NETIZENS REACT: Vice Ganda’s Duterte joke at concert
“Grabe sobrang tapang mo talaga meme.”
Vice Ganda sparks both cheers and jeers with his comedic take on a viral meme, alluding to the West Philippine Sea and former President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Vice Ganda on Instagram/ICC
May mga natuwa at mayroon ding nagbanta matapos magbitaw ni Vice Ganda ng biro tungkol sa dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Nangyari ito sa unang gabi ng Superdivas: The Concert ni Vice kasama si Regine Velasquez noong August 8, 2025.
Sa mga video na kuha ng mga concertgoers, mapapanood si Regine na kumakanta ng “Hold my Hand” ni Jess Glynne.
Ang It’s Showtime mainstay host naman ay masayang naglalakad sa entablado kasama ang mga back-up dancers na may dalang tarpaulin na may nakasulat na “Jet ski holiday.”
Maya-maya pa ay biglang huminto sa pagkanta si Regine na siya namang paggagaya ni Vice sa viral na Jet2holiday meme, isang promotional advertisement ng isang tour operator na nakabase sa United Kingdom.
Sa version ni Vice, pabirong ginaya niya ang kontrobersiyal “jet ski promise” ni Duterte noon patungkol sa West Philippine Sea.
Noong 2016, sa kalagitnaan ng pangangampanya sa pagka-Pangulo ay natanong siya kung ano ang kanyang plano para maitaboy ang China na gustong sakupin ang Spratly Islands at Scarborough Shoal.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang sagot ni Duterte: “Pupunta ako sa China, kung ayaw nila, I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratly Islands, bababa ako, sasakay ako ng jet ski dala-dala ko yung flag ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila, tapos itatanim ko.”
Taong 2021, nakaupo na siya sa puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas, pero giit niya, ang “jet ski promise” ay bahagi lamang ng kanyang campaign joke.
Hindi raw niya akalaing seseryosohin ito ng kanyang mga tagasuporta.
Balik sa joke ni Vice, nabanggit niya rin ang “The Hague” at “ICC,” at nagawa pa niyang gayahin ang malutong na pagmumura ng dating Pangulo.
Kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, si Duterte dahil sa kasong crimes against humanity, na bunsod ng kanyang madugong kampanya laban sa droga.
CONTINUE READING BELOW ↓
Former President Rodrigo Duterte was arrested by the PNP at NAIA Terminal 3 on March 11, 2025, upon his return from Hong Kong, following an ICC warrant for crimes against humanity.
Photo/s: @veronicaduterte on Instagram
Ang spiel ni Vice: “Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC.
“Promo applies to DDS (diehard Duterte squad) only. Pinklawans and BBMs (Bongbong Marcos supporters) are prohibited.
“Huwag niyo akong subukan, mga p*tang i*a niyo.”
NETIZENS REACT TO Vice GANDA’s Joke
Umani ng iba-ibang reaksiyon ang hirit na ito ni Vice.
Siyempre, marami sa mga tagasuporta ni Duterte ang ngayo’y galit na galit dahil sa anila’y pambabastos ng It’s Showtime host sa dating Pangulo.
Tweet ng isang netizen sa X (dating Twitter): “As a Davaoeño, I am appealing to the City Government of Davao to declare Vice Ganda a persona non grata in Davao City.”
Saad ng isa, “Imagine needing an old man in jail to make your concert interesting.”
Ito yung pagbabanta: “The way you mocked PRRD at his lowest, I’m sure you won’t mind if we cheer and mock you when your karma comes. Million of us will wait for it.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
May mga nagsabi rin ng: “May araw ka rin Vice.”
May mga bumilib at nagtanggol kay Vice.
Pahayag ng isang netizen: “Grabe sobrang tapang mo talaga meme. Consistent yan si Vice. Isa siguro ito sa inadmire ko sa kanya. Bilib kasi ako sa mga taong may paninindigan.”
Ang punto ng isang fan ay ginagawang big deal ang isang biro (published as is): “Masyado namang mataas ang standards niyo kay Vice Ganda na hindi naman public servant. Pero kay Digong na balahura sa rape jokes, sa mga ‘papatayin’ statements, okay lang naman sa inyo yun. Si Vice Ganda – entertainer; si Digong naging pangulo na polisiya agad ang mga salita.”
Nanawagan naman ang isang concerned netizen (published as is): “Protect Vice Ganda. SALAMAT SA TAPANG MO Sa mga artista and politiko na inaangat niya, baka naman!”
Dagdag pa ng isa: “As usual, galit na naman ang mga DDS sa comedy skit ni Vice Ganda. Pero pag yung poon nila yung nagmumura, okay lang sa kanila. Mga hipokrito.”