Heart Evangelista explains absence at Trillion Peso March rally
Heart Evangelista: “You think I don’t’ wanna be in the rally?”

Heart Evangelista: “I’m not in the rally because… a lot o people said huhubaran niyo ako kung pupunta ako sa rally.”
Naghimutok si Heart Evangelista kaugnay ng pagkuwestiyon ng ilang netizens kung bakit wala siya sa ginanap na Trillion Peso March protest noong Linggo, September 21, 2025.
Sa nasabing protest rally, maraming artista ang nakiisa sa panawagan laban sa matinding korapsyong nangyayari sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng isyu ng flood control projects, na ang mga nakinabang sa malaking pondo ay mga pulitiko, contractors, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang Instagram Live kahapon, September 23, 2025, sinagot ni Heart ang mga kritisismong ipinupukol sa kanya.
Kabilang na rito ang hindi niya umano pakikiisa sa protesta laban sa korapsyon.
Ang itinuturong dahilan ng ibang netizens ay dahil sa pagkakaugnay ng mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero sa maanomalyang flood control projects.
Nagpag-alamang campaign donor ni Chiz si Lawrence Lubiano, isang contractor na nagmamay-ari ng Centerways Construction and Development, isa sa 15 construction companies na pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na sangkot umano sa bilyun-bilyong pisong halaga ng isyu ng flood control projects.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Inamin ni Chiz na nakatanggap siya ng PHP30 million campaign donation mula kay Lubiano, pero itinangging tinulungan niya ang contractor na makakuha ng flood-control projects.
HEART ON WHY SHE DID NOT JOIN THE RILLION PESO MARCH
“People ask me about, ‘Oh, why weren’t you in the rally?’” sabi ni Heart sa kanyang Instagram Live.
“Why wasn’t I in the rally? You think I don’t’ wanna be in the rally?
“You think I don’t have a voice? You think I’m not frustrated?
CONTINUE READING BELOW ↓
“You think hindi ako napipikon?
“Pikon naman din ako, ah! Bakit, hindi ako Pinoy?!”
Ayon pa kay Heart: “I’m not in the rally because… a lot o people said huhubaran niyo ako kung pupunta ako sa rally.
“How cruel can you be?! What did I do?
“Huhubaran niyo ako sa rally.
“I have nothing but to be a hardworking citizen, I have complied…”
CONTINUE READING BELOW ↓
Iza Calzado: “Hindi dito natatapos ang ating paglaban!” | PEP
Mababanaag sa boses ni Heart na apektado siya sa mga komentong gaya nito.

Heart Evangelista gets emotional on her Instagram Live and answeres criticisms from netizens.
Photo/s: Heart Evangelista on Instagram
HEART EVANGELISTA: “SPEAK UP”
Hindi rin itinago ni Heart ang pagkadismaya dahil ginagawa umano siyang “casualty” at “political tool of entertainment” ng iba.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sinabi rin ni Heart na hindi siya aalis ng bansa bansa lalo na sa gitna ng mga nangyayari ngayon.
Gusto raw niyang magpakita ng pakikiisa sa mga kapwa-Pilipinong kontra sa talamak na korapsyon sa bansa.
Panawagan pa niya: “I do hope na sana may mangyari [after the rally], and I am praying for us all.
“Sana gabayan ni Lord yung mga nakaupo para gawin nila kung ano yung tama. Do no stay silent. Speak up.”