73rd FAMAS: Marian, Vice, Arjo, Nadine win top acting honors
Docu film Alipato at Muog wins Best Picture.
FAMAS 2025 winners: (from left) Marian Rivera, Best Actress for Balota; Vice Ganda, Best Actor for And The Breadwinner Is..; Arjo Atayde, Best Actor for Topakk; and Nadine Lustre, Best Supporting Actress for Uninvited.
PHOTO/S: X (Twitter) / Instagram
Napanalunan ni Marian Rivera ang kanyang kauna-unahang FAMAS Best Actress trophy sa 73rd edition ng award-giving body na ginanap sa Manila Hotel nitong Biyernes ng gabi, August 22, 2025.
Nanalo si Marian para sa kanyang pagganap sa Cinemalaya 2024 entry na Balota.
Ito ang ikatlong best actress trophy ni Marian para sa Balota, pagkatapos niyang manalo rin sa Cinemalaya 2024 at The Eddys 2025.
Nakuha naman ni Nadine Lustre ang kayang ikatlong FAMAS trophy nang tanghalin siyang Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa Uninvited.
Bago ito ay dalawang beses na siyang nanalong Best Actress sa FAMAS: noong 2019 para sa Never Not Love You at noong 2023 para sa Greed.
Tie para sa FAMAS 2025 Best Actor sina Vice Ganda para sa And The Breadwinner Is… at Arjo Atayde para sa Topakk. First time din nila pareho manalo sa FAMAS.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Kabilang sa tinalo nina Vice at Arjo sa FAMAS 2025 ay si Dennis Trillo, na tumalo sa kanila bilang Best Actor sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal para sa pagganap nito sa Green Bones.
First-time FAMAS winner din ang itinanghal na Best Supporting Actor na si Jeric Raval para sa pelikulang Mamay: A Journey To Greatness.
Ang nagwaging FAMAS 2025 Best Picture ay ang docu film na Alipato at Muog, na tumatalakay sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 2007.
Ang nakababatang kapatid ni Jonas na si JL Burgos ang nag-uwi ng Best Director award para sa docu film niya tungkol sa nawawalang kuya.
Ang may pinakamaraming napanalunang awards ay ang Mamay: A Journey To Greatness, isang biopic tungkol sa buhay ni Nunungan, Lanao del Norte mayor na si Marcos Mamay.
Lima ang nakuha nitong tropeyo sa FAMAS 2025: Best Supporting Actor, Best Cinematography, Best Production Design, Best Musical Score, at Best Original Song.
CONTINUE READING BELOW ↓
Maliban dito, ginawaran din ng FAMAS Presidential Award si Mayor Marcos Mamay.
SPECIAL AWARDEES
Kabilang pa sa big stars na dumalo sa FAMAS 2025 si Vilma Santos, na ginawaran ng FAMAS Circle of Excellence Award; sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na kabilang sa FAMAS Child Icon of Philippine Cinema awardees; at ang magkapatid na sina Andres at Atasha Muhlach na recipients ng German Moreno Youth Achievement Award.
Si Judy Ann din ang ginawaran ng kauna-unahang Nora Aunor Superstar Award, at siya rin ang nanalong Face of the Night.
Samantala, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ay kinilala naman sa pamamagitan ng Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism, isang pagkilala “sa mga indibidwal o grupo na nagpamalas ng hindi matatawarang kredibilidad sa kanilang larangan. Ang tungkuling nilang magbigay ng tamang impormasyon ay naging malaking tulong sa pag-unlad ng industriya.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang nag-host ng FAMAS 2025 ay sina Sam Verzosa, Tessa Prieto, Max Eigenmann, at RS Francisco.
Guest performers sina Imelda Papin, Maffi Papin, L.A. Santos, Kanishia Santos, John Arcenas, One Verse, 6ENSE, at PSF Muses.
73rd FAMAS Awards list of winners
Narito ang listahan ng mga nanalo sa 73rd FAMAS Awards:
Best Picture
Alipato at Muog
Best Actress
Marian Rivera (Balota)
Best Actor
Arjo Atayde (Topakk) and Vice Ganda (And The Breadwinner Is…)
Best Supporting Actress
Nadine Lustre (Uninvited)
Best Supporting Actor
Jeric Raval (Mamay)
Best Director
JL Burgos (Alipato at Muog)
Best Screenplay
Ricky Lee and Angeli Atienza (Green Bones)
Best Editing
Lawrence Fajardo and Ysabelle Donaga (The Hearing)
Best Cinematography
Gilbert Obispo (Mamay)
Best Production Design
Cyrus Khan (Mamay)
Best Musical Score
Neal “Buboy” Tan (Mamay)
Best Sound
Jhon Eric Mancera (Topakk)
Best Original Song
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Hahamakin Ang Lahat” (from the movie Uninvited) and “Hamon” (from the movie Mamay)
Special Awards:
Film Producer of the Year – Mentorque, Inc.
Bida sa Takilya Award – Kathryn Bernardo
FAMAS Circle of Excellence Award – Vilma Santos
FAMAS Child Icon of Philippine Cinema – Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Ian Veneracion, Ice Seguerra, Niño Muhlach, and Matet de Leon
German Moreno Youth Achievement Award – Andres and Atasha Muhlach
Susan Roces Celebrity Award – Lorna Tolentino
Nora Aunor Superstar Award – Judy Ann Santos
FPJ Memorial Bida Award – Manny Pacquiao
FPJ Memorial Kontrabida Award – Dindo Arroyo
Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism – PEP.ph
FAMAS Presidential Award – Marcos Mamay
FAMAS Loyalty Award – Brian Lu