×

Vilma Santos reacts to news about missing sabungeros, Taal Lake

Vilma Santos reacts to news about missing sabungeros, Taal Lake

Vilma Santos: “Naapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.”

Batangas Governor Vilma Santos weighs in on news report on Taal Lake as "dump site" for missing sabungeros.

Batangas Governor Vilma Santos: “Ang akin lang, siyempre nadadamay ang Taal Lake namin, you get me? At kahit paano, with this news, hindi naman natin alam kung confirmed or hindi. Kesyo may mga katawan diyan… Naapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.”
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Sa unang araw ng muling panunungkulan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas ay sinalubong siya ng isyu ukol sa mga nawawalang sabungero.

Inihayag ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan o Alias Totoy na sa Taal Lake, sa Batangas, itinapon umano ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.

Nagbigay ng pahayag si Vilma ukol dito, at inaming naapektuhan ang kanilang lalawigan, lalo na ang mga Batangueñong mangingisda.

“It’s the hottest issue now,” pag-amin ni Vilma.

“Pero wala pa rin namang resulta or confirmation of what’s going to happen. So, dedesisyunan pa yan ng legal ba yun? Titingnan nila yung legal.”

Nag-aalala si Vilma sa epekto ng isyu sa kabuhayan ng mga tao sa kanilang lugar.

Paliwanag niya: “Ang akin lang, siyempre nadadamay ang Taal Lake namin, you get me?

“At kahit paano, with this news, hindi naman natin alam kung confirmed or hindi.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kesyo may mga katawan diyan… naapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.

“And you know, that happened a long time ago. Three years ago.”

Pakiusap ni Vilma ay huwag idamay ang Taal Lake dahil lumilikha lamang daw ito ng pangamba sa mga tao.

“So, kahit paano, sana huwag naman. Kasi kahit paano naaapektuhan ang kabuhayan ng mga Batangueñong mangingisda, oo.

“Tsaka hindi naman natin alam kung totoong nandiyan nga, you know. So, huwag naman sana. Huwag naman sana,” asam niya.

TAAL VOLCANO ALERT LEVEL 1

Lumikha ng malaking kontrobersiya ang salaysay ni Patidongan sa exposé ni Emil Sumangil sa 24 Oras.

Pero pagdating sa ongoing investigation, kunsaan may nadadawit na mga kilalang personalidad, ay ayaw na raw panghimasukan ni Vilma.

Pahayag niya: “Ah, hindi muna ako masyadong nakikialam diyan. May ibang naghahawak ng kasong yan. Wala pa namang kasiguraduhan.

“Ang concern ko lang, sana ingat naman tayo na palabasin na hindi maganda ang status ng Taal Lake, dahil naapektuhan ang buhay ng ating mga mangingisda.”

CONTINUE READING BELOW ↓

WATCH: K Brosas on PEP Live!

Diin ni Vilma, ang tinututukan sa kanilang lugar ay ang advisory kaugnay ng volcanic activities sa Taal.

“And, ang priorities ng ating Risk Reduction Management Council ay pangalagaan ang mga signal ng volcanic eruption.

“Ngayon kasi may Alert Level 1. So, sa ngayon, I think ito talaga ang dapat bigyan namin ng focus.

“This is our priority. Naka-Alert Level 1 tayo ngayon sa Taal, oo.”

VILMA SANTOS ON START OF TENURE AS BATANGAS GOVERNOR

Nakausap si Vilma ng piling entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Kapitolyo ng Batangas noong Lunes ng umaga, July 7, 2025.

Ginanap doon ang kanyang inaugural speech bilang bagong halal na gobernador ng Batangas.

“Unang-una, wala pa akong tulog,” sabi ni Vilma.

“Siyempre, I was excited. I was thinking of the special day today. So I wasn’t able to sleep well.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, excited ako. Siguro naman narinig niyo naman yung inaugural message ko kanina. Eto ang mga priorities na gagawin ko bilang governor.”

Pagkatapos ng kanyang inaugural speech, apat na executive orders daw ang pinirmahan ni Vilma.

“Apat agad,” pagmamalaki ni Vilma.

“Considered urgent, which means yung executive order ko kanina, naipulong na yun.

“So, well prepared yun. So, hindi drawing yun. So, yun ang mga priorities ko.”

Masaya si Vilma na suportado ng buo niyang pamilya ang paglilingkod niyang muli sa Batangas.

Ang bunsong anak niyang si Ryan Christian Recto ay nahalal bilang Batangas Sixth District representative.

Ang mister niyang si Ralph Recto ay secretary ng Department of Finance.

