×

Jam Ignacio, Jellie Aw together again after “bugbugan” incident?

Jellie Aw: “Kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?”

Jam Ignacio, Jellie Aw back in each other's arms?

Jam Ignacio to Jellie Aw nine months after mauling incident: “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita.” Jellie, on her part, says, “Kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?”
PHOTO/S: Instagram

Nagkabalikan ba ang businessman na si Jam Ignacio at ang club disc jockey na si Jellie Aw?

Ito ang katanungan ng maraming netizens matapos mabasa ang Instagram Story ni Jam kahapon, December 15, 2025.

Sabi sa caption (published as is): “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita”

Jam Ignacio Instagram Story

Photo/s: Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jam, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, upang tanungin tungkol sa kanyang post.

Hindi pa siya sumasagot sa aming mensahe.

Read: Pokwang apologizes after brother’s road-rage incident

JELLIE AW REACTS TO BASHERS

Pinutakti naman ng bashers si Jellie kasunod ng balitang nagkapatawaran na sila ng Jam.

Sabi ng isang netizen sa Instagram: “Parang kung sino kang makapagsalita ng insult kakarmahin ka rin bug bug lang katapat sa yo kala mo kung sino weakness pala lalaking mambugbug aha ha ha”

Jellie Aw basher

CONTINUE READING BELOW ↓

WATCH: Mark “Mugen” Striegl on PEP Live!

Sa kanyang Facebook, may pahaging na mensahe si Jellie sa mga namba-bash sa kanya.

At base sa mga sagot niya, tila my katotohanang nagkabalikan na nga sila ni Jam.

Sabi niya sa isang post: “kakatuwa dami nyong Time sa buhay ko kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isa pa niyang post: “Peperfect nyo ah! parang di kayo nag kakamali ah! hahaha cge na kayo na”

 

THE BUGBUGAN ISSUE BETWEEN JAM AND JELLIE

Noong February 2025, naging laman ng mga pahina ng diyaryo, online sites, radyo, at telebisyon ang balitang binugbog ni Jam si Jellie.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jellie ay kinilalang fiancée ni Jam, na ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada.

Na-engage sina Jellie at Jam noong November 11, 2024.

Sa Facebook post ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw, direkta nitong inakusahan si Jam na siya umanong may kagagawan ng nangyari kay Jellie.

Sabi pa nito, hindi niya alam ang dahilan kung bakit “bigla na lang pinagsasapak” at “binugbog” ni Jam ang kanyang ate na si Jellie.

Mabuti na lamang daw at nakasigaw si Jellie sa isang tollgate na kanilang nadaanan at nailigtas ng mga pulis.

Lumalabas na nasa loob ng sasakyan sina Jam at Jellie nang mangyari ang insidente.

Sabi nito sa post, “Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo “JAM IGNACIO”

“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!

“Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko

“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon and magrereport na sa pulis.”

Humingi ng tawad si Jam kay Jellie ilang araw matapos ang pambubugbog niya sa karelasyon.

Sa exclusive interview ng 24 Oras noong February 19, tila isang maamong tupa na sinabi ni Jam na pinagsisisihan nito ang pananakit kay Jellie.

Kasunod nito ang paghingi ng tawad ni Jam kay Jellie at sa mga kaanak at kaibigan nito.

Aniya: “Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, ito, dito ako, haharap sa inyo.

“Humaharap na humihingi ng taus-puso na sorry, sorry, sobrang sorry.

“Lalo na sa mommy ni Jellie. Ma, sorry, Ma. Alam niyo yan na mahal na mahal ko si Jellie.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jam, ang pambubugbog niya kay Jellie ay nagsimula sa hindi nila pagkakaunawaan at nahaluan pa umano ng pagod.

Sabi niya: “Sa simpleng hindi pagkakaunawaan and siguro, may halo na rin sigurong pagod sa maghapon na lakad namin.

“E, kumbaga, tao lang din siguro ako… baka napuno lang din siguro ako.

“Na hindi ko sinasabi na tama, pero hindi ko… hindi ko para i-tolerate na gawin ulit.

“Humihingi ako ng tawad, pasensiya na talaga. Sorry, sorry, sorry sa lahat.”

Pinaalala pa ni Jam kay Jellie ang magandang samahan nila bago nangyari ang insidente, na nag-iwan ng pasa at sugat sa mukha at katawan ni Jellie.

Aniya: “Hon, alam mo yan kung gaano kita kamahal.

“Alam mo yan kung gaano kita protektahan, bantayan.

“Sa lahat ng ginagawa mo, lagi ako nakasuporta sa yo.

“Sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay, nakasuporta ako palagi sa yo.

“Sorry sa mga nangyari.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

JELLIE AW FILES COMPLAINT

Noong February 14, 2025, dumulog si Jellie sa tanggapan ng NBI para humingi ng tulong sa ahensya para makasuhan si Jam.

Agad umaksyon ang NBI at pinadalhan ng subpoena si Jam.

Noong February 21, 2025, muling humarap sa media si Jellie.

Hiningan siya ng reaksiyon sa paghingi sa kanya ng tawad ni Jam at pagsusumamo nitong ituloy ang kanilang kasal.

Pahayag ni Jellie, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, “Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy yung mga napag-usapan namin dahil po sa nangyari.”

Sabi pa ni Jellie, hindi katanggap-tanggap ang rason ni Jam na napuno lang ito at dahil sa sobrang pagod kaya’t nasaktan at nabugbog niya ang nobya.

Saad ni Jellie: “Hindi po puwedeng napuno lang siya, e.

“Paano [na lang] po kapag pinagbigyan ko pa siya ng second chance, paano kung napuno po siya sa akin ulit, gagawin po niya ulit yon, mas grabe pa?”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News