
Sachzna Laparan on unnamed assistant who allegedly betrayed her: “Actually, di naman yung pera ang masakit sa akin, yung tiwala talaga [na nasira]. Kasi siyempre, parang second mom ko na siya.”
PHOTO/S: @sachzna Laparan
Biktima si Sachzna Laparan ng diumano’y pagnanakaw sa kanya ng taong pinagkatiwalaan niyang humawak ng kinikita niyang pera.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sachna sa Big Creator Expo 2025, na ginanap sa Enderun Tent sa Taguig City noong November 20, 2025.
Dito idinetalye ni Sachzna na hindi niya akalaing sariling kamag-anak at kasama sa bahay ang aniya’y tatraydor sa kanya.
Lahad niya: “Assistant ko yun na kamag-anak ko. Ninakawan ako ng milyun-milyon.
“Since 13 years old ako, siya na ang assistant ko. Recently ko lang nalaman na ninakawan niya ako.
“Pero umamin siya ninakawan niya ako, June pa lang, na-discover ko October. Na-compute ko, September, October—PHP2 million na. Wala pa yung June, July, August.”
Ito ang pinanggagalingan ng isa niyang Facebook post na wala raw palang silbi ang smart lock sa pintuan para ma-secure ang bahay niya, dahil nasa loob daw ang mismong magnanakaw.
“Actually, di naman yung pera ang masakit sa akin, yung tiwala talaga [na nasira].
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Kasi, siyempre, parang second mom ko na siya. Magkasing-age kami. Siya ang nagga-guide sa akin.
“Siya yung humahawak ng mga pera ko. Actually, lahat ng pera ko, siya ang humahawak.”
Nagkaroon daw si Sachzna ng pagkakataong kausapin ang kanyang assistant na itinuring daw niyang kapamilya.
Paglalahad pa ng content creator-actress: “Na-hurt lang ako bakit niya ginawa. Tapos nung tinanong ko sa kanya bakit niya ginawa, naging gahaman lang daw siya.
“Pinaalis ko na lang ng bahay. Nakakalungkot kasi di lang naman pera yung nawala, siyempre, pinagkakatiwalaan mo.”
SACHNA LAPARAN ON FIRST INCIDENT OF ALLEGED THEFT
Ang masakit pa raw kay Sachzna, hindi ito ang unang pagkakataong ninakawan umano siya ng assistant.
“Actually, second chance na niya ito. Last year, ginawa na niya sa akin ito.
“Pinatawad ko siya. Isang daan libo lang naman ang nakuha niya [noong una].
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
“Pero kasi ngayon, milyun-milyon na.”
Dagdag ni Sachzna, “Masisisi mo ba ako kung nagbigay ako ng second chance? Akala ko kasi magbabago.”
Nagka-ideya si Sachzna sa aniya’y panloloko sa kanya ng assistant nang mapansin niya ang magarbong lifestyle nito.
“Nakikita ko ang mga luho niya. Paano niya naa-afford yung mga ganun?
“Actually, pag nag-iibang-bansa kami, wala naman siyang ginagastos, pinagsya-shopping ko pa nga.
“Pag nagta-travel kami, sagot ko lahat. Pati anak niya, binigyan ko rin ng sasakyan…”
Kaya raw hindi makapaniwala si Sachzna na makukuha raw nitong lokohin siya.
Sabi pa niya, “Nahati yung family namin. Yung iba kumakampi sa kanya kasi nama-manipulate niya.”
SACHNA LAPARAN SEEKS LEGAL ADVICE
Nagsangguni na raw si Sachzna sa legal counsel kung anong reklamo ang puwede niyang isampa laban sa assistant.
“Yes, yung lawyer ko ang may alam kung ano. Pero ano kasi, ang inaano na lang namin, maibalik lang sa akin yung ninakaw niya para hindi na mapahaba. Ayoko na rin kasi ng sakit sa ulo.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero di siya willing ibalik yung pera sa akin. Pinaghirapan niya raw yun. Tingin ko naman may ipon na siya. Ang laki na ng ninanakaw niya sa akin.”
SACHNA LAPARAN ON HER LOVE LIFE
Sa kabilang banda, ibinalita ni Sachzna na masaya ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng nobyong si Mark Pascual, na kilala rin bilang “Boss G.”
“Two years na kami,” pag-amin ni Sachna tungkol sa relasyon nila ng nobyong crypo trader at content creator.
May balak na ba silang lumagay sa tahimik?
Sagot ng dalaga: “Siyempre, lahat naman tayo hino-hope yun.
“Pero as of now, naka-focus talaga ako sa business ko. Ang dami kong natatanggap na mga blessings.”
May usapan na rin daw sila ng nobyo.
“Sabi ko sa kanya, kung magpo-propose siya, wag muna. Alam niya yun. Wag muna ngayon. Wag next year.
“Wag na muna talaga kasi ang priority ko ay ang sarili ko. Parang ngayon ko lang prinarioty ang sarili ko, ngayon lang ako nagkaroon ng self-love.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
SACHNA LAPARAN ON EXPLORING DIFFERENT INCOME STREAMS
Isa si Sachza sa content creators at live sellers na sumuporta sa Big Creator Expo 2025, na powered by M-Commerce and sponsored by Tiktok shop.
Malaking tulong daw para sa kanya ang dumalo sa ganitong events.
“Ang dami ko kasing ginagawa—content creator na ako, nagba-vlog na ako, nagla-live selling na ako, nag-aartista pa, nagte-taping. Halu-halo na yung ginagawa ko.
“Pero dahil sa TikTok shop, nagge-generate pa yung mga sales, then i-introduce mo na ang mga products, then may bibili na agad sa iyo.
“Siyempre, I sell my own products, my own brands. So siyempre, gusto mo pang makaalam ng ibang knowledge regarding sa e-commerce, sa pagbebenta.”