×

Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Mayor Vico Sotto: “Hindi naman sa gusto kong gumawa ng bagong kaaway…”

vico sotto discaya interviews

Pasig City Mayor Vico Sotto: “Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, ‘Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??'”
PHOTO/S: Facebook

Ang luma at magkahiwalay na panayam ng beteranong broadcasters na sina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang contractors na sina Sarah at Curlee Discaya ang napagtuunan ng pansin ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Facebook post nito ngayong Huwebes, Agosto 21, 2025.

Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang maganap ang panayam ni Julius kina Sarah at Curlee para sa kanyang Unplugged YouTube channel.

Ipinakita at ipinagmalaki ng mag-asawa kay Julius ang luxury at high-end cars na pampersonal na gamit lamang umano ng pamilya Discaya.

Mahigit sa 40 ang nakalululang bilang ng kanilang mga mamamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot ng mataas at malawak na gusali ng St. Gerrard Construction na pag-aari nina Sarah at Curlee.

Umere naman ang interview ni Korina kay Sarah sa programang Korina Interviews ng NET 25 noong January 2, 2025.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

In-upload ito sa YouTube channel ng NET 25 na may pamagat na “A Victim of Bullying, Now A Politician.”

Tinalakay rito ang kuwento ng “asenso at tagumpay” ni Sarah—mula sa aniya’y simpleng pamumuhay ng kanyang mga magulang bilang OFWs sa London at paglaki niya roon, hanggang sa love story nila ni Curlee at kung paano sila napasok sa construction business.

TOP 2 AND TOP 3 CONTRACTORS IN FLOOD CONTROL PROJECTS

Noong Agosto 11, 2025, isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang Discaya couple ang may-ari ng ilan sa construction companies na ibinunyag ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang presscon noong araw ring iyon sinabi ni President Marcos Jr. na 15 contractors ang nabigyan ng 20 percent mula sa PHP545 billion budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects.

Si Sarah ang nakalaban ni Mayor Vico sa mayoral race sa Pasig City noong May 2025 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓

How Judy Ann Santos KEEPS SHINING after decades in showbiz | PEP Exclusives

Sa Facebook post ni Mayor Vico noong Agosto 11, ipinarating niya sa mga mamamayan ng Pasig City ang aniya’y kaugnayan ng mga Discaya sa contractors na binanggit ng Pangulo.

Pahayag ng alkalde: “This morning, PBBM presented the Top 15 DPWH Contractors for Flood Control Projects.

“You may have noticed that Alpha & Omega is Top 2 and St. Timothy is Top 3; these companies, along with others including ST. GERRARD, are all owned and controlled by the DISCAYAS.

“Ngayon, unti-unti nang nalalaman ng taumbayan ang buong katotohanan

“As the president told them during the SONA, “MAHIYA NAMAN KAYO!”

“Ano nga ba ang kalakaran dito?

“While it is often difficult to pinpoint specific people, all of us in government know that this is true. Mga kapitan at politikong kasama rin naman nila ang unang nagkuwento sa akin kung paano ang ginagawa nila.”

Kasama sa mensahe ni Mayor Vico ang paliwanag niya tungkol sa “Six Stages of Corruption.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, Agosto 12, ibinahagi naman ni Mayor Vico sa Facebook post niya ang mga naging problema sa apat na flood control projects ng mga Discaya sa Iloilo City na nagkakahalaga ng PHP570 million.

Nakasaad dito: “As per Iloilo City Mayor Raisa Treñas, may problema rin any 4 flood control projects ng Discaya companies sa kanila. (Nasa 120-150M ang bawat proyekto– total P570M.)

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“As per Mayor Treñas, ‘These projects are either NON-FUNCTIONAL, have CAUSED FLOODING, or are, in some cases, practically NON-EXISTENT.’ (emphasis added).

“Kung gusto natin ng mas maayos na kinabukasan para sa ating bayan, panagutin natin ang mga taong nasa likod nito. Putulin na natin ang siklong ito!!”

JULIUS BABAO AND KORINA SANCHEZ INTERVIEWS ON THE DISCAYAS

Ngayong Huwebes, Agosto 21, ang magkahiwalay na panayam naman nina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang Discaya ang tinalakay ni Sotto.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Na-upload ang interview ni Julius kina Sarah at Curlee sa YouTube channel ng broadcaster noong September 2024.

May titulo ang vlog na “EXCLUSIVE! ATE SARAH AT KUYA CURLESS, DATING MAHIRAP NA NAGING BILYONARYO!”

