×

Missing bride-to-be finally found—QCPD

QCPD personnel and her family are en route to pick her up.

Missing bride-to-be finally found—QCPD

The Quezon City Police District confirms that missing bride-to-be Sherra de Juan was located in the Ilocos Region on December 29, 2025.
PHOTO/S: Mark Arjay Reyes on Facebook

Matapos ang ilang linggong paghahanap at pag-aalala, sa wakas ay natukoy na ang kinaroroonan ng nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan.

Ngayong Lunes, December 29, 2025, kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na si Sherra ay nasa Ilocos Region.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kasalukuyan nang sinusundo si Sherra ng mga tauhan ng QCPD Police Station 5, kasama ang kanyang pamilya.

Inaasahang makakabalik sa Maynila ang dalaga ngayong alas-singko ng hapon.

Sherra de Juan’s disappeArance

Nakatakdang ikasal si Sherra sa kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes noong December 14.

Missing bride-to-be finally found—QCPD

Photo/s: Mark Arjay Reyes on Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit hapon ng December 10, napaulat siyang nawawala makaraang magpaalam na bibili lamang sa isang mall sa North Fairview ng sapatos na gagamitin sa kasal.

Agad na ipinaalam ng kanyang nobyo sa mga awtoridad ang hindi pag-uwi ng kanyang bride-to-be makalipas ang ilang oras mula nang magpaalam ito.

Wala umanong dalang anumang gamit si Sherra—maging ang kanyang cellphone ay naiwan—na lalong nagdulot ng pangamba sa kanyang pamilya.

Sa paggulong ng imbestigasyon ng pulisya, kumalap sila ng mga CCTV (closed-circuit television) footage na posibleng magturo sa kinaroroonan ni Sherra.

Isang CCTV footage ang nakuha nila noong December 10, na nagpapakitang bandang 1:25 P.M. ay naglalakad si Sherra sa isang eskinitang malapit sa kanilang bahay.

1:29 P.M. nang makunan naman siyang tumawid papunta sa isang fast-food restaurant.

Huling namataan si Sherra bandang 1:37 P.M., habang naglalakad malapit sa isang gasoline station sa kanilang lugar.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Dahil sa misteryosong pagkawala ni Sherra, bumuo ang QCPD ng isang Special Investigation Team na tututok sa kaso.

Sa kanilang imbestigasyon, lumabas ang impormasyong may pinagdaraanang financial at emotional distress umano si Sherra.

Batay umano ito sa isinagawang digital forensic examination sa cellphone na naiwan ng dalaga.

Ayon sa mga awtoridad, lumabas sa chat history ni Sherra na siya ay problemado sa gastusin para sa pagpapagamot ng kanyang ama at sa mga gastusin sa kasal.

Bagay na mariin namang itinanggi ng kanyang pamilya, partikular ng kanyang ama at fiancé.

Read Next

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2026 News