Ang panganay na anak ni Vilma na si Luis Manzano ay tumakbong bise gobernador pero nabigong mahalal sa puwesto.

Kuwento pa ni Vilma: “Actually, in-acknowledge ko ang pamilya ko. Ang liit naman ng pamilya ko, e, di ba?

“From Senator Ralph, Secretary Ralph, rather. And then, I have Lucky. I have Ryan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And now, I have Jessy [Mendiola] and Peanut. Ganyan lang naman kaliit my immediate family.

“So, if you will notice, in-acknowlegde ko rin naman ang non-stop support and tulong sa akin and guidance sa akin ni Sec. Ralph. I truly appreciate him as my partner.”

Excited din si Vilma para sa anak na si Ryan.

“And then, also si Ryan. He’s a legislator now.

“And I’m proud of him. And I see him every day and he’s so excited.

“Nakikita ko naho-hone yung character ng anak ko, si Ryan, now that he’s a legislator.

“He’s very excited to learn. He’s excited pumasok ngayon.

“He’s a neophyte. He’s having his three-day seminar.

“Parang ako rin noon yan. Meron akong three days seminar bago ako mag-session. So, andun siya ngayon.”

vilma santos ON DOING one movie every three years

Dahil balik-public service si Vilma, hihinto muna ba siya sa paggawa ng pelikula?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Huli siyang napanood sa MMFF 2024 official entry na Uninvited.

Sagot ni Vilma: “Sa tatlong taon na isisilbi ko sa Batangas, definitely, I’ll focus my attention to serving our Batangueños.

“Pero hihiling ako ng isa sa mga Batanguenos. E, kung minsan sa kanila nanggagaling. In three years, baka I can do one movie kahit paano

“And, okay, may negotiation.

“But I’m looking forward into, maybe doing it, given a chance, makaisang pelikula within three years. But we’re doing a meeting already and I’m excited.”

Tinanong din si Vilma kung may gagawin siyang pelikula kasama sina Direk Brillante Mendoza at Coco Martin.

May ipinost kasi si Direk Brillante sa Facebook na picture ni Vilma kasama si Coco.

“Yung picture na yun was two years ago. Ni-repost lang ni Direk Brillante.

“Hindi ko nga alam, e. Parang may so-so filming something,” sabi muna ni Vilma.

Dagdag pa niya: “But that was two years ago. May in-offer sila sa akin ni Coco na isang indie film.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, unfortunately, medyo hindi nagkatuluyan. I don’t know kung I forgot na, kung dahil ba sa schedule, dahil ba sa concept?

“Or kasi, parang pareho rin sa concept ng Batang Quiapo or to that effect, kaya hindi natuloy.

“Pero nag-meeting na kami. Na sana, makakagawa ako noon—indie film with Coco.”

What if ibahin ang concept ng project with Coco? Posible kayang matuloy?

“Wow! Mag-align ang stars,” bulalas ni Vilma.

“Alamin ko. Bast maganda yung magiging concept, excited ako to do a movie with Coco.”

Sa kabilang banda, may nakalinyang pelikula na gagawin si Vilma.

“Secret muna. Ayokong ma-preempt. Magpupulong pa lang kami muli!” sabay tawa niya.

Hindi rin sinabi ni Vilma kung isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang next movie na gagawin niya.

Ulit niya, “My lips are sealed. Hahaha! ‘Til it’s final, then ibabalita ko sa inyo.

“But no, it’s not anytime soon. Kasi priority ko muna ngayon is to serve. Mabuting malinaw.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“My first priority at this point in time is to serve the Batangueños and ibalik yung tiwalang ibinigay sa akin.”

Sa bagong panayam ng PEP Troika sa direktor na si Chito Roño ay binanggit nitong may reunion movie sila ni Vilma.

ON HEALTH AND WORKLOAD

Binanggit ni Vilma sa kanyang inaugural speech na sa November 3 ay turning 72 years old na siya.

Ikinatuwa ni Vilma nang may magsabing hindi pa siya mukhang 72.

“Yun na nga ang purpose nun, e. Hahaha! Ang kapal, e, ‘no? Hahaha!

“You know, kahit anong gagawin natin, lahat tayo tatanda. I mean, whether we like it or not, imagine this coming November I‘ll be 72, you get me?”

Paano inaalagaan ni Vilma ang sarili?

Sagot niya: “Sometimes it depends on your outlook in life. Nasa loob din yan, e.

