Police say Sherra is currently resting and will be interviewed once she’s ready.

The Quezon City Police District says there is still no indication that a crime was committed in the disappearance of Sherra de Juan, a bride-to-be who was recently found in Sison, Pangasinan.
PHOTO/S: Quezon City Police District on Facebook
Ligtas nang nakauwi sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City, ang nawalang bride-to-be na si Sherra de Juan matapos itong matagpuan sa bayan ng Sison, Pangasinan, nitong Lunes, December 29, 2025.
Pasado ala-una ng madaling-araw ngayong Martes, December 30, nang makauwi si Sherra. Mainit siyang sinalubong ng kanyang pamilya.
Sinundo ang dalaga ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), kasama ang kanyang kapatid at ang fiancé niyang si Mark Arjay Reyes.
Ayon sa QCPD, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pamilya ni Sherra hinggil sa kinaroroonan nito ilang linggo matapos nitong mapaulat na nawawala.
Upang matiyak na si Sherra nga ang natagpuan, minabuti ng kanyang pamilya na makipag-video call sa concerned citizen.
Nang makumpirma ang pagkakakilanlan, agad na pinuntahan ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng nawawalang dalaga.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng pulisya ang tunay na nangyari kay Sherra dahil hindi pa nila ito lubusang makausap, alinsunod na rin sa hiling ng dalaga na pansamantala munang magpahinga.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
POLICE SEE NO CRIME IN BRIDE-TO-BE CASE
Samantala, sa panayam ng GMA News kay QCPD spokesperson Police Major Jennifer Gannaban, sinabi nitong walang indikasyon ng krimen sa pagkawala ng bride-to-be.
Ayon kay Gannaban, sa kanilang isinagawang initial assessment ay wala silang nakitang senyales ng physical harm o forced detention na sangkot si Sherra.
“Sa ngayon, dahil wala pa naman po tayong nakukuhang ibang evidence na nagkaroon nga po ng crime ay hindi pa po natin masasabi.
“Pero once po na ma-confirm natin kung sapilitan ba o hindi yung pagkakapunta niya doon [sa Pangasinan] ay doon po tayo magko-conclude o maglalabas po ng update.”
Physically fit din umano si Sherra matapos sumailalim sa medical examination sa kanyang pagbabalik.

Photo/s: Quezon City Police District on Facebook
Bagamat nanghihina, iniugnay ito sa limitadong pagkain ng bride-to-be sa loob ng ilang araw matapos maiulat ang kanyang pagkawala.
Saad ni Gannaban, “Yun nga lang, medyo matagal lang daw na puro tubig yung kanyang intake kaya parang nagkaroon po siya ng acid peptic disease.”
Nilinaw rin ni Gannaban ang naunang pagtukoy sa fiancé ni Sherra na si Mark Arjay bilang person of interest.
Pahayag niya: “Nabanggit din po natin yan na naging person of interest siya dahil siya po yung nakapagbigay po sa atin ng mahalagang information na nakatulong dito sa investigation natin.
“Sa ngayon po, wala namang evidence na nagpapakita na siya nga po yung may gawa kaya hindi po natin siya maituturing na suspect.”
How DID Sherra end up in Pangasinan?
Ibinahagi rin ni Gannaban ang inisyal na salaysay ni Sherra kung paano ito napunta sa Pangasinan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Ang sabi po niya is nagbago yung isip niya na sa FCM [Fairview Center Mall] siya pupunta [para bumili ng sapatos] kaya siya sumakay ng UV Express para pumunta sa Ever [Commonwealth] Mall, hanggang sa mamalayan niya na nasa Pangasinan na siya.
“So, ayon yung tinitingnan natin kung ano ba talaga ang nangyari. Hopefully, makausap na natin siya in the next coming days para masabi na niya yung buong detalye.”
Dagdag pa ni Gannaban: “May nabanggit po siya na may kasama siya doon sa pagsakay niya sa van, may dalawang lalaki at yung driver.
“Pero apart from that, wala na po siyang details na nabanggit. Ayon po yung babalikan natin if ever na gusto na niyang magsalita.”
Sherra de Juan’s disappeArance
Nakatakdang ikasal si Sherra sa kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes noong December 14.
Ngunit hapon ng December 10, napaulat siyang nawawala makaraang magpaalam na bibili lamang ng sapatos na gagamitin sa kasal.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Agad na ipinaalam ng kanyang nobyo sa mga awtoridad ang hindi pag-uwi ng kanyang bride-to-be makalipas ang ilang oras mula nang magpaalam ito.
Wala umanong dalang anumang gamit si Sherra—maging ang kanyang cellphone ay naiwan—na lalong nagdulot ng pangamba sa kanyang pamilya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ang impormasyong may pinagdaraanan umanong financial at emotional distress si Sherra.
Batay umano ito sa isinagawang digital forensic examination sa cellphone na naiwan ng dalaga.
Ayon sa mga awtoridad, lumabas sa chat history ni Sherra na siya ay problemado sa gastusin para sa pagpapagamot ng kanyang ama at sa mga gastusin sa kasal.
Bagay na mariin namang itinanggi ng kanyang pamilya, partikular ng kanyang ama at fiancé.
Read Next