HOT: Netizens react to viral road rage in Las Piñas

VIRAL: Netizens react to viral road rage in Las Piñas

Who’s at fault?

road rage

STREET FIGHT. A motorcycle rider and an SUV driver get into a brawl after a heated argument over their vehicles along Marcos Alvarez Avenue in Las Piñas.
PHOTO/S: Reddit

Umani ng maraming komento ang nag-viral na road rage video na kuha sa Las Piñas.

Sa maikling clip, makikitang nagsuntukan sa gitna ng kalsada ang isang SUV driver at isang motorcycle rider.

Saksi ang ilang traffic enforcers, at isa sa kanila ay nag-try na awatin ang dalawa, pero nabigo siya.

Ang rider, binali pa ang wiper ng SUV.

Gumanti ang SUV rider. Nilapitan nito ang motorsiklo ng rider at galit na galit na ibinagsak sa daan.

Dahil sa walang tigil na pagbusina ng ibang motorista, bumalik na sa kotse ang driver, pero tila hindi pa tapos ang rider na sumusunod pa.

Read: Female motovlogger summoned by LTO over “road rage” incident

NETIZENS REACT to road rage

May mga netizens na mabilis ibinunton ang sisi sa motorcycle driver.

Obvious na may masama rin silang karanasan.

Sabi ng isa (published as is): “Basta nakamotor, KAMOTE at BASURA MAGDRIVE. Period.”

May sumundot ng ganitong komento: “Kaya matatapang tong mga kamote na ito kasi nakahelmet. Pag dating sa socmed, matic na may sympathy ng masa ung mga kamote este naka motor.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kinastigo rin ang pagbali ng rider sa wiper ng SUV.

kamote comments
Samantala, ang ibang netizens, nagkomento na ang SUV driver ang may kasalanan dahil mas malaki ang kanyang sasakyan.

Sabi ng mga sumang-ayon, mayayabang at mahahangin daw sila’t hindi nagbibigay sa kalsada.

suv comments

CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen ang nag-post ng seryosong tanong.

Kapag may nag-away na motorista, ano ang dapat gawin kung ang authority present ay ang traffic enforcer.

Aniya: “My question is what should the enforcer be doing in situations like this (considering it’s becoming increasingly common?) Should he [enforcer] be calling up the police? Does he himself have the authority or even just the ability to resolve altercations like this?”

Dagdag nito, makikita raw kasi sa video na hindi nagawang awatin ng enforcer ang suntukan ng rider at SUV driver.

At press time, walang sumagot sa tanong ng netizen, pero ayon sa website ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama sa tungkulin ng enforcer ang mag-issue ng ticket violations, gaya ng physiucal injury o obstruction of traffic, sa mga nag-aaway sa kalsada.

Kapag may nagmatigas, sa presinto dadalhin ang mga nag-aaway, na puwede ring ireklamo ng enforcers sa ilalim ng Revised Penal Code.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

logical netizen
“Sad” naman ang isang netizen sa nangyari, at sana lang daw ay magkaroon ng psychological exams bago mag-issue ng driver’s license.

Tila may anger issues daw ang dalawang sangkot na drivers sa video.

Sang-ayon dito ang isang netizen. Aniya (published as is): “Laging reactive response ng mga tao pagdating sa ganito. Sinisisi ung law, kalsada, sasakyan. Pero para sa kin LTO talaga may kasalanan sa majority ng road incident. Taena nila, maglagay ba naman sila ng mga ganitong tao sa kalsada.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

lto fault comment
Sabi naman ng isang netizen na umaming may mental health disorder, strict naman daw ang LTO dahil bago siya binigyan ng license, ni-require siyang mag-submit ng medical certificate mula sa kanyang doctor.

medical certificate

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May reminder naman ang isang motorista. Hindi raw dapat pairalin ang init ng ulo sa kalsada.

“As a fellowe driver, I can now see how stupid it looks like if you let your emotions take over.”

driver comment
Sinang-ayunan ito ng isa pang commenter. Wala raw mapapala kapag init ng ulo ang pinairal habang nagda-drive.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito: “Wala talagang upside ang road rage for either party. Kahit mabugbog mo pa yung kaaway mo, may kaso ka pa rin.”

Pagtukoy niya sa video, kapag kinuyog daw ang SUV driver ng mga kasamahan ng rider ay kawawa ito at baka nadamay pa pati ang kanyang passenger.

road rage 2

Ang sabi naman ng isa pang netizen, mahirap manghusga kung pagbabasehan lamang ang maiksing video na hindi naman nakunan ang buong pangyayari.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Anito, parehong may kasalanan ang dalawang sangkot na drivers.

Komento niya: “Putol yung video kaya mahirap magbigay ng konklusyon. Sinabi ata pa ng rider ‘bayaran mo to’ pero siya nanguna manira ng wiper ng fortuner. Parehong mainit ang ulo ng dalawa.”

comment on road rage
Read: Josh Mojica sorry after Porsche vlog leads to license suspension

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT REALLY HAPPENED

Napaulat sa News5 na ang insidente ay nangyari sa Marco Alvarez Avenue sa Las Piñas.

Sinabi ng enforcers na nagkagitgitan ang dalawa sa palikong bahagi ng kalye.

Binanggit ding sa simula, bago nagsuntukan, ay wala namang nasira sa kani-kanilang sasakyan.

Sabi ni Argel Norbe, isang traffic enforcer: “Hindi yata sila nagbigayan.

“Kasi ang nangyayari diyan pag walang traffic enforcer sa gitna, siyempre, maluwag, ang nangyayari sa kanila, nag-uunahan.

“Wala daw nakasagi kasi wala namang damage yung sasakyan, pati motor, e.

“Ang nangyari daw, itong rider pinagbigyan na daw siya ng sasakyan, pinukpok pa niya ang puwitan ng kotse, kaya nagalit ang [SUV] driver.”

Ang dalawa ay dinala ng enforcers sa barangay at nagkasundo naman daw matapos mag-cause ng traffic sa kalsada.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News