HOT NEWS: 8 Years Later, Kian delos Santos’ Name Still Echoes: ‘Don’t Forget,’ Say Family and Supporters

Kian delos Santos supporters, relatives on eighth death anniversary: “Wag kalimutan”

“Hindi pa natin nakakamit ang tunay na katarungan.” – Percy Cendaña, Akbayan

kian delos santos

Akbayan Party-list Representative Percy Cendaña and Randy delos Santos (in violet cap) remember nephew Kian delos Santos on his eighth death anniversary. Kian, 17, a victim of extra-judicial killing, died on August 16, 2017. 
PHOTO/S: ABS-CBN News via Facebook

Inalala si Kian delos Santos ng kanyang mga kaaanak at mga tagasuporta sa kanyang ika-walong death anniversary nitong August 16, 2025.

Ang pag-aalay ng mga bulaklak at kandila sa mismong lugar kunsaan binaril si Kian ay pinangunahan ni Akbayan Party-list Representative Percy Cendaña at tiyuhin ni Kian na si Randy delos Santos nitong Sabado.

Si Kian, 17, ay isa lamang sa mga biktima ng extra-judicial killing (EJK) ng war-on-drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Namatay si Kian dahil sa mga tama ng baril ng ilang miyembro ng Caloocan police sa Libis Baesa, Caloocan City, walong taon na ang nakalilipas.

Mahigit sa 12,000 Pilipino ang napaslang dahil sa anti-drug campaign ni Duterte, ayon sa estima ng Human Rights Watch.

Cops in Kian killing submit counter-affidavits, insist student fought them

kian delos santos’s supporters offer PRAYERS

Nagsagawa rin ng vigil ang mga kaanak at mga tagasuporta ni Kian para sa namayapang binata at mga katulad niyang EJK victims.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinakailangan nating ‘wag kalimutan na hanggang ngayon ay matagal na ang nakaraan, hindi pa natin nakakamit ang tunay na katarungan,” pahayag ni Cendaña sa ulat ng ABS-CBN News.

Pakli pa ng kongresista, hindi gaya ni Duterte na isinasailalim ngayon sa paglilitis, si Kian at libu-libo pang biktima ay hindi nabigyan ng due process.

Dugtong ni Cendaña, “Maaaring may ilang na-convict, pero hinihintay natin ang kinakailangang mapanagot — yung mga mastermind, yung utak ng madugong war on drugs.”

Saad naman ng tiyuhin ni Kian, “Sa isang bahagi po kasi, si Kian yung naging marka, e, at pag-amin na nagkaroon ng extra-judicial killing.”

Iginiit niya na isa lamang ang kanyang pamangkin sa maraming kaso ng biktima ng EJK.

Paalala ng tiyuhin, “Tandaan natin na hindi lang si Kian. Maraming mga pinatay ang wala pa, ni isa pa, ang isinagawang pag-iimbestiga. Paano nila gagawin ito? Isang hamon sa kanila ito.”
Read more about

kian delos santos

Kaugnay ng paggunita sa 8th death anniversary ni Kian, idadaos ang Justice For All press conference sa Dambana ng Paghilom sa La Loma Cemetery, Quezon City, ngayong Linggo, August 17, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓

Labi ni Kian Delos Santos, 'di sinuri ng maayos – forensic expert | Police  Files! Tonite

EIGHT YEARS AFTER KIAN’S DEATH

Noong November 2018, nahatulang guilty sa kasong murder ang tatlong Caloocan policemen sa pagkamatay ni Kian.

Hinatulan ng reclusion perpetua o “life imprisonment” ni Presiding Judge Rodolfo Azucena Jr. ng Caloocan RTC Branch 125 ang tatlong pulis na sina Police Officer 3 (PO3) Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda and PO1 Jerwin Cruz.

Patuloy naman ang panawagan para sa katarungan ang mga kaanak ng marami pang EJK victims.

Kaugnay nito, inaresto naman si former President Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong March 11, 2025.

Hanggang sa kasalukuyan, nakadetine siya sa ICC penitentiary sa The Hague, Netherlands, para sa paglilitis sa kanya para sa kasong murder—isang krimen na sumasailalim sa crimes against humanity—dahil sa kanyang madugong kampanya laban sa droga.

Nakatakdang humarap sa ICC court si Duterte para sa confirmation of charges hearing sa darating na September 23, 2025.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong March 20, 2025, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na dumulog ang mga kaanak ng EJK victims sa ICC dahil binigo sila ng justice system sa bansa.

“The cases that we are speaking about were filed by their families in the ICC because they could not get justice in the country,” sabi noon ni Remulla sa Senate hearing ukol warrant issue ng ICC kay Duterte.

“I think that’s one thing that nobody wants to acknowledge—that there was a failure of our justice system for a long time,” ani Remulla.

Hindi man tuwirang binanggit, may pahayag si Remulla na tinutukoy niya na nangyari ito noong Duterte administration.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News