Gela Alonte draws flak over resurfaced video on political dynasties.
River Joseph (right) expresses support for girlfriend Gela Alonte (left) amid recent wave of online criticisms over a resurfaced video showing the actress’ comment on political dynasties.
PHOTO/S: @razlakwatseraz_travel on Instagram
Ikinalulungkot ng PBB Celebrity Collab Edition Fourth Big Placer na si River Joseph ang matinding bashing na naranasan kamakailan ng kanyang girlfriend, ang social media influencer-actress na si Gela Alonte.
Noong huling linggo ng July 2025, nag-viral online ang lumang video ni Gela patungkol sa pagbabahagi niya ng saloobin sa usaping political dynasty sa Pilipinas.
Kuha ang viral video noon pang nakaraang taon.
Naka-live noon sa TikTok ang baguhang aktres nang sagutin ang tanong online ng kanyang viewers.
Gela Alonte recently got flooded with online criticism.
Photo/s: Gela Alonte on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tanong ng isang nagkomentong netizen: “What are your thoughts about political dynasties here in the Philippines?”
Sagot dito ni Gela, “Paano ba yan, nasa political dynasty yung pamilya ko.”
Natawa na lang si Gela matapos niyang sabihin ito, sabay dugtong niyang, “I mean, controversial.”
Si Gela ay anak ni Biñan City Mayor Angelo “Gel” Alonte, kapatid ni dating deputy speaker at Biñan Mayor Marlyn “Len” Alonte Naguiat.
Sina Mayor Gel at Len ay mga anak ng unang Alonte na namuno sa Biñan noong 1987—si former Biñan Mayor Bayani Alonte.
Dahil sa muling pagsulpot ng nasabing video ni Gela online, kaliwa’t kanang batikos ang kanyang natamo mula sa netizens na hindi pabor sa umiiral na political dynasty sa bansa.
Agad namang naglabas ng pahayag si Gela sa X (dating Twitter) tungkol sa muling paglitaw ng kanyang lumang video.
Sa kanyang statement, inamin nitong nagkamali siya kung paano niya sinagot ang tanong sa kanya noon.
CONTINUE READING BELOW ↓
Pinagsisihan na raw noon pa man ni Gela ang nagawang pagkakamali, kaya hindi naman daw tamang muli itong ungkatin ngayon at gamitin para siya’y husgahan.
Naiintindihan din daw ni Gela ang galit ng marami sa nakapanood ng kanyang video dahil posibleng ang iba raw ay nayabangan at tingin sa kanya ay mapagmataas dahil sa pagtawa niya nang sagutin ang tanong tungkol sa political dynasty.
Gayunpaman, nangyari na raw ang nangyari.
Nakapagbitaw na siya ng mga salitang hindi pinaboran ng publiko kaya inihihingi niya ito ng kapatawaran.
Ngunit imbes na tanggapin ng ibang netizens ang paghingi ng tawad ni Gela ay muli itong gumawa ng panibagong ingay at kumalap ng negatibong reaksiyon.
Sumakto kasing katatapos lamang ng bagyong Crising at Dante nang i-post ito ni Gela.
Sumabay ring nagdiwang siya noon ng kanyang kaarawan.
May mga netizen na kinuwestiyon ang hindi mareso-resolba umanong pagbaha sa Biñan, Laguna, sa kabila ng deka-dekadang pamumuno ng pamilya Alonte.
May ilan ding netizens na binatikos ang naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Gela sa gitna ng dagok na nararanasan ng kanilang lugar at kababayan dahil sa pagbaha.
River Joseph Backs Gela Alonte as She Faces Online Criticism
Noong Sabado, August 2, 2025, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si River sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Marriott Hotel, Pasay City.
Dito ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa kaliwat kanang batikos na natatanggap ng kanyang nobya.
Bilang boyfriend, paano tinulungan ni River si Gela na harapin ang kontrobersiya?
Aminado si River na mahirap para kay Gela na makatanggap at makabasa ng masasakit na salita, hindi lamang sa sarili kundi maging sa kanyang pamilya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Saad ng PBB Celebrity Collab Edition housemate: “Paano ko kinomfort si Gela? Siyempre, it’s hard for her. But then, I just hope she’s okay.
“I’m always here naman. I’ll be there for her, by her side.”
Sundot na tanong ng PEP, “First time ba na ganoon katindi yung bashing na natanggap ni Gela?
Saglit na napahinto at napaisip si River bago siya sumagot ng “First time? Parang? Hmm [but] I just hope she’s okay.
“I hope she’s okay lang.”
Pahabol pa niyang pahayag habang nakangiti, “No comment na lang.”