Camille Prats to take a break from drama after Mommy Dearest
Camille Prats gratefull to all viewers for embracing her first kontrabida role.
Actress Camille Prats after doing Mommy Dearest: “This project is especially close to my heart as I’ve decided to take a break from doing seryes for now, to devote more time to my growing children and family.”
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography
Kasabay ng pagtatapos ng afternoon drama series ng GMA-7 na Mommy Dearest ngayong linggo, hudyat na rin ito para sa aktres na si Camille Prats na magpahinga muna mula sa pag-arte.
Si Camille ang gumaganap na kontrabida na si Olive sa Mommy Dearest.
Ayon kay Camille, kahit gustung-gusto niya ang kanyang ginagawa, pinili niyang magpahinga muna pagkatapos ng teleserye.
Unti-unti na raw kasing lumalaki ang kanyang pamilya.
Si Camille at asawang si VJ Yambao ay biniyayaan ng dalawang anak: sina Nala at Nolan.
Si Camille ay may anak ding lalaki sa yumaong asawang si Anthony Linsangan, si Nathan; si VJ naman ay may isa ring anak mula sa dati niyang karelasyon, si Ice.
Kaya maituturing silang blended family.
Camille Prats and husband VJ Yambao with their children: Ice (back, leftmost), Nathan (rightmost), Nala (front, in red dress), and Nolan (in front of Camille).
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
CAMILLE PRATS: A WIFE AND A MOTHER FIRST
Sa Instagram ngayong Lunes, July 14, 2025, nagpasalamat si Camille sa lahat ng mga manonood ng kanilang show at sa pagtanggap sa kanyang karakter bilang kontrabida.
Ang role bilang Olive sa Mommy Dearest ang kauna-unahan niyang all-out kontrabida role.
Saad ni Camille, “As #MommyDearest reaches its finale week, I want to take this opportunity to thank everyone for embracing Olive. When GMA offered me this role, it wasn’t a difficult decision to make.
“What I didn’t realize was how much I had been longing—as an actress—to take on a character different from the ones I usually portray: the kind-hearted, often oppressed protagonist.
“Playing Olive breathed new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity.
“A heartfelt thank you to direk @ginalajar for laying the foundation of this character and for your steady guidance, especially during our early taping days.”
CONTINUE READING BELOW ↓
F4 reunited again after 12 years to perform “Meteor Rain” | PEP
Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang mga kasamahan sa show, kabilang na sina Katrina Halili, Dion Ignacio, Shayne Sava, at iba pa, sa masaya nilang samahan sa set.
Dagdag niya: “To my co-actors—thank you for opening your hearts to me. It’s been such a joy working alongside incredibly talented people on screen, and even more so experiencing your warmth and passion behind the scenes.
“I’ll always treasure our meaningful conversations during lunch breaks and waiting hours.”
Gayundin sa staff and crew na nag-alaga sa kanila sa taping.
Special mention din ang beteranang aktres na si Amy Austria, na hindi lamang daw tiyan nila ang binusog kundi ang kanilang espiritwal na kaalaman din.
Hindi rin nakalimutan ni Camille magpasalamat sa creatives ng show at sa GMA Network na nagbigay sa kanya ng pagkakataon.
Mensahe ni Camille: “To the staff and crew—salamat sa pag-aalaga, pag-uunawa at sa maraming tawa off-cam. Makes our long days bearable, easy and joyful. Love language natin talaga ang food noh.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Special thanks to Ms. @amyaustria_ventura for always feeding not just our stomachs but also our hearts, grateful that we get to share our faith journey with each other. Sa pagdadasal sa bawat mahihirap na eksena. A reminder that all we have is from the Lord.
“Direk @ralfhmanuelmalabunga thank you for guiding me and pushing me for more.
“To the creatives—maraming salamat po for such a beautifully written piece. I am truly proud to be part of this project.
“To @gmanetwork, thank you for entrusting me with the roles of Olive and Jade, and for believing that I am the right fit for the role.”
Sa huli, sinabi ni Camille na magpo-focus muna siya sa kanyang pamilya dahil ito raw ngayon ang pinakamahalaga sa lahat.
Pagtatapos niya: “This project is especially close to my heart as I’ve decided to take a break from doing seryes for now, to devote more time to my growing children and family.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Turns out, hindi ko pala kayang hatiin ang katawan ko—and while I deeply love what I do and remain incredibly grateful for the support you’ve shown this project, I’m being called to be a wife and mom first.
“Thank you all, from the bottom of my heart. Hanggang sa muli.”