×

SHOCKING NEWS: AZ Martinez Breaks Down as She Recalls Her Tearful Childhood — An Alcoholic Father, An Abused Mother, and a Life-Threatening Tragedy She Barely Survived

AZ Martinez opens up about late alcoholic father, battered mother

AZ Martinez: “I know my Dad kapag hindi siya lasing…”

Az Martinez recalls father’s abuse towards her mother

AZ Martinez (center) opens up about her late father’s alcoholism and domestic abuse, recalling how she once protected her mother from violence—including an incident involving a gun.
PHOTO/S: Screengrab Karen Davila on YouTube

Trigger warning: Mention of physical abuse, alcohol abuse

Malinaw pa sa alaala ng Sparkle artist at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Kapuso Fourth Big Placer na si AZ Martinez ang pinagdaanang hirap ng kanyang ina na si Bing Martinez sa kamay ng yumao niyang ama.

Sa YouTube vlog ni Karen Davila nitong Huwebes, September 4, 2025, ibinahagi ni AZ at ng kanyang Mommy Bing kung paano sinubok ang kanilang pamilya dahil sa pagkalulong sa alak ng ama ng aktres noong nabubuhay pa ito.

Pagbabalik-tanaw ni AZ: “Growing up, palagi ko silang nakikita na nag-aaway, lalo na kapag si Daddy dumarating na lasing.

“As in grabe talagang yung away nila. [To the point na] we would always go to police stations, nagtatawag na kami ng police sa house, and [pinapadampot] na namin si Daddy.

“Nakikita ko siya nakasakay sa likod ng police car, yung parang may kulungan sa likod.”

Dahil sa hindi mahintong bisyo ng ama ay kinailangan daw nila itong ipa-rehab ng ilang taon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni AZ: “Ako yung laging bumibisita sa rehab.

“So, every time may family day or like puwedeng visitation, ako yung lagi nandoon.

“So, I always hang out with his friends doon. Nanonood ako sa performance nila. May pasayaw-sayaw pa sila.

“So, parang that’s the memory that I remember growing up, na lagi ako nasa mga rehabilitation centers.”

Az Martinez recalls father’s abuse towards her mother

Photo/s: Screengrab Karen Davila on YouTube

CONTINUE READING BELOW ↓

Mika Salamanca recreates her most viral memes

Aminado si AZ na noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ma-rehab ang kanyang ama.

Naaawa raw kasi siya dahil sa tuwing dinadalaw niya sa rehabilitation center ang ama ay sinasabi nito sa kanyang gusto na nitong umuwi para sila’y magkasama.

Ani AZ: “At first, hindi ko maintindihan since I was so young, pero never ako naging ashamed.

CONTINUE READING BELOW ↓

“I was upset kasi naawa ako kay Daddy na parang binubulong niya kasi sa akin na gusto na niyang umalis, ayaw na niya doon.

“Parang nalulungkot siya kasi siya lang mag-isa, hindi niya kami nakakasama, hindi kami nakakausap.”

Ngunit sa tulong daw ng kanyang pamilya, ipinaunawa kay AZ na para sa ikabubuti ng ama ang pananatili nito sa rehab.

Saad ng dalaga: “Pinaintindi sa akin ng family ko na kailangan yon para matapos na yung mga nangyayari.

“Ako yung nagagalit na parang, ‘Ilabas na natin si Daddy,’ ganun.

“To the point na I started to grow older and I started to understand more kung bakit ganun yung nangyayari.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Az’s Mother, a Battered Wife for Almost Seven Years

Sa nasabing panayam, inamin naman ng ina ni AZ na si Bing na matagal na panahon siyang naging battered wife.

Matagal daw siyang nagtiis para sa kapakanan ng kanyang dalawang anak.

Lahad ni Mommy Bing: “It was hard kasi I was dealing with, emotionally and mentally, lahat na, because I’m a battered wife [for almost] seven years.

“The best ko na lang ang nakakampi noon was… pero si God talaga.

“Si God lang talaga because He was the one giving me strength. All were prayers talaga.”

Sundot na tanong sa kanya, “What was the tipping point na nag-decide ka na ayoko na?”

Sagot ng ina ni AZ: “Yung time na binaril niya ako and then lumusot lang [sa likod ko], kasi he was really high.”

Bagay na sinang-ayunan naman ni AZ dahil naroon daw siya nang mangyari ang insidente.

Sabi ni AZ, “There was a time na ako nasa harap, parang kino-cover ko si Mom [habang tinututukan siya ng baril].”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ganunpaman, hindi raw nagtanim ng matinding galit si AZ sa kanyang ama.

Sa kaibuturan ng puso ni AZ, alam daw niyang mabait ang kanyang ama at dala lang ng alak ang lahat ng maling ginawa nito.

