In response, Romualdez says Escudero deflected instead of addressing allegations.

Senator Chiz Escudero (left) publicly names former House Speaker Martin Romualdez (right) as the “man behind the script” in the flood control anomalies—and calls for Romualdez to be investigated.
PHOTO/S: Senate of the Philippines
Diretsahang pinangalanan ni Senator Chiz Escudero si dating House Speaker Martin Romualdez bilang mastermind o utak umano sa maanomalyang flood control projects.
Giit ni Escudero, na idinawit sa flood control projects noong nakaraang linggo, siya at ang ilang kasamahang senador ay ginagawa lamang panakip-butas umano ni Romualdez at ng Kamara.
Taktika raw ni Romualdez na pag-awayin ang mga opisyal ng pamahalaan at ang mga mamamayan upang makalimutan ang kanyang pangalan.
Paniniwala pa ni Escudero, malinaw na bahagi ito ng plano ni Romualdez para linlangin ang publiko at ilihis ang imbestigasyon tungkol sa korapsyon.
Pahayag ni Escudero sa kanyang talumpati sa plenary session sa Senado ngayong Lunes, September 29, 2025: “Sa mga nakaraang linggo, malinaw na nililihis ang galit ng taong-bayan tungkol sa mga ghost at substandard flood control projects mula sa mga totoong may kasalanan, patungo sa Senado at sa ilang mga miyembro nito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Tila pilit na ginagawang panakip-butas, ika nga fall guy at dibersiyon ang mga senador, palayo sa Kamara at mga tunay na may sala.
“Klarong-klaro po ang script nito. Ipitin ang tatlong DPWH officials, pakantahin sila, mema—memabanggit lang na Senador—habang pinagtatakpan ang mga congressman na tunay na kasabwat sa mga lugar na ginagalawan nila.
“Simple ang patunay dito, kapani-paniwala ba na wala silang kinausap na kahit isang congressman na nakaupo na totoong may hawak ng mga distrito sa mga lugar na ginalawan nila sa hinaba-haba ng testimonya nila dito at sa Kamara?
“Mas kinaklaro naman kung inyong papakinggan na wala silang masabing direktang nakausap o binigyan ng anuman. Lahat ito, para lamang ipako ang mga senador sa media at sa publiko. At ilayo ang atensyon sa Kamara at mga congressman
“Iisang tao lamang ang nasa likod ng script at sarswelang ito.
“Siya ang dahilan ng kaguluhan, pag-aaway, pagkakawatak-watak na ngayo’y yumayanig sa ating bayan maprotektahan lamang ang sarili niya
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
“Ang pangalan niya ay matagal nang bulung-bulungan sa bawat sulok ng bansa pero ngayon unti-unting nang sinisigaw ng taumbayan.
“Pero bakit sa Kamara, dito mismo sa Senado, at ilang media ay hindi pa rin nila kayang sambitin ang pangalan niya.
“Puwes, sasabihin ko na, [siya si] Martin Romualdez.”
Pinuna rin ni Escudero ang aniya’y pagpuntirya sa mga senador kaugnay sa pagkakaroon nila umano ng kickback sa maanomalyang flood control projects.
Bukod pa rito, ang pag-iimbestiga sa campaign contributions ng mga kontratista sa kanya at iba pang kandidato noong 2022 national election, habang wala umanong nahahaing reklamo laban kay Romualdez.
Sa kabila ito ng pahayag ni Orly Guteza, dating marine at miyembro umano ng security staff ni Congressman Zaldy Co, na personal siyang naghatid ng male-maletang pera sa bahay ni Romualdez at kanang kamay nitong si Congressman Zaldy Co.
Saad ni Escudero: “Hindi ba nakapagtataka kung bakit hindi isinasama si Martin Romualdez sa anumang imbestigasyon ng DOJ (Department of Justice) man, NBI (National Bureau of Investigation) man, o AMLC (Anti-Money Laundering Council) man?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Bakit hiniling agad ang freeze order diumano para sa assets ng mga ni-name drop na Senador, maliban kay Congressman Zaldy Co na mukhang nilalaglag na nila.
“Ni isang congressman walang request sa freeze order. Pagdating naman kay Martin Romualdez, na diniliberan ng bilyong piso sa mismong bahay niya ang sabi ay, ‘We will work on it’ lang.
“Ganito ba katindi ang kapangyarihang hawak ni Martin Romualdez, na bagaman hindi siya speaker, tila the name that cannot be mentioned pa rin siya, at nagagawa pa rin niya ang nais niya kaugnay sa isang mapamiling hustisya o selective justice.”
ROMUALDEZ allegedly USED FLOOD CONTROL FUNDS TO PUSH FOR VP SARA duterte IMPEACHMENT
Inilantad din ni Escudero ang umano’y paggamit sa 2025 budget sa impeachment ni Vice-President Sara Duterte.
Pagbubunyag ng senador: “Ginamit ni Martin Romualdez ang FLR (for later release) at ang pangalan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang itulak ang kanilang unconstitutional na impeachment complaint.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Sabi nila, ‘Pumirma kayo dahil kung hindi, hindi ilalabas ang inyong pondo na naka-FLR bago mag-eleksyon.’
“Subalit hidi ito umubra. Hindi ito umubra dahil tinanggihan ito ni PBBM. Sinabi niyang, ‘Walang ganyang uri ng usapan,’ at sinabi niyang hindi niya kailanman gagawin yon kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin for later release ang mga kuwestiyunableng pondo nila.
“That is why at the height of the impeachment controversy, and amidst the passion of some sectors to remove the vice-president at all cost, I urged prudence and level-headedness because I knew that greed and not accountability was the reason behind it.”
Escudero says he can defend himself, will sue corruption accusers
Sa huli, nanindigan si Escudero na wala siyang kinalaman sa mga alegasyon sa kanya patungkol sa pagkamkam ng milyun-milyong pondo sa flood control projects.
Papatunayan daw niya ito sa pamamagitan ng pagsasampa ng reklamo laban sa mga taong idinawit ang kanyang pangalan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi niya: “I’ve been in public service for 27 years. I have never been accused nor charged with corruption. This is the sterling record which they are trying to tear down and I tell you they will not succeed.
“I will defend myself against these malicious and false allegations.
“In fact, I have already filed and will be filing necessary and appropriate charges against my accusers and prove them wrong.
“And with the help of Almighty, I will be vindicated and declared innocent, I am sure.
“Kaya ko pong ipagtanggol ang sarili ko.”
Kalakip ito ng pakiusap niya sa mga kasamahang senador, maging sa taong-bayan, na huwag magpalinlang sa mga patibong na “script” daw ni Romualdez.
Ani Escudero: “Ang tanging hiling ko po sana sa inyo Ginoong Pangulo at sa lahat ng aking kasamahan sa Senado, labanan po ninyo at huwag niyong pahintulutan ang mapamiling hustisya na lantarang nangyayari sa harap natin ngayon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“For what is happening now is selective justice and mob justice.
“Members of the Senate have been trown off the clip before the court of public opinion in an attempt to mollify the people’s rage thereby covering up the real perpetrators and giving them a chance to get away.
“I will not allow justice to be weaponized against the innocent to protect the guilty.
“Because this corrodes the legitimacy of the law before our people’s eyes.
“Huwag po tayong sumunod sa script ni Martin Romualdez. Labanan po natin ang script na ito. Pasagutin at imbestigahan ang lahat ng ni-name drop at binanggit.
“Congressman man, senador man, at iba pang opisyal, at dapat kasama dito si Martin Romualdez.
“Hindi ba natin nakikita, pilit tayong pinag-aaway-away. Mamamayan laban sa lingkod-bayan. Lokal laban sa national na opisyal. Congressman laban sa kapwa congressman.
“At ngayon, senador laban sa kapwa senador. Pilipino laban sa kapwa Pilipino.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Ito sa aking paniniwala ay bahagi pa rin ng script at sarsuwela na nais palaganapin ni Martin Romualdez, upang lituhin, guluhin, linlangin, at sirain ang ating lipunan at bansa para lanang huwag siyang mabisto.”
Dagdag pa niya, “Sana ay huwag nating hayaang mangyari ito.”
ROMUALDEZ says Escudero’s speech a mere “DDS script”
Samantala, makalipas ang ilang oras matapos magsalita sa Senado ni Escudero ay agad namang naglabas ng pahayag si Romualdez tungkol dito.
Sa kanyang official statemet ay tinawag ni Romualdez na “DDS (Diehard Duterte Supporters) script” ang privilege speech ni Escudero matapos siyang akusahan nito kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Romualdez, hindi tumugon si Escudero sa mga seryosong paratang laban sa kanya at sa halip ay nanisi ng iba.
Kasunod nito, sinabi ni Romualdez na patuloy siyang makikipagtulungan sa anumang patas na imbestigasyon para mapanagot ang tunay na may sala sa laganap na korapsyon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Narito ang buo niyang pahayag:
“I listened to the privilege speech of Sen. Chiz Escudero. With respect, what we heard was not an expose but a DDS script—the same recycled accusations we have long seen on troll pages and social media posts. Walang bago, at wala ring katotohanan.
“Instead of answering the serious questions he himself must face, Sen.
Escudero chose to deflect.
“He did not deny the allegations against him. He did not explain his own role in flood-control kickbacks. Imbes na magpaliwanag, nanisi siya.
“Malinaw naman ang katotohanan: ang talumpati ni Sen. Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang kanyang personal na ambisyon.
“It was a performance designed to profess loyalty and service to Vice President Sara Duterte, and to position himself as her ally for 2028.
“Ang tunay na pinagsisilbihan ay hindi ang katotohanan, kundi ang sariling interes at plano sa politika.
“For my part, I will continue to cooperate with every impartial investigation. My record can withstand scrutiny.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Wala akong itinatago. As for Sen. Escudero, kung tunay na pananagutan ang hanap, sa presinto na siya magpaliwanag.”

Photo/s: Martin Romualdez on Facebook