Archbishop in Misamis Occidental closes church indefinitely amid spitting issue.
A female content creator in Ozamis is now under fire for allegedly spitting onto the holy water font for content. After the criticisms, she uploaded a video apologizing and denying that she spat on the holy water.
PHOTO/S: Facebook
Nagbigay ng reaksiyon ang Archdiocese of Ozamis at netizens matapos duraan umano ng isang vlogger ang holy water font sa isang simbahan doon.
Pansamantalang ipinasara ng archdiocese ang Parish Church of St. John the Baptist sa bayan ng Jimenez, kasunod ng video ng vlogger na dinuraan umano ang holy water noong Linggo, August 3, 2025.
Nakilala ang local vlogger, 28, dahil sa pagpo-post niya ng mga “nakakatawang” content.
Pero marami ang hindi natawa sa kanyang nag-viral na video.
Sinabi ng simbahan at ng netizens na malaking kalapastanganan ang ginawa ng vlogger.
Naglabas ng official statement si Reverend Martin Sarmiento Jumoad, arsobispo ng Ozamis, nitong August 7, 2025.
Nakasaad dito: “The Parish Church of St. John the Baptist in Jimenez shall remain closed until further notice as a sign of penance and reparation.
“The reopening of the church will only be permitted after appropriate acts of penance are observed by the faithful, including participation in the Holy Hour and confession, as well as after due assessment.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tinanggal na ng vlogger ang video matapos bumuhos ang pagbatikos sa kanya.
Naglabas din siya ng video upang humingi ng tawad at itinangging dinuraan niya ang holy water.
Bahagi ng kanyang pahayag: “Kumuha ako ng sobre tapos binalik ko kaagad tapos tumingin ako sa holy water kasi nag-wish ako doon sa holy water.”
NETIZENS REACT
May ilang netizens na hinanap pa ang Facebook account ng kontrobersiyal na vlogger.
May mga nagkomento naman na ang “nakakatawang” content ng content creator ay masyadong extreme.
Sabi ng ilan, kung anu-anong pakulo ang ginagawa ngayon ng ibang aspiring content creators para sa monetization.
Paratang naman ng ibang netizens, lumalampas na sa kung ano ang katanggap-tanggap sa society ang ginagawa ng ibang vloggers na ang habol ay “clout chasing,” “virality,” at “for the views.”
Katulad na lamang ng female vlogger na umano’y dumura sa holy water.
CONTINUE READING BELOW ↓
Brent Manalo: “Lahat ng ipinakita ko… even the bad ones…” | PEP Spotlight
Ganito ang sabi ng isa (published as is): “para saan yun? para sa content? for internet points?
“pusa, lahat na lang talaga content kahit crossing the line.”
Hirit ng isa: “Kaya dapat meron [suspension] ng mga ‘influencers’ pag meron ginawang kalokohan, e. Kase yung iba for the clout na lang, kase alam nila kahit gumawa sila ng mali, kikita pa din sila.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Magpu-public apology kase madali pa siyang gawin, pero yung engagement namo-monetize pa rin, e.”
Sundot ng isa pa: “Wala na pinipili ang mga hayok sa clicks at views. Labis na kabastusan at kawalang-hiyaan gagawin para mapansin. Kung di sila nahihiya sa ginagawa nila, dun sila sa loob ng pamamahay nila magkalat, wag sa may mga apektado.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Obserbasyon ng isa, noong una ay interesting ang mga ginagawang content ng content creators, subalit naging extreme na ang content ng iba sa paglipas ng panahon.
“Dati yung mga may interesting lifestyle lang talaga yung may K mag-vlog, ngayon kasi kahit sino na lang pati mga walang modo,” puna ng isang netizen.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sarkastikong saad ng isa pa ukol sa isyu, “Sakses. Nag-viral.”
Ang isyung ito ay isa lamang sa recent issues ng iba pang content creators na gumagawa ng content na lumalabag sa ethical standards.
Ilan na rin ang inulat ng PEP tungkol sa vloggers na gumawa ng mga paglabag sa batas trapiko. Mga nag-viral sa maling paraan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pero kapansin-pansin ding sa kabila ng mixed reactions ng netizens, mas malakas pa rin ang komentong pumapabor sa social norms.