Red Sternberg’s wife Sandy too shocked by actor’s death that she couldn’t even break the news to her kids and parents.
PHOTO/S: Red Sternberg Facebook / @angeludeleonrivera Instagram
Lubos pa rin ang pagdadalamhati ng misis ni Red Sternberg na si Sandy Sternberg sa biglaang pagpanaw ng dating aktor.
Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Red noong May 27, 2025.
Siya ay 50 taong gulang, at tatlong araw na lang sana ay ika-51 kaarawan na ng aktor.
Matagal na panahong nakabase sa U.S. si Red kasama ni Sandy. May tatlo silang anak—sina Raesee, 17, Risen, 15, at Rykr, 5.
Umuwi ng Pilipinas ang mga naulila ni Red dala ang cremated remains niya.
Ang T.G.I.S. family ni Red ang nag-organisa ng memorial service para sa aktor noong August 2.
At dito mangiyak-ngiyak na ikinuwento ni Sandy ang nangyari noong araw na pumanaw ang aktor.
“I’m just as shocked as you guys are,” saad ni Sandy.
T.G.I.S. family with the Sternbergs
Photo/s: @angeludeleonrivera Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
THE DAY RED STERNBERG PASSED AWAY
Malayo raw si Sandy kay Red nang atakihin sa puso ang aktor.
Lahad niya, “The day he passed, I was at a friend’s ranch… It was an hour and forty minutes away, so I couldn’t have gone home fast enough.”
Naalarma raw si Sandy nang malamang hindi nasundo ni Red ang anak nilang si Risen.
Balik-tanaw ni Sandy: “When Risen told me that her daddy didn’t pick her up from school, I drove as fast as I could.
“I tried. I did my best… I’m sorry… But I did what I could when I got to him…
“They worked on him for an hour to revive him. But it was too late.”
Hindi raw makapaniwala si Sandy sa nangyari.
Sa kanilang mag-asawa, si Red daw kasi talaga ang planner, kaya wala siyang ideya kung saan at paano magsimula nang wala na ang aktor.
Hindi rin daw agad sinabi ni Sandy sa mga kamag-anak nila ang pagkamatay ni Red.
“I was so much in shock. I couldn’t tell my mother-in-law and my in-laws or my mom or dad for two days.
“So, I’m sorry I had to say it on his birthday,” pahayag ni Sandy.
Pumanaw si Red noong May 27, pero inanunsiyo lamang ito ni Sandy sa mismong kaarawan ni Red noong May 30.
Kahit sa dalawa niyang dalagang anak ay hindi raw nasabi agad ni Sandy na wala na si Red.
Paliwanag niya, “But I was all by myself. So I had to deal with that and figure out what I was gonna do with the girls.
“I couldn’t tell them until the next day either. So I’m sorry, girls.”
Nang mag-eulogy si Sandy ay wala sa chapel ang bunsong anak na lalaki na si Rykr.
Pagpapatuloy niya: “It took me about a month to tell him that his dad had passed away.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“He was asking me, ‘So it’s just us now?’ I said, ‘Yeah. It really is just us. You, me, Raesee, and Risen.’
“‘Is he coming back?’ ‘No, buddy.’ ‘You only have one life?’ I dont know how to answer these questions. ‘Yeah, we do have one life.'”
RED STERNBERG AND SANDY’S LOVE STORY
On a lighter note, ikinuwento rin ni Sandy ang love story nila ni Red.
Nagbakasyon noon si Sandy sa Pilipinas. Siya ay 19 years old lang daw noon.
Goth pa raw ang fashion style noon ni Sandy.
“Opposites attract,” paglalarawan niya sa kanila ni Red.
Nag-click daw sila talaga.
Pero may karelasyon pa raw noon si Red, at masyado pa siyang bata kaya hindi puwedeng maging sila noon.
“We kept in touch for years. One day, I came for vacation. We met. We continued our relationship.
“No one knew we were together,” lahad niya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Niyaya raw siya agad ni Red na magpakasal, at umoo naman daw si Sandy.
Sigurado raw talaga sila sa isa’t isa.
RED STERNBERG’S DAUGHTERS
Bilang family man, ayon kay Sandy, responsable si Red.
“He is definitely a hardworker. He’s a planner.
“So, I’m so lost right now. For the past few weeks, Daddy’s not here,” aniya.
Maging ang mga anak niyang dalaga na sina Raesee at Risen ay nagpatunay kung gaano sila kalapit sa ama.
Sa sobrang tindi ng emosyon ay hindi kinayang magsalita ni Raesee, at hinayaang si Sandy na ang magbasa ng inihanda niyang speech.
Ganoon din si Risen. Ang ina ring si Sandy ang nagbasa ng kanyang speech, at nagsalita na lamang si Risen noong bandang kalahati na ng kanyang eulogy.
Sa huli, nagpasalamat si Sandy sa T.G.I.S. cast sa paghanda ng memorial service para kay Red.
Lalo pa’t matagal na rin daw nang huling nagbakasyon sa Pilipinas si Sandy.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“I know everything has always been planned for us, but we will figure out,” saad ni Sandy.