SHOCKING NEWS: A TURNING OF THE SITUATION, Atong Ang released new circumstantial evidence aimed at covering up and overturning the charges by turning white into black, causing confusion among the victim’s relatives.

Atong Ang denies “mastermind” tag in missing sabungeros case

Atong Ang accuses GMA Integrated News of one-sided reporting.

atong ang missing sabungeros

Atong Ang on GMA News series of interviews with Julie “Dondon” Patidongan: “Ang gusto ko lang, balansehin niyo muna. Pakihingi ang side ko. Ngayon, i-analyze ninyo ngayon dun sa side na sinasabi ni Dondon. Tingnan ninyo ang pagkatao niya, pagkatao ko, pagkatao naming lahat. Wala naman kaming history na pumapatay ng tao. Paano mangyayari yan?”
PHOTO/S: GMA News Facebook

Pormal nang naghain ng patung-patong na reklamo ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang laban kay Julie “Dondon” Patidongan at sa isang Alan Bantiles.

Kasama ang kanyang legal counsel na sina Atty. Lorna Kapunan at Atty. Caroline Cruz, nagsadya si Atong sa Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City ngayong Huwebes ng umaga, Hulyo 3, 2025.

Robbery, grave threat, grave coercion, slander, at incriminating innocent people ang mga kasong isinampa ni Atong laban kay Patidongan.

Si Patidongan, na unang nakilala bilang Alias Totoy, ang hepe ng security agency na may hawak ng mga farm at sabungan na diumano’y pag-aari ni Atong.

Inireklamo ni Atong si Patidongan dahil sa mabigat na paratang nitong si Atong ang “mastermind” sa pagkawala ng mga sabungerong ang mga bangkay ay itinapon umano sa Taal Lake.

Idinawit din ni Patidongan ang aktres na si Gretchen Barretto.

Diumano, ang aktres ang madalas na kasama noon ni Atong kaya may alam ito sa paglaho ng mga hindi pa natatagpuang sabungero.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ATONG ANG: “MASYADO NA KAMING KAWAWA…”

Matapos maghain ng mga reklamo ay humarap sa isang press conference si Atong.

Ayon sa negosyante, masyado na silang kinakawawa kaya nagpasya siyang lumantad at magsalita.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Masyado na kaming kawawa kaya kailangan ko nang lumabas.

“Tingnan ninyo lahat ng sinasabi niya [Patidongan], may mga pulitiko, may mga artista pa, kung anu-ano.

“Pero walang kriminal sa amin. Yun lang ang masasabi ko diyan.

“So, sinabi niya kahapon na nag-o-offer ako sa kanya ng PHP300 million, na sinusuhulan ko siya, gusto kong alamin…

“Si Atty. Carol Cruz, siya ang gumawa. Siya ang magpaliwanag kung papaano nangyari yon.

“Yung sinasabi nila na recantation yata ang tawag dun.”

Dagdag pa ni Atong: “Please lang, ang pakiusap ko lang, lahat ng tao na sinasabi niya, ini-involve, tingnan ninyo ang pagkatao namin.

“Gaming lang ako. Saka sinasabi niya loverboy daw ako, hanggang dun lang ako.”

 

atong ang legal counsels

Atong Ang with legal counsel Atty. Lorna Kapunan (left) and Atty. Caroline Cruz (right) at his press conference after filing formal complaints against Julie Patidongan. 
Photo/s: GMA News Facebook

ATONG ANG CALLS OUT GMA INTEGRATED NEWS

Pinaratangan din ni Atong ng hindi balanseng pamamahayag ang GMA Network dahil sa serye ng eksklusibong panayam ng broadcaster na si Emil Sumangil kay Patidongan na napanood sa primetime news program na 24 Oras.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Atong: “Lalo na sa Channel 7, nakikiusap ako sa media, gawin ninyong fair lang. Katulad niyan, hindi naman naririnig yung side namin.

“Kahapon lang, isipin ninyo, biglang inilabas nila na sinusuhulan ko si Dondon.

“Dapat tinanong muna nila. Binabalanse bago sila maglabas.

“Parang one-sided, e.

“Dapat kung may ganoong media, kung ako ang tatanungin, sa media, may nag-a-accuse, dapat yung ina-accuse, tatanungin muna bago maglabas. Both sides ilabas.

“Katulad ngayon, late ako nagsalita ngayon. I’m sure hindi ako iko-cover ng Channel 7 siguro ngayon.”

Sa kabila ng kanyang pahayag, may reporters ng GMA News na tumutok sa pagsasampa niya ng mga reklamo laban kay Patidongan.

Napanood din sa GMA News sites ang mga video ng press conference ni Atong, pati ang kanyang mga hinaing laban sa Kapuso Network.

Himutok pa ni Atong sa GMA: “Talagang eto ang simula, kasi simula, hindi ko alam kung pinopondo, gumawa pa sila ng pelikula, ako na naman ang kontrabida.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“E, ayoko ngang mag-artista simula bata ako. Laging ako ang kontrabida, e.”

Ang tinutukoy na “pelikula” ni Atong ay ang documentary na Lost Sabungeros.

Ang Lost Sabungeros ang kauna-unahang investigative documentary film ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.

Dapat ay magpi-premiere ang Lost Sabungeros sa Cinemalaya Independent Film Festival noong Agosto 2024, pero hindi ito ipinalabas.

“Security concerns” ang ibinigay na dahilan sa kanselasyon ng documentary movie na tumatalakay sa pagkawala ng mga sabungero mula pa noong Enero 2022.

Hindi pa nagkakaroon ng commercial release ang Lost Sabungeros, pero naipalabas ito sa QCinema International Film Festival noong November 9, 2024.

lost sabungeros

Photo/s: courtesy of GMA Corporate Communications

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Idiniin ni Atong na wala umano siyang history na pumapatay ng tao.

Saad niya: “Hindi ako pareho ng Channel 7 na hindi binabalanse lahat.

“Ang gusto ko lang, balansehin niyo muna. Pakihingi ang side ko.

“Ngayon, i-analyze ninyo ngayon dun sa side na sinasabi ni Dondon.

“Tingnan ninyo ang pagkatao niya, pagkatao ko, pagkatao naming lahat.

“Wala naman kaming history na pumapatay ng tao. Paano mangyayari yan?

“So, balansehin lang natin, kasi labas tayo nang labas para mapanood lang.

“Araw-araw inilalabas natin si Dondon, series pa, di ba? Magsasalita kami, hindi naman ilalabas ang totoo.

“Ngayon nandito kayong lahat, kayo na ang mag-analyze.

“Nagsisinungaling ba ang mukha ko? Hindi. Sinasabi ko lahat ng totoo.”

ATONG ANG’S MESSAGE TO PATIDONGAN

Nag-iwan din ng mensahe si Atong para kay Patidongan.

Aniya: “Ang masasabi ko lang, mag-isip ka Don.

“Kung anuman ang mga… huwag ka nang magsinungaling nang magsinungaling. Itinuring kitang parang anak ko, e.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung alam ko lang na ganyan ka kasama… pati ako papatayin mo pa, kikidnapin mo pa ako.”

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si Gretchen Barretto tungkol sa pagdadawit ng kanyang pangalan sa mga nawawalang sabungero.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News