NO HARD FEELINGS? Anjo Yllana Moves On… or Pretends To?

Anjo Yllana, naka-recover na sa pagkatalo bilang vice-mayor

Anjo Yllana, nanghihinayang sa mga plano niya sa Calamba, Laguna.

anjo yllana 2025 election

Anjo Yllana: “Nanghihinayang ako dahil ang laki sana ng gagawin ko sa Calamba. It will not involve money from the government. Ako mismo, yung pangalan ko, yung title ko bilang vice-mayor. Ang point ko lagi, kapag may nagtatrabaho, hindi mauubusan ng pagkain sa mesa.”
PHOTO/S: Facebook

Balik sa normal ang buhay ni Anjo Yllana matapos mabigong mahalal bilang vice-mayor ng Calamba City, Laguna, sa eleksyon na nangyari noong Mayo 12, 2025.

Tanggap ni Anjo ang kanyang pagkatalo pero may nararamdaman siyang panghihinayang dahil sa magagandang plano raw niya para sa mamamayan ng Calamba City.

“Naka-recover na ako, kaya lang, sa totoo lang, medyo nasaktan ako nang umikot ako sa 54 barangays sa Calamba dahil marami ang walang trabaho,” sabi ni Anjo sa Cabinet Files.

“Industrial zone yan. Halos isangdaan ang kompanya doon.

“So, nakipag-usap ako sa owners and asked them if they’re hiring. They told me, most of them, mass hiring. Mga Hapon ito, mga Koreano.

“Sabi nila, ‘We’re mass hiring.’

“Nung nakilala nila ako, sabi ko, ‘Can I refer?’

“‘Yes, refer! Lahat ng ire-refer mo, tutulungan namin.’

“Yung mga hindi na-hire, kulang sa requirements, sa NBI… mahihirap lang kasi. Sabi ko, sagot ko na yan, mabigyan ko lang sila ng trabaho.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“That was my dream, mabawasan ang poverty sa mahihirap na lugar sa Calamba.”

PLANS FOR CALAMBA

Ibinahagi pa ni Anjo ang kanyang panghihinayang sa malaking plano sana niya sa kanilang bayan.

Saad ng actor-politician: “Unfortunately, I lost. Broken-hearted ako not because I lost, but because ang dami ko sanang matutulungan kung nanalo ako.

“Nanghihinayang ako dahil ang laki sana ng gagawin ko sa Calamba.

“It will not involve money from the government. Ako mismo, yung pangalan ko, yung title ko bilang vice-mayor.

“Ang point ko lagi, kapag may nagtatrabaho, hindi mauubusan ng pagkain sa mesa.”

Hindi pa matiyak kung muli siyang kakandidato sa eleksyon sa 2028.

“Hindi ko alam,” reaksiyon ni Anjo.

“Hindi ko naman balak tumakbong vice-mayor sa Calamba, konsehal lang, pero ginawa akong vice-mayor.

“Kinausap ako, kailangan daw ng vice-mayor. So, ipinagpasa-Diyos ko na lang kung anong mangyayari.

“Pero wala akong regrets. Kasi, every time na pumupunta ako sa isang lugar, first time nilang akong nakita, masasaya sila. Napapasaya ko sila.

CONTINUE READING BELOW ↓

Cherry Pie Picache, PINAPAIYAK LAGI NI COCO; kumusta na ang LOVE LIFE? | PEP Interviews

“Nung nagkausap kami ni Tito Sen [Senator Tito Sotto], sabi ko, ayoko nang magpulitika.

“Sabi niya, ‘Hindi! Buhayin mo yang political career mo. Mabait kang tao, e.’”

Hindi ito ang unang beses na sumabak sa pulitika si Anjo.

Nagsimula ang kanyang political career bilang konsehal sa Parañaque ng dalawang termino, mula 1998 hanggang 2004.

Noong 2004, tumakbo siyang vice-mayor sa nasabing siyudad. Pinalad naman siyang manalo.

Pero hindi na siya pinalad sa kanyang re-election bid noong 2007.

Muli siyang tumakbong vice-mayor noong 2010, pero hindi pa rin siya pinalad.

Noong 2013, tumakbo siyang konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City at nanalo.

Muli siyang nahalal sa puwesto at nanilbihan hanggang 2019.

Noong 2022 election ay nagsumite siya ng certificate of candidacy bilang congressman ng fourth district ng Camarines Sur, ngunit nag-withdraw kalaunan dahil sa “money issue.”

ANJO YLLANA ON TAKING CARE OF HIS MOTHER

Kabilang sa balak ni Anjo ang muling maging aktibo sa showbiz at patuloy na iukol ang panahon sa pag-aalaga sa nanay niyang matagal nang may karamdaman.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Anjo: “Nagda-dialysis ang mommy ko.

“Maraming problema ngayon. Masakit yung puso ko.

“Ano ang pakiramdam ng isang anak na yung nanay mo, may sakit?

“Alam mo yung sakit, kung puwede lang ipasa sa akin. Ganoon kasakit.

“Basta’t ang ginawa ko, ako ang nag-assume bilang padre de pamilya.

“May sakit ang tatay ko noon, wala naman trabaho ang nanay ko, so ibig sabihin, ginagawa ko lang yung dapat.

“Hindi ko alam kung ano ang plano ni Lord para sa akin.”

Ngayon daw ay handang-handa na si Anjo na ipagpatuloy ang kanyang acting career na pansamantalang nahinto nang kumandidato siya para sa nakaraang halalan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News