Yo guys! What’s up, this is me — I’m back for another vlog today. Alam niyo mga sangkay, iba sana ang topic natin ngayon pero kailangan talaga nating pag-usapan ‘to.
Matindi ang nangyayari sa bansa natin ngayon!
Katatapos lang ng lindol sa Cebu, tapos ngayon meron na naman — sa Mindanao naman!
Pero bago tayo magpatuloy, para sa mga hindi pa nakaka-subscribe, malapit na tayo sa 2 million subscribers!
Kaya kung gusto mong mapabilang sa mga solid na sangkay, i-click mo lang ang subscribe button sa baba, pindutin ang bell icon, at piliin ang “All”.
At para sa mga nanonood sa Facebook, i-follow niyo po ang ating page!
Pero guys, grabe talaga ito — nakakakabahala!
Isa na namang malakas na lindol ang tumama, at nangyari ito sa Mindanao!
Mga sangkay, tingnan niyo itong video mula sa Davao City…
“Kalma! Kalma lang! Grabe oh!”
Sunod-sunod na po ito, mga sangkay.
Hindi na po nakakatuwa — pambihirang sitwasyon talaga.
Ayon sa report, isang 7.6 magnitude earthquake ang yumanig sa karagatan ng Davao Oriental nitong Biyernes.
“Lord! Tama na, Lord! Lord, tama na po!”
Nakakaiyak na talaga ang nangyayari ngayon.
May pamilya sa Davao na nakarekord ng lindol — grabe, tumba mga gamit, laglag ang TV, takbuhan ang mga tao palabas ng bahay.
Sa Mati City, Davao Oriental, naantala ang mga klase.
Iba-iba ang lakas — may 4.2, may 7.6 — yung iba parang 9 na!
Naglabasan ang mga tao, at tama naman yun — pero sana tinakpan pa rin nila ang ulo nila para protektado.
At ngayon, naglabas ng tsunami warning ang NDRRMC, mga sangkay!
Pinapayuhan ang mga coastal areas na agad lumikas papunta sa mas mataas na lugar.
Narito ang mga probinsyang may banta ng tsunami:
Eastern Samar, Dinagat Islands, Davao Oriental, Southern Leyte, Surigao del Norte, Leyte, Surigao del Sur.
Magdasal tayo para sa Davao.
Kumakalat na ang tsunami warning ngayon sa social media.
Walang pasok sa mga sumusunod na lugar:
Davao City, Coronadal City, Cotabato City, Malungon (Sarangani), Sultan Kudarat, Davao de Oro, Mandawi City (Cebu), Consolacion (Cebu) — lahat po public at private, suspended.
Sa Cebu City Hall, nag-evacuate ang mga empleyado matapos maramdaman ang lindol.
Sa Toril, Davao City, lumabas ng ospital ang mga doktor at pasyente dahil sa takot na gumuho ang gusali.
Sa Agusan del Sur, may sirang tulay — sabi nila, baka substandard raw kaya bumigay agad.
Naglabas ng pahayag si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM):
“We are working round the clock to ensure that help reaches everyone who needs it. Let us continue to look out for one another and pray for the safety of all countrymen.”
Mabilis ang naging response ng pamahalaan, mga sangkay.
Sana huwag muna tayo mag-away o magbatuhan ng isyu.
Walang pulitika muna — tulungan lang tayo ngayon!
Sa Tagum, may mga bahagi ng mall na nagbagsakan.
Pati sa Davao Airport, nagkaroon ng pinsala.
Alam niyo mga sangkay, sa totoo lang, lahat ng ito — nakasulat na sa Bibliya.
Sabi sa Mateo 24, “Magkakaroon ng digmaan, taggutom, salot, at mga lindol sa iba’t ibang lugar.”
At lahat ng ‘yan — nangyayari ngayon!
Sabi rin sa Lucas 21:11,
“At magkakaroon ng malalakas na lindol sa iba’t ibang lugar, bago ang pagbabalik ng Panginoon.”
Kaya mga sangkay, hindi na dapat tayo magulat.
Hindi lang ito nangyayari sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Siguro panahon na para lumapit muli tayo sa Panginoon.
Magdasal tayo, magsisi, at magkaroon ng tunay na relasyon sa Diyos.
Kasi sa totoo lang, wala tayong alam sa mangyayari bukas.
Baka bigla na lang dumating ang Panginoon, gaya ng sabi sa Bibliya.
Kaya maging handa tayo — hindi lang pisikal, kundi espiritwal.
Mag-ingat po tayong lahat, mga kababayan.
Sa Davao, Cebu, Mindanao, at sa buong bansa —
we pray in Jesus’ name, nawa’y ingatan tayong lahat ng Diyos.
Comment down below kung ano ang opinyon niyo.
At syempre, huwag kalimutang mag-subscribe sa Sangkay Revelation.
Magpo-post din tayo ng propesiya tungkol sa lindol sa Pilipinas —
at mukhang nangyayari na nga talaga ngayon.
So please mga sangkay, mag-ingat kayong lahat.
Click subscribe, click the bell, and click “All.”
Ako po si Sangkay Revelation — mag-iingat tayong lahat, and may God bless us all.