×

Shocking: Atasha Muhlach Set to Return to Eat Bulaga!

When will Atasha Muhlach return to Eat Bulaga!?

Atasha: “I miss Dabarkads…”

Atasha Muhlach asked about absence in Eat Bulaga!

Atasha Muhlach on when she can go back to Eat Bulaga!: “Kailangan po, we need to finish this show muna. Tapos, tapusin natin yung promo. Of course, I love to. I miss all of them. I miss Dabarkads at yung mga \

Marami ang nakaka-miss kay Atasha Muhlach sa noontime show na Eat Bulaga!

Matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood dito simula nang mag-taping siya sa kauna-unahang serye.

Ang palagi ngang tanong, lalo na ng mga masugid na tagasubaybay ng noontime, ay kung kailan siya babalik bilang co-host ng Eat Bulaga!?

“Of course, I would love to, only if my schedule permits,” sagot ni Atasha.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atasha sa mediacon para sa Bad Genius, ang Philippine adaptation ng 2017 Thai heist thriller film.

Ang Viva ang producer ng Filipino remake.

Paliwanag pa ni Atasha: “Kasi, sabi ko, I wanna give my 100% sa project.

“But my love for the Dabarkads is forever and always be there and I love them so much.

“Alam nila yan. I love you guys and thank you guys for everything.”

Alam daw ng production ng Eat Bulaga! na hangga’t ginagawa niya ang Bad Genius ay sa taping muna siya naka-focus.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May assurance naman na babalik pa nga siya?

“Kailangan po, we need to finish this show muna. Tapos, tapusin natin yung promo. Of course, I love to. I miss all of them. I miss Dabarkads at yung mga Dabarkads.”

 

ATASHA MUHLACH ON BAD GENIUS

Kung sa noontime show ay napapanood siyang natatawa, sBad Genius, ang kauna-unahan niyang serye sa VIVA One, pagiging seryosong aktres ang tinatahak niya.

“Para naman po, like I’ve said when I came here in VIVA, I wanna try everything.

“And I’m learning so much along the way and I want to develop more my craft as an actor, singer. It makes me more inspired and motivated.”

Aminado si Atasha na hindi niya maiwasang kabahan sa unang serye, lalo na at mabigat ang karakter na ginagampanan niya.

“Of course, siyempre naman po, sa lahat ng projects and opportunities, I’m always nervous.

CONTINUE READING BELOW ↓

Dating alaga ni Manay Lolit Solis dumalo sa kanyang burol | PEP Hot Story

“But I’m also at the same time inspired because I wanna give it my all and there’s no better way than to start.

“You’ll never know where you are if you won’t start.”

Nilinaw ni Atasha na wala naman daw siyang expectation nang pasukin niya ng tuluyan ang pag-aartista.

Pero masaya raw siya sa nangyayari.

“Wala namang expectation in terms of kahit anong project. There’s no expectation in terms of result. That, I can assure.

“But there’s an expectation in terms of myself where I expect to make up my priority and to make sure that I give the work that I need to put in and not to take it for granted. Yan po ang number one priority ko.

 

ATASHA MUHLACH ON SUPPORTIVE PARENTS

Sa July 17 magsisimulang mapanood sa VIVA One ang Bad Genius, at si Atasha ang pinakabida at gaganap bilang si Lin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksyon ng mga magulang niya na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales?

Sagot ni Atasha, “Sa teaser pa lang, they’re very, very proud and very supportive.

“Hindi lang yung parents ko lang but my whole family. Yung lola ko po, si Andres, mga titas and titos ko po, they’re very, very supportive and I’m so appreciative because of them.

“I’m able to achieve what I wanna try and they give me that confidence na, ‘Kaya mo yan. Go lang.'”

Inaabangan na rin ni Atasha kung ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang kapag napanood na ang serye.

“Of course, there’s always kaba, especially with my parents. They’re my idols at the end of the day.

“I super, super respect them. I admire them and I hope to be just like them as an actor, as people and as parents.”

Natawa si Atasha nang tanungin namin kung sino ang mas kritiko niya sa mga magulang.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Feeling ko, siguro po, yung tatay ko po. But he would always be my best critic. I trust my dad and he always mean well. It’s always constructive criticism and nothing personal.”

Ang director ng Philippine remake ng Bad Genius ay si Derick Cabrido. Makakasama ni Atasha sina Gab Lagman, Hyacinth Callado, at Jairus Aquino.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News