Veteran actor Dante Rivero is alive and well amid death hoax
Dante Rivero continues to bring depth to his character in FPJ’s Batang Quiapo.
The team behind FPJ’s Batang Quiapo clarifies false social media reports claiming veteran actor Dante Rivero has died.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
Buhay na buhay at nasa maayos na kalagayan ang veteran award-winning actor na si Dante Rivero, 78.
Ito ang tiniyak ng CCM Film Productions, pagmamay-ari ng actor-director na si Coco Martin, matapos kumalat online ang balitang pumanaw na si Dante.
Si Dante ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya prime action-drama series ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo, kunsaan gumaganap siya bilang si Don Gustavo Guerrero.
DANTE RIVERO FALLS VICTIM TO DEATH HOAX
Noong July 12, 2025, naglabasan online ang ilang litrato at video ni Dante na may caption tungkol sa kanya diumano’y pagkamatay.
Bagay na mariing itinanggi ng CCM Film Productions sa inilabas nilang pahayag sa pamamagitan ng Facebook noong July 19.
Dante Rivero currently stars as Gustavo Guerrero in FPJ’s Batang Quiapo.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ayon sa produksiyon, walang katotohanan ang naglalabasang balita tungkol kay Dante.
Maging sila raw ay nagulat dahil ang beteranong aktor ay masigla at malakas na nagte-taping kasama nila.
Kalakip nito ang paalala sa publiko na huwag agad-agad maniwala sa mga nakikita’t nababasa online.
Mababasa sa pahayag ng CCM Film Productions (published as is): “Nakarating sa amin ang maling impormasyon tungkol sa pagpanaw ng FPJ’s Batang Quiapo cast na si Mr. Dante Rivero.
“Ang mga kumakalat na photos at videos ay HINDI TOTOO o FAKE NEWS.
“Si Mr. Dante Rivero ay malusog at masigla na kasama namin sa mga sumunod pang mga araw sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo.
“Nakikiusap kami sa lahat na itigil ang pagkalat ng videos at misinformation sa social media. Maraming salamat po.”
Photo/s: Screengrab on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
Dustin Yu after PBB Collab: “Hopefully, mas maraming opportunities…” | PEP Interviews #shorts
Bukod sa CCM Film Productions, itinanggi rin ng talent management ni Dante na Powerhouse Arte Inc, ang lumabas na balita.
Saad nila (published as is): “Nais pong ipaalam ng Powerhouse ARTE Inc artists management ni Mr. Dante Rivero na may kumakalat sa FB/social media tungkol sa diumanoy namatay na ito.
“Ang mga nababasa nyo po sa social media ay pawang walang katotohanan (FAKE NEWS)! Pakiusap lamang po na huwag ng ipagkalat pa or i-share ang FAKE information na ito.
“Para naman sa gumawa at nagpapakalat pa ng maling impormasyon na ito ay mag-ingat ka baka magboomerang sayo yan.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