Muling pinag-uusapan at nag-viral ang pakikipag-usap ni Julius sa mag-asawa dahil sa diumano’y anomalous flood control projects.

Sa naturang panayam, inamin nina Sarah at Curlee na gumanda ang takbo ng kanilang construction business nang magkaroon sila ng mga proyekto sa DPWH.

Bahagi ng pahayag ni Sarah: “Saka una kaming naggawa, private. Mga private na bahay pero kasi walang kita sa ganoon.”

Tanong ni Julius: “Ano yung parang naging gateway para gumanda ang buhay ninyo?”

Mabilis na sagot ni Sarah: “Nung nag-DPWH kami.”

Mula nang maungkat ang mga anomalya tungkol sa flood control projects, disabled na ang comments section sa video ng panayam ni Julius sa mag-asawang Discaya.

Sa panayam naman ni Korina, nakapokus ang kuwento ni Sarah sa kanyang background at kung bakit siya tumatakbo bilang alkalde sa Pasig City.

Ikinuwento ni Sarah na dating foreman si Curlee sa construction business ng kanyang ama, at unang solo project ni Curlee ang pagpapatayo ng gate sa Pasig City Hall.

May isang bahagi rin sa episode na sumingit ang isang video clip kunsaan nagsalita si Curlee.

Sinabi ni Curlee na ang pagiging eksperto nila ni Sarah sa pagpapatayo ng “school, housing, tulay, at flood control” kaagapay ng aniya’y karanasan nila sa pagiging “walang-wala sa buhay” ay makakatulong sa kagustuhan nila na magserbisyo sa mga Pasigueño.

MAYOR VICO ON DISCAYA INTERVIEWS BY POPULAR JOURNALISTS

Ngayong Huwebes, Agosto 21, muling naglabas ng opinyon at obserbasyon si Mayor Vico kaugnay ng paglutang ng lumang video interviews sa mag-asawang Discaya.

Ito ay sa gitna ng pagkakasangkot ng kanilang mga kompanya sa maanomalya umanong flood control projects.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna ng 36-anyos na alkalde ng Pasig City ang pagtanggap ng “mga kilalang journalists” upang interbyuhin ang “contractor na pumapasok sa politika” kapalit umano ng malaking halaga.

Walang binanggit na mga pangalan si Mayor Vico, ngunit kalakip ng kanyang post ay ang screenshots nina Julius at Korina mula sa kanilang interviews kina Sarah at Curlee Discaya.

mayor vico sotto post

Photo/s: Vico Sotto Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa Facebook post ni Mayor Vico: “With these interviews again going viral, let’s look at it from a different angle…

“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, ‘Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??’

“I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession.

“In this case, maybe they didn’t do anything technically ‘illegal,’ but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics.

“Puwede silang magtago sa grey areas: ‘hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…’ pero ’wag na tayong maglokohan.

“They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad… at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng [money emoji].

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Let’s remember that corruption is systemic… it permeates into every sector of society, not just government. But we can slowly but surely break this cycle if more and more of us consistently do our part, wherever we are and whatever are position may be, one step at a time.(*not an exact figure pero alam nyo na).”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang post, nilinaw ni Mayor Vico na hindi niya nais magkaroon ng mga bagong kaaway, pero dapat daw mapag-usapan ang isyung kanyang binigyang pansin.

Saad niya: “Hindi naman sa gusto kong gumawa ng bagong kaaway.. pero tingin ko kailangan din mapag-usapan ito eh.

“Nagkataon malakas ako nung halalan pero kung sa iba nila ginawa to? Baka wala na. Anyway. Kayo na po ang bahala sa akin.”

GETTING THE SIDE OF JULIUS AND KORINA

Bago ilathala ang artikulong ito ay nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Julius Babao at Korina Sanchez upang kunin ang kanilang panig sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto.

Pinadalhan ng writer na ito ng mensahe si Julius, sa pamamagitan ng Messenger, bandang 9:16 P.M. ngayong Huwebes.

Natanggap na ng PEP ang official statement ni Julius, at aming ilalathala sa isang hiwalay na artikulo.

Nagpadala naman ng mensahe ang PEP deputy managing editor na si Rachelle Siazon kay Korina, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram at SMS, kaninang 9:46 P.M.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hinihintay namin ang official statement ni Korina, at amin itong ilalathala sa oras na matanggap namin ito.

Mananatiling bukas ang PEP sa lahat ng personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News