“It will show in your face, in your attitude. Kung papano mo dalhin ang sarili mo, you know.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And sa totoo lang, I’m taking care of myself, too, you get me? So, yun yun”

Iba-ibang posisyon sa mundo ng pulitika ang nahawakan ni Vilma mula 1998 to 2022. Tatlong taon siyang napahinga bago muling nahalalal nitong 2025 elections.

Aminado si Vilma na kailangan niya ng suporta dahil hindi biro ang magtrabaho sa edad na 72.

“Kasi the last time, 2007 to 2016? Ilang taon ako noon?

“So, kahit huling isla ng Batangas nararating ko. Kasi ganoon kaagresibo pa,” lahad ng governor-actress.

“But whether we like it or not, pag nadadagdagan na ang numero mo, may mga ano na tayo na medyo ano na, may mga limitations na, di ba?

“And for that, I think hindi ko kakayanin lahat. At least, meron akong isang tao na gagawin kong representative whom I trust.”

Sa kanyang muling panunungkulan, paano niya maaabot ang kanyang mga kababayan na nangangailangan ng tulong?

“Maglalagay kami at ipapaalam namin sa inyo. Magkakaroon kamin ng isang hotline, at meron kaming reporting na gagawin every month.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Every month, meron kaming talino at puso na magla-live kami para sa mga mamamayan ng Batangueno.

“Doon malalaman namin kung ano ang kailangan nila at kung ano na ang ginawa ng gobyerno para sa kanila.”

Pagpapatuloy ni Vilma: “So, which means ang kaibahan din ngayon ng aking administrasyon, we will rely more on social media and information.

“Unlike before wala tayong mga social media. Pero ngayon, ang way of communication social media na, e.

“So we are focusing now on social media for our coordination sa pangangailangan at proyektong nagawa ng aking administrasyon for Batangueños. So, we will do that.”

ON FAMILY TIME AND APO

Abala man sa kanyang pagbabalik sa serbisyo-publiko, sinabi ni Vilma na may personal time pa rin siya para sa pamilya at sa apong si Peanut, anak nina Luis at Jessy.

“But I still have my weekend,” saad niya.

Siniguro ni Vilma na mababalanse niya ang trabaho at pamilya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang, my scheduling, pagplano ng proyekto, hindi naman na eto bago sa akin. Ginawa ko na yan for nine years.

“Maybe ang bago, etong pagbabalik ko ulit. Siguro, the only thing na gagawin ko or I will focus on doing these things, project or program, maybe ma-enhance ko pa.

“Alam mo, kung ano pang enhancement ang puwede kong magawa at this point in time, lalo iba na ang panahon.”

Mabilis na lumalaki si Peanut. Looking forward ba siyang magkasama sila ni Peanut sa movies?

“Oh, my god! Alam mo, ang arte ng apo kong yun. Napapanood niyo ba? Kanino nagmana? Sa Momsie!” natatawang bulalas ni Vilma bilang pagtukoy sa kanyang sarili.

“Napakaarte talaga ng batang yun. Natutuwa ako sa kanya.

“But you know what? Nai-imagine ko na siya. I was telling Luis and Jessy, ‘Anak, may artista kayo.’

“She’s so maarte, but she’s very pretty.”

May mga nagsasabing “carbon copy” raw niya si Peanut.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Natawang komento ni Vilma, “Magagalit si Jessy at si Lucky. Pero talaga nakakapagbigay ng ano sa akin yun, pag pagod na ako.

“Diyan sila sa Lipa, punta ako sa kanya, ‘Momsie!’ Nawawala talaga yung pagod ko. I’m now a lola.”

Posible kaya na i-remake ni Peanut ang kanyang past movies tulad ng Darna?

“Lola lang ako, hindi ako magulang. Hahaha! Mukha ba akong stage mother?” natatawang hirit ni Vilma.

“Alam mo, kung meron man akong dream [for Peanut], magkasama kami sa isang commercial.

“Dream ko yan. Sana magkasama kami sa isang commercial ng apo ko.”

Sa huli, tinanong si Vilma kung kinukulit niya sina Luis at Jessy na sundan na si Peanut.

“Actually, sabi nila next year,” tila nadulas na sagot ni Vilma.

“Tsinismis, e!” hirit niya.

Sabay bawi ni Vilma: “Gusto lang muna gampanan yung mga trabaho nila. And then, I think [si] Jessy meron siyang teleserye.”

Hanggang sa di nakatiis ding sinambit ni Vilma: “Pero, naku! Sorry, anak, Jessy.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“But I think they’ll be prepared next year. Sana. Sayang, e. Ang ganda ng lahi.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News