×

The shocking news is that Ganda was forced to delete a post on Facebook about corrupt politicians.

Vice Ganda deletes Facebook post about corrupt politicians

Netizen: “Laki ng tax na inaambag nya eh karapat dapat naman na bumoses sya.”

Netizens share opinions on why Vice Ganda deleted his post on Facebook

Netizens weigh in on Vice Ganda deleting own Facebook post about corrupt officials.
PHOTO/S: Facebook

Ipinagtaka ng ilang netizens ang pagbura ni Vice Ganda ng post niya sa Facebook kahapon, August 28, 2025, tungkol sa corrupt officials ng gobyerno.

Sa loob lamang ng pitong minuto ay umani ito ng 19,000 combined laughs, likes, and hearts reactions mula sa netizens.

Ang post ni Vice ay tungkol sa pagtitipid daw nila sa London dahil sobrang mahal ng mga bilihin doon.

Kasalukuyang nasa London si Vice, kasama ang iba pang Kapamilya singers and stars, para sa ASAP in England na gaganapin sa Birmingham sa Sabado, August 30, 2025.

Dagdag pa ni Vice sa kanyang post, namalengke sila noong unang araw nila sa London at nagluto sa tinutuluyan nilang Airbnb.

At sa ikatlong araw ay masaya raw nilang pinagsaluhan ang ininit na adobo.

Pero banat ni Vice sa dulo, bigla raw niyang naalala ang milyun-milyong tax na ibinabayad niya taun-taon na pinagsasaluhan lamang “ng mga garapal na magnanakaw.”

Buong post niya: “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya namalengke na lang kami nung first day at nagluto dito sa air bnb.

“Pangatlong araw na naming iniinit tong natirang adobo.

“Tapos bigla kong naalala ung milyon milyon kong tax na pinaghahati-hatian ng mga garapal na magnanakaw. Aray koooo!!!!”

Vice Ganda's deleted Facebook post

Photo/s: Facebook

Binura ito ni Vice makaraan ng ilang sandali.

CONTINUE READING BELOW ↓

Michael V, not slowing down after 30 years in GMA-7 | PEP Interviews

Pero may ilang netizens ang kaagad nakapag-screenshot nito at ini-repost sa kanilang social media accounts.

May kahalintulad na post si Vice sa kanyang Instagram Story kahapon din, na hindi niya binura.

Automatic na nabubura ang posts sa Instagram Story makalipas ang 24 oras.

Vice Ganda Instagram Story post

Read: Vice Ganda hits corrupt officials living off his taxes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT TO VICE GANDA’S DELETED POST

Samu’t sari ang espekulasyon ng netizens sa Reddit kung bakit binura ni Vice ang kanyang Facebook post, pero hindi sa Instagram.

Ayon sa nag-upload ng deleted Facebook post ng It’s Showtime host: “Vice Ganda dissing corrupt politicians on FB but she deleted the post immediately”

Netizen posts about Vice Ganda's deleted Facebook post

Photo/s: Courtesy: Reddit

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hinala ng isang netizen, “When you’re friends with some politicians, high probability na may tatamaan sa circles nya sa ganyang post [laughing emoji]”

Netizens' opinions on Vice Ganda's deleted post
Nag-namedrop naman ang isa, “Friend niya yung mga Alonte [laughing emoji]”

Netizens' opinions on Vice Ganda's deleted post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

 

Hirit pa ng isa, “Dinelete kasi parang friends niya rin lang pinaparinggan niya lol”

Netizens' opinions on Vice Ganda's deleted post
Posibleng ang tinutukoy ng netizens ay ang ilang okasyong nakitang kasama ni Vice si dating Deputy Speaker at former Biñan Mayor Marlyn “Len” Alonte Naguiat.

Si Len ay kapatid ni Biñan, Laguna Mayor Angelo “Gel” Alonte, ama ng Kapamilya artist na si Gela Alonte.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang bina-bash si Gela dahil maituturing daw itong miyembro ng isang political dynasty ng bansa.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng netizens si Vice sa kanyang deleted post.

Saad ng isa, “Everyone has the right to feel entitled with their tax..”

Pagsang-ayon ng isa pa, “I agree. Unless you’re a politician who earns from it, I have the right to throw shade at any public servant who misuses my hard earned money.”

Netizens' opinions on Vice Ganda's deleted post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ng isa pa, “Not a fan of Vice pero sa laki ng tax na inaambag nya eh karapat dapat naman na bumoses siya ng ganyan.”

Netizens' opinions on Vice Ganda's deleted post
Si Vice ay isa sa hinirang na top taxpayers ng Quezon City noong 2024.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News