Mike Hanopol recalls fondest memory with the late Freddie Aguilar
Mike Hanopol on Freddie Aguilar: “Mabait yan, pero mag-iingat ka!”
Pinoy rock legend Mike Hanopol (left) remembers his late colleague, OPM icon Freddie Aguilar (right).
PHOTO/S: Facebook
Maituturing na kakontemporaryo o kapanabayan sa mundo ng musika ng rock icon na si Mike Hanopol ang pumanaw na legendary folk singer na si Freddie Aguilar.
Sumakabilang buhay si Freddie dahil sa multiple organ failure sa edad na 72 noong Mayo 27, 2025.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mike, tinanong siya kung ano ang hindi niya makakalimutang karanasan o memorya kay Ka Freddie.
Gaano ba sila ka-close dati?
“Naku, ang gandang tanong yan,” bulalas ni Mike.
“Pero ang sasabihin ko na lang yung magaganda, ayoko nang sabihin yung hindi maganda.
“Kasi lahat tayo merong maganda, meron ding hindi maganda, di ba? Huwag na nating pag-usapan yun.
“Pero ito ay ayoko nang i-direct sa kanya, ito direct sa lahat, nangyayari ito sa lahat.”
Kasunod nito ay binanggit ni Mike ang mga kantang tumatak sa mga pangalan nila ni Freddie: ang “Laki Sa Layaw” para kay Mike at ang “Anak” para kay Freddie.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang “Laki Sa Layaw” ay ini-release noong 1977, habang ang “Anak” ay naging finalist sa 1st Metropop Music Festival noong 1978.
Saad ni Mike: “Unang-unang, ang anak ay galing sa magulang, di ba? Wala naman anak, kung walang magulang, di ba?
“Ang pinakamagulang dito, yung ‘Laki sa Layaw Jeproks,’ na unang lumabas ang ‘Laki sa Layaw,’ at saka sumunod ang ‘Anak,’ okay?
“Ang ‘Jeproks’ di ba, sa madaling sabi, yang si Kaka, sumalangit nawa, okay yung taong yan, sobrang bait.
“Mabait yan, pero mag-iingat ka!” at tumawa si Mike. “Yung kabaitan niyan, may kabaligtaran yan.”
MIKE’S FONDEST MEMORY WITH FREDDIE
Binalikan ni Mike ang insidenteng tumatak sa kanya nang matanong tungkol sa hindi malilimutang karanasan kasama si Freddie.
Saad ng 79-year-old singer: “So, may nangyari sa amin. Yung nangyari na yan ay ayoko nang ikuwento sa inyo dahil tungkol yan sa asawa niya, 16 years old, during that time, okay.
CONTINUE READING BELOW ↓
Josh Ford, thankful na TINANGGAP MULI ng GMA | PEP Interviews #shorts
“Hindi puwedeng… mahal na mahal niya ito, grabe. Pangalawa na yan, e.
“Pero yung una, mahal niya rin yun. Pero itong pangalawa, mas sobra ang pagmamahal niya rito.”
Ang tinutukoy ni Mike na pangalawang asawa ni Freddie ay si Jovie Albano, na 16 years old lang nang pakasalan ng “Anak” singer noong 2013.
Lahad ni Mike: “Yung nangyari, naiwan itong mahal niya sa buhay sa L.A. [Los Angeles], kasi nag-concert muna kami sa L.A., pupunta kaming Vancouver.
“Naiwan yung babae, kasi merong mga kamag-anak.
“Ang nangyari, ayaw niyang [Freddie] tumugtog, ayaw niyang lumabas sa audience hangga’t hindi dumarating yung asawa.
“Hindi nakarating.
“Ayaw niyang lumabas. Sabi niya hindi siya lalabas. Iyon nga nangyari.
“Muntik na kaming maaresto dahil nakakontrata kami! Sa madaling-sabi, napilitan din siya lumabas.
“Paglabas niya, paglabas namin, alam niyo kung ilan ang tao? 46,000!
“Puno! Marami pang tao sa labas, punung-puno talaga.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Sising-sisi kami, si Freddie nagsisi dahil 300 lang ang dala niyang CD, kulang na kulang. Ubos na, ang dami pang nakapila.
“Ang haba ng pila. 46,000. Ang laki ng venue, grabe! I mean, first time in history of the Philippines nangyari yun. Ganun kalaki, 46,000.
“So, iyan ang kuwento.
“Pero bahala na kayo, ha. Pero hindi kailangan ilagay ‘to, i-edit niyo na lang yan!” at muling tumawa si Mike.
Pahabol pa niya, “So, wala na akong kasalanan diyan, ha. Bahala na kayo, okay? Ibahin niyo na lang, puwede.”
May nagkomento habang nagsasalita si Mike na naka-live ang panayam sa kanya, at muling tumawa ang veteran singer.
Read: Manny Pacquiao’s ring comeback against Mario Barrios ends in draw
ONE MILLION AUDIENCE
Ibinahagi rin ni Mike ang karanasan niya na mag-perform sa harap umano ng isang milyong katao at nang walang audience.
Pagbabalik-tanaw niya: “Pero ito ang maganda, sa akin naman, in my case, ako lang mag-isa, sa tanang buhay ko, tanang buhay ko, ewan ko kung sino na dito sa ating Pilipino artist or singer or whatever na nakatugtog na sa buong Pilipino, one million.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Iyon ang puwede kong ipagmalaki sa inyo. Dahil ako lang yata ang nakatugtog dito ng one million katao, ako lang mag-isa.
“Pero tinanong ko… ano nun, Labor Day, e, sa Luneta ginawa, Grandstand, ako lang, Mike Hanopol lang.
“Sabi ko, ‘Sir, ilan ang tao?’ ‘Sir, one million na, e.’ ‘One million? Wow! Ang tindi! Totoo yan?’
“Pag napuno yang Luneta, one million yan, e. Labor Day, government ang nag-hire sa akin kaya napuno talaga, grabe!”
Patuloy ni Mike: “Pero maniwala kayo sa hindi, nakatugtog na rin ako na walang tao, walang tao!
“Tumutugtog ako sa Miami, Florida, ang may-ari ng club… ang pangalan ng club, Zanzibar, ang may-ari mga celebrity sa Amerika.
“You name it, Michael Jackson, Eric Clapton, Bee Gees, lahat ng celebrity, may-ari nung condo.
“Madalas wala sila dahil may mga shooting, may mga tugtog, may concert, whatever, so madalas wala sila.
“So kami, throughout the way na tumutugtog dun, walang tao. As in, walang tao.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Singer lang at saka may mga cook, pumupunta dun, nanonood, sila nagpapakain sa amin.
“Iyan ang experience ko sa tugtugan. Walang tao, puwede akong tumugtog walang tao.
“Oo, puwede akong tumugtog, isa lang. Puwede dalawa lang.”
Nakapanayam ng PEP at iba pang reporters si Mike sa mediacon ng Jeproks: The Musical noong June 17, 2025.
Ang Jeproks: The Musical ay mula sa The Hammock Production, Inc. ni Johnny Blue at Tanghalang Una Obra ni Frannie Zamora.
Si Frannie rin ang direktor ng musical na pagbibidahan ng theater actor na si David Ezra, anak ng music icon na si Dulce.
Mula sa panulat ni Nicolas Pichay, magtatampok ito ng labinlimang awitin ni Mike.
Mapapanood ang Jeproks: The Musical sa sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City, Nobyembre 21-23 at 27-30, 2025.