SHOCKING: Vina Morales breaks silence on her past with GMA—was there really no bad blood?

Vina Morales: “I never had a bad relationship with my GMA family”

Vina Morales “thankful and grateful” for her 40 years in showbiz.

Vina Morales grateful to be back on GMA

Singer-actress Vina Morales returns to GMA after 25 years: “I never had a bad relationship with my GMA family kaya siguro there’s no hassle ang aking pagbabalik bilang Kapuso. In fact, napakainit ng kanilang pagtanggap muli sa akin.”
PHOTO/S: Instagram

Malayu-layo na rin ang narating ng karera ng singer-actress na si Vina Morales, 49.

“Thankful and grateful” si Vina dahil ngayong 2025 ay gugunitain niya ang kanyang ika-40 taon sa showbiz.

Nagsimula siya sa industriya noong siya ay siyam na taong gulang lamang.

VINA MORALES SAYS NO BAD BLOOD BETWEEN HER AND GMA

Pagdating sa kanyang acting career, masaya si Vina dahil muli siyang aarte sa telebisyon ngayong taon.

Ito ay dahil kinuha siyang muli ng kanyang dating home network, ang GMA-7, para magbida sa teleseryeng Cruz vs. Cruz.

Maayos daw ang relasyon ni Vina sa Kapuso network kahit nilisan niya ito may dalawampu’t limang (25) taon na ang nakararaan.

Pahayag ni Vina sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, June 26, 2025: “Grateful to be back in GMA and to be Kapuso, been years na hindi ako nakapagtrabaho with them.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“My shows with GMA was That’s Entertainment [Thursday group], SOPGMA Supershow, and few guestings on a series.

“I never had a bad relationship with my GMA family kaya siguro there’s no hassle ang aking pagbabalik bilang Kapuso.

“In fact, napakainit ng kanilang pagtanggap muli sa akin.”

Bukod pa rito, excited din si Vina dahil may mga bago siyang makakatrabaho.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa network sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

Saad ni Vina, “I think it’s more of excitement. Mixed emotions…

“Happy that I get to work with new actors and production staff, few of them I have worked years years back, I am grateful.”

CRUZ VS. CRUZ

Ano ba ang kuwento ng teleseryeng Cruz vs. Cruz?

Lahad ni Vina: “Unang-una, this is based on a true-to-life story.

“The story is relatable and unpredictable. About two families na may pinaglalaban.

CONTINUE READING BELOW ↓

Rico Barrera, muntik nang MASUNOG ang BAHAY NI KUYA? | PEP Exclusives

“Our OFWs can also relate to the story. Kung gusto nila umiyak, matuwa, ma-in love sa hapon, abangan nila ang istorya namin because we will be in GMA Afternoon Prime.”

Ano naman ang role niya sa show?

“I’m portraying the role of Felma Cruz, isa sa mga pamily sa Cruz vs. Cruz telenovela.

“She is a strong woman, a fighter, and a loving parent and partner,” paglalarawan ni Vina sa kanyang role.

Vina Morales during Cruz vs. Cruz media conference.

Vina Morales during Cruz vs. Cruz media conference. 
Photo/s: Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagbibida sa teleserye, siya rin ang napiling kumanta ng theme song ng Cruz vs. Cruz.

Sabi ni Vina: “I am also blessed that our GMA bosses allowed me to sing the theme song of Cruz vs. Cruz entitled ‘Kung Mababalik.’

“What a beautiful song, sigurado akong magugustuhan nila at makaka-relate sa kanta.”

Dahil matagal-tagal din siyang hindi nakaarte, nanganay ba siya ulit at kinakabahan?

Saad ni Vina: “All these years and my accomplishments, I don’t have anything to prove to anyone.

“Basta ako, I’m going my job well and giving it my best.

“Beautiful story and a challenging role kaya dapat tutok lang tayo, huwag bumitaw sa istorya.”

Bukod sa kanyang karera, masuwerte rin si Vina pagdating sa negosyo dahil 20 years na ang kanilang pag-aaring Ystilo Salon.

Nananatili pa rin daw silang open for franchise.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News