Tila nagpapakita ng tumitinding pagiging palaban ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa harap ng patuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea. Ang pagiging palaban na ito ay hindi lamang nakikita sa mga military patrol kundi maging sa dahan-dahang pagbabago sa diplomatikong paninindigan ng Pilipinas sa isyu ng Taiwan.

Ang Pagbabago ng Pananaw sa Taiwan
Noong pagdinig ng Senado nitong Oktubre 16, 2025, naglabas ng kontrobersyal na pahayag si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Lazaro. Tila nagbago na ang pananaw ng Pilipinas sa isla ng Taiwan, na hindi na ito itinuturing na bahagi ng isang lalawigan ng China.
Sinabi ni Secretary Lazaro na ang bansa ay handang sumuporta sa 1975 Joint Communiqué sa pagitan ng China at Pilipinas sa paraang kinikilala ang Taiwan bilang isang “independenteng bansa” at hindi na ito sakop ng legal na pamamahala ng Beijing bilang People’s Republic of China.
Kinakategorya na ng Pilipinas ang sarili nito na hahanay sa mga bansang tulad ng Guatemala, Belize, Paraguay, Haiti, Vatican City, Palau, Nauru, Tuvalu, at Marshall Islands na kumikilala at sumusuporta sa Taiwan bilang isang bansa.
Geopolitical Proximity at Kalakalan Bilang Rason
Ang pahiwatig na pagbabago sa One China Stance ng Pilipinas ay sinusuportahan ng ilang pangyayari at dahilan:
-
Geopolitical Proximity: Nauna nang nagtaas ng kilay si Pangulong Marcos Jr. sa isang panayam sa Indian Media nang ilabas ang isyu ng Taiwan. Sinabi niya na “walang paraan ang Pilipinas na makaiwas” sa anumang hidwaan sa pagitan ng China at Taiwan dahil sa geopolitical proximity nito at sa malaking bilang ng mga Filipino migrant workers sa isla.
Trade and Economic Interest: Sinabi ni Lazaro na pinag-iisipan na ng Pangulo kung ang Pilipinas ay dapat pumanig sa Taiwan, lalo na’t mas mataas ang porsyento ng pakikipagkalakalan nito sa Taiwan kumpara sa China.
Pambubully ng China: Ang patuloy na pambubully at agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea ang isa sa nagbigay-diin sa Pangulo na isnabin ang One China Policy.
Ang Isyu ng Memorandum Circular Number 82

Maging si Senador Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, ay kinuwestiyon ang kamakailang Memorandum Circular Number 82 (MC 82), na tila nagpapaluwag sa paninindigan ng Pilipinas sa One China Policy. Pinaluwag ng kautusan ang mga paghihigpit sa paglalakbay para sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na pumunta sa Taiwan, maliban sa Pangulo, Bise Presidente, Kalihim ng DFA, at mga opisyal ng Department of National Defense (DND).
Gayunpaman, muling iginiit ni Lazaro na ang kautusan ay sumusunod pa rin sa One China Policy. Ang mga opisyal ay maaari lamang pumunta sa Taiwan para sa trade, investment, economic cooperation, at tourism, at bawal silang magsagawa ng anumang gawaing pampulitika. Idinagdag ni Lazaro na ang pagpapatupad ng Pilipinas sa patakarang ito ay hindi na gaanong mahigpit kumpara sa US, na madalas bisitahin ng mga matataas na opisyal.
Ang Pagtatanong ng Senado: “Wala Nang Respeto”
Nagbigay-diin din si Senador Erwin Tulfo sa pagdinig, na kinuwestiyon kung bakit kailangan pang magpatuloy ang Pilipinas sa paggalang sa mga patakaran ng China gayong malinaw na hindi iginagalang ng Beijing ang mga teritoryo ng Maynila.
Ani Senador Tulfo: “There is no more respect. While we respect what they want, while we don’t want to interfere in their affairs between China and Taiwan. But what about our position as neighbors that they can just trample? They can just come into our territory and interfere with our affairs?”
Ipinahayag ni Senador Tulfo ang kanyang suporta sa plano ng administrasyong Marcos na balak ibabasura ang pagkilala sa One China Policy at ibaling ang suporta at pakikipagkalakalan sa Taiwan sa nalalapit na panahon. Ito ay nagpapahiwatig ng papalaking sentiment sa loob ng gobyerno na pormal nang magbago ng diplomatikong paninindigan bilang tugon sa panggigipit ng China.