Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 80
Lolit Solis’s cause of death is acute coronary syndrome.
Veteran talent manager, showbiz talk show host, and columnist Lolit Solis passes away on July 3, 2025. She was 80.
PHOTO/S: Jerry Olea
Pumanaw na ang beteranang talent manager at showbiz talk show host and columnist na si Lolit Solis — mas kilala sa showbiz sa bansag na Manay Lolit — noong Huwebes, July 3, 2025.
Siya ay 80.
Acute coronary syndrome ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Bago siya pumanaw, sumailalim sa dialysis si Manay Lolit mula noong 2022.
OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Kinumpirma ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.
Nakasaad dito: “Our beloved Manay Lolit Solis has peacefully joined her Creator last July 3, 2025.
“Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory.
“We remember Manay Lolit as a feisty and staunch loyal supporter, manager and friend.
“We love you our dearest Manay, you will forever be in our hearts.
“Rest well now in the loving embrace of our Lord.”
TALENT MANAGER AND STARTALK HOST
Si Manay Lolit ay isa sa itinuturing na maimpluwensiyang talent manager sa showbiz.
Kabilang sa mga alaga niya sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Bong Revilla, Amy Austria, Sandy Andolong, Lani Mercado, Paolo Contis, Tonton Gutierrez, Gladys Reyes, Alfred Vargas, Glydel Mercado, Pauleen Luna, Benjie Paras, at Direk Chito Roño.
Naging host din siya ng defunct showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk, mula 1995 hanggang 2015.
Isinilang si Manay Lolit noong May 20, 1945.
Bagamat ang pagkakaalam ng buong showbiz ay 78 pa lamang siya, gaya nang ipagdiwang nito ang huli niyang kaarawan noong Mayo 2025, ang totoong edad niya ay 80.
Ayon sa malalapit na kaibigan ni Manay Lolit ay “pralala” lamang ito ng pumanaw na talent manager na kilala sa pagiging “sutil.”