Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event
Spotted si Bea Alonzo kasama ang reported boyfriend na si Vincent Co sa NAIA Terminal 1.
Kaugnay ito ng viral video kunsaan makikitang mabilis na naglalakad ang dalawa sa loob ng airport.
May hila-hilang carry-on bag si Bea, habang si Vincent ay may luggage at carry-on din na hinihila.
Simpleng white T-shirt at pants ang suot ni Vincent, habang si Bea ay naka-denim skirt, jacket, at white top.
Ayon sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), officially in a relationship na sina Bea at Vincent.
Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito kinukumpirma nina Bea at Vincent.
What you see is what you get ang peg ng dalawa.
Hindi nila itinatago ang mga pagkakataong magkasama sila.
BEA ALONZO AND VINCENT CO SWEET MOMENTS
Noon lang July 5, 2025 ay lantaran ang pagiging sweet nila sa isa’t isa sa Puregold OPM Con na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Una silang pumuwesto sa premiere patron section. Pinagkaguluhan ang dalawa, at makikita namang game silang nagpa-picture sa concertgoers.
Hanggang sa lumipat ang couple sa suite section ng Philippine Arena para manood ng concert.
May pagkakataong nakita silang magka-holding hands, o kung hindi man ay nakahawak si Bea sa braso ni Vincent.
Nagpa-picture din sina Bea at Vincent sa ilang performers noong gabing iyon.
At sa isang video, makikitang siniguro ni Vincent na kasama niya sa litrato si Bea.
Base sa kanilang kilos, malinaw na in full bloom na talaga ang ugnayan ng mga ito. At it’s a matter of time bago sila tuluyang umamin na sila na.
P-POP AND OPM STARS AT THE EVENT
Samantala, punung-puno ang buong Philippine Arena para sa event ng kilalang grocery chain.
Matindi ang hiyawan ng audience sa bawat performance. Ang grupong BINI ang opening salvo, at pinerform nila ang “Cherry on Top.”
Tinilian din ang duet ng BINI with James Reid nang kantahin nila ang “Secrets x Di Bale.”
Pinarinig din ng BINI ang bagong single na “Shagidi,” at ang last song nila ay ang pinakasikat nilang kanta na “Pantropiko.”
BINI
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sumunod na performer ang grupong KAIA. Inawit nila ang mga pinasikat nilang kanta gaya ng “Kaya,” “Dalawa,” “Walang Biruan,” at “Turn Up.” Nag-duet sila din ang KAIA at Mayonnaise sa kantang “Tanga” at “Jopay.”
Di rin nagpahuli ang grupong Sunkissed Lola. Pinalakpakan ng mga manonood ang mga kanta nilang “White Toyota,” “HKP,” “Pakisabi,” “Kamehameha,” at “Pasilyo.”
Buhay na buhay ang entablado sa performance na pinakita ng grupong G22.
Humataw sila sa mga pinasikat nilang kanta gaya ng “Filipina Queen,” “Palaban,” “Musika,” “Boomerang,” at “Bang.” Nag-duet din ang grupo at si Yeng Constantino ng kantang “Salamat.”
Di magkamayaw ang mga manonood ng lumabas na si Flow G at kantahin ang mga pinasikat nitong rap songs tulad ng “Praning High Scrore,” “Araw-Araw Love/Ebeb,” “Rapstar” at “G Wolf.”
Di rin nagpatalbog nang mag-perform naman si Skusta Clee at kantahin ang mga pinasikat na rap songs tulad ng “Karna,” “Diyosa,” “Dance With You,” “Sa Susunod Na,” “Kalimutan Ka,” at “Lagabog.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Patok na patok din angduet nila Flow G at Skusta Clee nang awitin nila ang Puregold Song(Sari-saring Kuwento).
Dumagundong sa lakas ng tilian at hiyawan nang mag-perform na ang grupong SB19.
Kinanta nila ang kanilang hit songs gaya ng “Dam,” “Crimzone,” “Quit,” “8Tonball,” at “Liwanag” kung saan naka-duet nila si Rico Blanco.
Sa finale ay sama-sama ang lahat ng performers sa stage kunsaan inawit nila ang Puregold song na “Nasa Atin Ang Panalo.”
With additional reports and text by: Rachelle Siazon
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph