×

SHOCKING NEWS: ATONG ANG AND GRETCHEN BARRETTO HAVE BEEN SUMMONED, READY TO FACE JUSTICE – ALL EVIDENCE FOUND IN TAAL LAKE REVEALED EVERYTHING!

Atong Ang, Gretchen Barretto ipapatawag ng House quad comm

 

Iimbitahan ng House quad committee sina Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa imbestigasyon ng komite sa kaso ng missing sabungeros.

Ito ang sinabi ni House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa panayam ng broadcast journalist na si Pinky Webb sa programang On Point ng Bilyonaryo News Channel noong Biyernes.

Sa pagtatanong ni Webb, sinabi ni Abante na hindi siya nasisiyahan sa bagal ng pag-usad ng kaso.

Missing Sabungeros Update: Actual Photos, Video Of Sack Containing "Bones"  | PhilNews

“No, I’m not happy… In fact, I told them during the briefing that the committee (House Committee on Human Rights) is quite disappointed because look, the DOJ is investigating, the CIDG is investigating, the Napolcom is also investigating. But so far, none has been charged in court,” sabi ng solon.

“And one more thing. Even if the forensics of the Philippine National Police uncovered 401 human bones (in Taal Lake, where the sabungeros’ bodies were allegedly dumped), they have not actually given us any DNA match of the missing sabungeros. So sabi ko, e kung walang ganong bagay, di walang kaso. Walang kaso,” dagdag pa ni Abante.

Nang tanungin ni Webb kung iimbitahan si Ang sa imbestigasyon, sagot ni Abante, “I believe so. Later on, papatawag din natin siya sapagkat he was charged for murder, even I think Gretchen Barretto.”

Ipapatawag din umano ang Patidongan brothers na nagdawit kay Ang at Barretto, at 18 pulis na inuuugnay sa kaso.

“I don’t know if it stopped or actually nothing happened to it yet, so we’re gonna continue it… nakalagay ’yan sa media for about a week, (after that) nakalimutan na… kung hindi namin pinag-usapan sa isang briefing saka nailagay na naman sa media ‘yan,” sabi ng solon.

Airport workers in shakeup after Gretchen Barretto, Atong Ang seen getting  'VIP' treatment

“So we’d like to continue it. This is exactly a human rights violation (issue). Just imagine, I was even questioning them why do you only have 34 listed when you have been telling us that there are 100 of them na tinapon doon sa Taal Lake. So I was thinking siguro ang iba hindi sa Taal Lake tinapon ‘yan, sa iba’t ibang lugar,” dagdag pa ni Abante.

Muling binuo ng Kamara ang quad committee upang imbestigahan ang mga malalaking isyu sa bansa. Ito ay binubuo ng Committees on Human Rights, Public Order and Safety, Public Accounts, at Dangerous Drugs. (Billy Begas)

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News