesn’t mean na I don’t enjoy doing both.
“I welcome every chance I get to act.
“Parehong nagbibigay ng challenges at pareho din nagbibigay ng fulfillment,” pahayag pa ni Ces na nakausap namin sa pamamagitan ng Facebook messenger nitong Biyernes, July 25, 2025.
Samantala, ipapalabas ang Meg & Ryan sa mga sinehan dito sa Pilipinas sa August 6, 2025, at sa mga bansang Australia at New Zealand sa August 14, 2025.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Mula sa direksyon ni Catherine O. Camarillo at panulat ni Gina Marissa Tagasa, nasa pelikula rin sina Cedrick Juan, Cris Villanueva, Jef Gaitan, at introducing naman sina J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca Osinaga, at Alison Black.
Mula ito sa Pocket Media Productions. Inc. at Pocket Media Films.