ABS-CBN reporter accused of throwing shade at GMA’s Nico Waje
Katrina: “…reporters should never indulge in being treated as celebrities.”
Netizens react to ABS-CBN reporter Katrina Domingo’s (left) post saying “reporters should never indulge in being treated as celebrities.” Some believe it’s a subtle shade at GMA Integrated News reporter Nico Waje (right), who recently went viral online for his selfie-style reporting.
PHOTO/S: Screengrab ANC24/7 on YouTube/GMA News on TikTok
Pinuputakti ngayon ng batikos ang ABS-CBN reporter na si Katrina Domingo matapos niya diumanong pasaringan ang GMA Integrated News reporter na si Nico Waje.
Huwebes, July 24, 2025, nang mag-post sa X (dating Twitter) si Katrina tungkol sa pagpapaalala ng mga kasamahan niyang batikang reporter tungkol sa pagsikat sa social media—a la-celebrity—ng mga kagaya niyang journalist.
Bukod sa kasikatan ay hindi rin daw nakabatay sa panglabas na hitsura ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo para makapaghatid ng balitang totoo.
Mababasa sa post ng ABS-CBN reporter (published as is), “Grateful for veteran & senior journalists who have been reminding us that reporters should never indulge in being treated as celebrities — and that we should focus on our body of work instead of clout.
“Journalist or not, may we be judged on our substance, not our appearance.”
Photo/s: Screengrab Kat Domingo on X
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
May mga netizen na sumang-ayon sa pahayag na ito ni Katrina.
Ayon naman sa isa pang netizen, maraming reporter o journalist ang hindi sinasadya ang kanilang pagsikat sa social media.
May mga nakakapansin lang daw talaga sa mga ito sa iba’t ibang paraan na kalauna’y napapatungan na ng clout.
Buong komento ng netizen, “To be fair, the reporter isn’t the one putting himself out there. He’s just doing his job the best way he can. It’s the news outlet trying to milk this trend for clout, syempre di naman sya makakahindi.”
Mabilis itong sinagot ni Katrina ng, “Agree that the reporter should not be blamed for it. Just to put it on record, okay kami, wala kaming bad blood or bitterness contrary to how others are making it seem.”
Dagdag pa ng nasabing netizen, “You’re doing great work, Kat! Tuloy lang! Ang mga journo naman sa field sama-sama at magkakaibigan. Wag pansinin ang mga duwag na alt accounts.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Meet Joaquin Arce and Carmella Ford | PEP Interviews
Netizens Criticize Katrina’s Post
Bagamat may sumang-ayon ay hindi rin naman nawala ang mga kumuwestiyon sa post ni Katrina.
Komento ng isang netizen, “Funny how some people preach humility when what they’re really feeling is bitterness. Being treated like a celebrity isn’t a sin, and let’s be real, it’s not even the journalist’s choice. It’s a reflection of the audience’s respect.”
Napukaw ang atensiyon dito ni Katrina kaya naman kanyang ni-reply-an.
Paliwanag niya, sinasang-ayunan niya ang pahayag nito na wala namang kontrol ang isang journalist sa kanyang pagsikat, lalo na kung sa social media.
Ang hindi raw matanggap ng reporter ay ang palabasin na bitter siya at nasasabi lamang niya ito dahil may kagalit o may isyu siya sa mga kapwa niya reporter—mapasa-ABS-CBN man o GMA-7.
Ani Katrina, “Totally agree that the journalist should not be blamed kasi wala naman siya control sa comments.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“But disagree sa bitterness part coz wala kaming issue personally. Even Kapuso reporters are liking and sharing the statement coz we all respect our craft.”
Sa puntong ito ay nagsunud-sunod na ang natatanggap na batikos ni Katrina.
Sabi ng isang netizen, “‘We all respect our craft’ pero amoy na amoy namin pagka inggit niyo sa mga taga GMA hahahaha.”
Saad ng isa, “The typical filipino attitude. Inggeterang froglet.”
Hirit pa ng isa (published as is), “OA! Sorry kung natapakan pagka reporter mo!!! Pero congratulations, kilala ka na.”
Is this a shade thrown at Nico Waje?
May ilan ding netizens ang naghinala na patama raw ito ni Katrina sa GMA-7 reporter na si Nico Waje, na kamakailan lamang ay viral online dahil sa gawi ng kanyang pagbabalita.
Sentiyemento ng isa (published as is), “Nico Waje is a man of substance. He does his work professionally and passionately. I watched his TikTok live last night, and all of his topics were about his profession. You can really sense the love he has for his job, so I find it bitter of you to tweet something like this.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi pa ng isa (published as is), “Maem you said no bad blood and issues but you posted this tweet the same day nico waje had his first guesting on reddit? I don’t see pure intentions with this tweet po. Tbh, might sound off but ikaw yung nagmukang nag-seek ng clout with your tweet, Ma’am.”
“Hala si ate nagpapansin kasi di napapansin. di daw bitter pero may pa reminder dahil sa viral ni Nico Waje kaya nagbuhat ng sariling bangko para umingay din yung pangalan HAHAHA,” dagdag pa ng isa.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot sa mga akusasyon o reaksiyon si Katrina tungkol sa mga natatanggap niyang batikos online.