“I know my dad kapag hindi siya lasing. So, hindi ko masyado mina-mind. I know na it’s just because of the alcohol.”

AZ RECALLS LAST MOMENTS WITH late FATHER

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang sumakabilang buhay ang ama ni AZ dahil sa liver cirrhosis.

Ayon sa Mayo Clinic, ang liver cirrhosis ay malubhang kondisyon kung saan ang atay ay nagkakaroon ng permanenteng peklat dahil sa paulit-ulit na pinsala. Kapag nasisira ang normal cells ng atay, napapalitan ito ng fibrous tissue na nagdudulot ng paghina ng normal na paggana ng atay.

Malinaw pa sa alaala ni AZ ang mga huling sandali ng kanyang ama.

Nasa taping daw noon si AZ nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kuya na isinugod nito sa ospital ang kanilang ama.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni AZ: “My dad died from liver cirrhosis. Hindi pa ako napanganak, umiinom na po siya.

“And grabe actually yung story nung nangyari yun because I was in taping.

“Kasi my dad was sober already. He just got out of rehab. He’s been sober for almost a year.

“And then nagulat kami, three days before siya ma-hospital, umalis siya ng house. Hindi siya umuuwi.

“So, alam na namin kapag ganun, meaning umiinom na naman.

“And tinawagan ako ni Kuya, he’s bringing him to the hospital kasi iba na daw yung napapansin niya kay Daddy, parang nawawala na raw ng lakas.

“First call, ayun yung na-receive ko. Second call, pinapa-check niya sa doctor and all that.

“Third call, grandma ko na yung kausap ko. Hindi ko na raw makausap si Kuya.

“Tinatanong ang consent ko if puwede butasan si Daddy. Hindi ko din alam yung mga ganun. Hindi ko maintindihan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nasa taping ako, standby. Umiiyak ako. Hindi na ako makapag-work.

“Another call I got, sabi sa akin ng kuya, ‘Pumunta ka na dito, kasi parang iba na.’

“So we rushed all the way to Commonwealth Hospital. When I arrived, my dad was in a coma na, intubated. Hindi ko na siya naabutang gising.

“So it went on for two days na nasa ICU [Intensive Care Unit] si Daddy. It was okay pa, like, nasa ICU pa siya, still in a coma, still intubated.

“Until na nagising ako kasi narining ko yung doctor. Sabi na, ‘Ilabas ang DNR [Do Not Resuscitate].’

“Inaway ko yung doctor. I was, like, ‘Bakit niyo pinapapirma ng DNR yung lola ko, yung mom ko? Ako yung may say dito. Bakit niyo ginagawa yan? Dapat niyong i-CPR [cardiopulmonary resuscitation] kung sakaling may mangyari man. Bakit ayaw niyong ipaglaban?’

“Then, sinabihan ako ng doctor, ‘Gusto mo bang maging vegetable yung dad mo?’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“At that time, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng vegetable, ‘Bakit ganun yung term niyo?’

“Then, habang nag-aaway kami ng doctor, biglang nag-announce ng code [blue]. So, yung mga nurses takbuhan sa labas ng waiting area kung saan kami nag-aaway.

“And ayun, tinawag na yung doctor. Takbo siya.

“Sunod ako. Hindi kami makapasok sa ICU.”

AZ MARTINEZ on HAVING REGRETS

May panghihinayang at pagsisisi bang naramdaman si AZ nang pumanaw ang kanyang ama?

Sagot niya: “Meron, sobra. Kasi before he passed away, before siya umalis sa bahay para uminom, he’s been messaging me a lot.

“Lagi niya akong hinahanap. Like, ‘Bisita ka naman dito sa bahay. Punta ka naman dito.’

“At that time, parang inuuna ko yung own life ko, own interest na I was having fun here in Manila, like going out with friends, ganun.

“So, hindi ko masyadong nabigyan ng attention yung dad ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi masyado alam ng family ko about yung mga pag-iisip ko noon, pero after he passed away, I was starting to blame myself.

“Na, ‘What if umalis siya ng bahay dahil wala siyang kausap, then ako lang yung gusto niyang makausap noon?’

“Tapos hindi ko pa siya naabutan noong nasa hospital na siya when I should have left agad. I should have went to him when noong nasundo na siya, noong okay pa siya.

“I had a lot of regrets. I had a lot of things na iniisip ko na binlame ko talaga sarili ko.”

Tanong pa sa kanya ni Karen Davila, “How can you move forward from all these regrets?”

Mabilis na sagot ni AZ: “Right now, hindi ko pa masasabi na I moved forward. I miss him a lot. Sobra.

“He’s like… iba yung support na binibigay niya and number one fan ko rin yon, aside from mommy.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung grabe mag-share about everything that I do and all that.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News