×

Vice Ganda explains absence of “Magpasikat” on 16th anniversary

Vice Ganda: “Unfortunately and realistically, we can’t afford that anymore.”

It's Showtime to partially replace "Magpasikat" with "Laro Laro Pick" this December

Vice Ganda on skipping “Magpasikat” on It’s Showtime 16th anniversary: “So this year, we decided to make the anniversary celebration different. Okay? So every year po kasi pag nagpapasikat kami, we spend like a minimum of P6 million per production number. Yun po ang katotohanan doon, dahil hindi namin tinitipid.”
PHOTO/S: Facebook

Nagbigay ng paliwanag si Vice Ganda kung bakit walang “Magpasikat” ngayong taon sa ika-16 anibersaryo ng It’s Showtime.

Ang “Magpasikat” ay ang tradisyonal na segment mapapanood lamang tuwing anibersaryo ng noontime show.

Karaniwang lahat ng hosts ay hinahati sa anim na grupo para sa isang linggong pagpapasiklab ng kakaibang talento at showmanship.

VICE GANDA: “every year, per day, per prod., minimum of six million.”

Sa live episode ng It’s Showtime kahapon, October 24, 2025, na araw ng pagdiriwang ng kanilang 16th anniversary, inusisa si Vice ng kapwa co-hosts niya kung bakit walang “Magpasikat” sa taong ito.

Mahaba ang paliwanag ni Vice, pero may kinalaman sa pera ang lahat. Milyon daw kasi ang ginagastos ng bawat grupo sa bawat araw ng “Magpasikat.”

It's Showtime episode yesterday, October 24, 2025.

Photo/s: It’s Showtime on Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Panimula ni Vice: “Since anniversary ngayon, at sini-celebrate natin tong pinakamagandang araw at ang dami nang nag-aabang talaga, kahit online nababasa ko rin, ‘Kailan yung Magpasikat? Inaabangan namin.’

“Talaga naman pong alam naming inaabangan niyo yan. Pero, dahil nga, ilang years na tayo? 16? 16 years.

“Siyempre, hindi naman puwedeng lalampas lang, lilipas ang anniversary natin na hindi natin pinaghahandaan at nagbibigay ng isang espesyal na offering sa inyo.

“So this year, we decided to make the anniversary celebration different, okay?

“So every year po kasi pag nagpapasikat kami, we spend like a minimum of PHP6 million per production number.

“Yun po ang katotohanan doon, dahil hindi namin tinitipid.

“Hindi namin tinitipid yung mga gusto naming production number na ibinibigay… na gusto naming ikaaliw ninyo, kapupulutan ninyo nung magandang inspirasyon, yung talagang mawiwindang kayo, yung mga first time on Philippine television.

“Kasi ang taas na ng standard na nagawa ng Showtime, e, ng lahat, di ba? Ng staff, ng prod [production], ng mga hosts.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“Ang taas-taas na rin ng standard ninyo, Madlang People.

“So as much as possible, kahit hirap na hirap po kami…

“Hindi sa sinusumbat namin, ha? Real talk lang tayo, at I’m sure alam nyo naman yun kung gaano naging napakahirap para sa ating lahat na itaguyod tong programang to sa mga nakalipas na taon, di ba?

“We have been trying our very best. Pero naisip namin, every year, per day, per prod, minimum of PHP6 million. Minsan umaabot nang sampung milyon.

“So kung susumahin mo yun sa isang linggo, para sa isang linggo lang na celebration, magkano yung nagagastos, magkano yung ginagastos namin?

“E, dati ang saya kasi afford namin. Right now, unfortunately and realistically, we can’t afford that anymore. I’m sure you understand and you know why.”

VICE SAYS SKIPPING “MAGPASIKAT” FOR 1 WEEK OF “LARO LARO PICK”

Kahit wala munang “Magpasikat” sa taong ito, siniguro ni Vice na may inihanda raw ang produksiyon na kapalit na segment na magpapabago sa buhay ng mga masusuwerteng manlalaro.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Vice: “But still, we want to make it extra because Showtime is extra, di ba?

“We still want to make it a memorable anniversary celebration. So, hindi kami papayag na walang magagaganap.

“So, inuusog lang po namin yung panahon lang para makapag ipon-ipon kami. Pero meron na kaming… Is it November? December? December? Okay.

“Idi-delay lang po natin nang konti yung yung malaking celebration, pero hindi lalampas ang taon na ito na wala tayong ipagdiriwang.

“Pagdating po ng Disyembre, meron kaming inilaan na, na isang malaking pagdiriwang na hindi lang ito kaaaliwan, hindi lang for entertainment.

“Sa panahong po ito, hindi lang basta entertainment ang ibinibigay ng Showtime.”

Ipinunto ni Vice na aligned ang plano nila sa adbokasiya ng programa na mas maraming matulungang manonood, dala na rin ng hirap ng buhay sa panahon ngayon.

Lahad pa ni Vice: “Kung napapansin ninyo, we are trying to educate people. We are trying to be the voice of the people.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinusubukan naming maging boses ng mga masa. Sinusubukan naming maipakita ang katotohanan nang buhay sa Pilipinas at ang realidad sa Pilipinas.

“Andami nating kababayang nangangailangan ng tulong. So sa araw na po na yun, nangangako kami na marami at mas malaki yung matutulungan nating lahat.

“At magiging mas makabuluhan ang pagdiriwang nating ng anniversary sa pamamagitan ng isang malala at masaya at engrandeng ‘Laro Laro Pick’ for one week.

“One week malalang ‘Laro Laro Pick.’ So entertaining at maraming buhay ang mababago natin ng mga ating mga Kapamilya, Kapusong mga Filipino.”

Excited si Vice na mas marami ang makinabang sa pinaghahandaang selebrasyon ng 16th anniversary ng It’s Showtime.

“Sa pagsi-celebrate natin, hindi lang tayo magpapatawa, magsasasayaw, magbibitin, gagastos ng pera. We will try to help our Madlang People build and rebuild their lives.

“Isn’t that amazing?

“Mas maa-appreciate ninyo yun, yung gagawin namin, yung prinepare namin para sa inyo kaysa dun sa taunan na nating pagtitiwarik at pag-aagaw-buhay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes. Yun ang kailangan natin. O, hindi lahat dinadaanan natin sa patawa, sa sayaw-sayaw. Kailangang nagkakamulat-mulatan na din tayo.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News