May sinabi raw si Luis sa ina after matalo. Ano kaya yun?
Vilma Santos (left) at her inauguration as governor of Batangas, accompanied on stage by her son Luis Manzano.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto on Facebook
Hindi itinago ni Governor Vilma Santos na ikinalungkot ng kanilang pamilya ang pagkatalo ng panganay na anak na si Luis Manzano bilang vice-governor ng Batangas.
Ang dating governor na si Hermilando Mandanas ang nanalo sa naturang posisyon.
Nanalo si Vilma bilang gobernador at ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto bilang 6th district congressman ng naturang probinsiya.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gov. Vi sa Kapitolyo ng Batangas pagkatapos ng kanyang inaugural speech nung nakaraang July 7, 2025.
Pag-amin niya: “At first, of course, he felt bad. Maski ako, I felt bad.
“I mean, nagpagod kami. Walang incumbent sa amin, bago lang tumakbo.
“Ako, wala naman akong posisyon, so talagang trinabaho namin kung ano ang trabaho ng isang tao na nangangampanya para magkaroon ng posisyon.
“Siyempre when he lost, we all felt bad.”
Bagamat hindi incumbent si Vilma nang tumakbo siya nitong 2025 elections, dati na siyang naging gobernador ng lalawigan ng Batangas, mula 2007 hanggang 2016.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Bukod dito, naging mayor din siya ng Lipa City, Batangas (1998-1007) at kongresista ng sixth district ng Batangas (2019-2022).
LUIS MANZANO FULFILLS PROMISE
Pero mukhang hindi naman daw ininda nang husto ni Luis ang pagkatalo.
Ayon kay Vilma: “The thing is, he’s very positive. You know what he said? ‘Ilalagay ko lang ito part of my learnings.’
“Yun ang sinabi niya sa akin, e. Sabi ko, ‘Son, I feel…’
“Sabi niya, ‘No, Mom, it’s okay. It’s sad, but this will be part of my learnings and I know what to do next. I will continue my promise to the Bataguenos.”
“That’s what he told me.”
Magiging visible pa rin daw si Luis sa Batangas.
Sa katunayan, tinanggihan daw nito ang isang show sa Kapamilya network para tuparin ang mga binitawang salita.
“Wala, e, he’s adult enough, he’s intelligent enough to know what he is doing.
CONTINUE READING BELOW ↓
#PEPGoesTo The grand opening of 8 Seconds with Kim Sunoo
“Those serbisyo, it’s coming from his heart.
“Hindi nga niya tinanggap yung isang show kasi gusto niyang magsilbi.
“Ang sinabi ko lang, serving our people is not that easy, pero pag sinsero ka sa gagawin mo, you will never go wrong.
“It all should come from the heart kasi puwede mong gawin ang lahat, pero pag wala, yung beneficiaries mo, yung tao mararamdaman ka. They will feel na di totoo.
“Pero once na may gawin ka at sabihing coming from the heart, you will never go wrong, at yun ang sinabi ko kay Lucky,” pagtukoy niya sa anak na si Luis.
LUIS MANZANO WILL HELP MOM VILMA SANTOS
Isang show muna raw ang tinanggap ng panganay na anak.
Lahad ni Vilma: “Kung ano yung nadinig niyo kay Lucky, I meant every word. Sa totoo lang, kasama ko siya nangampanya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pagkatapos ng election, sa totoo lang, dalawa agad ang kanyang show, Rainbow Rumble and Minute To Win It.
“Nakiusap lang ang anak ko, ‘Mom, help me kasi hihingin niya kay Cory [Vidanes, ABS-CBN executive] na isa lang muna.
“Parang gusto niya, yung week na yun, ite-tape niya for Rainbow Rumble, then the second week, nandito siya sa Batangas to fulfill his promise na we will see him in every bayan, every distrito, dahil yun ang pinangako niya.”
Ayon nga sa actress-politician, malaki ang maitutulong sa kanya ng pagiging positive at techie ni Luis.
“Kailangan nating um-adjust sa bagong panahon, that’s why I need yung energy ni Lucky and bagong perspective ni Lucky.
“Sa kanya ako natuto ng social media. Ito yung gusto kong ma-share ng new blood, and this is part of Lucky to me and to my adminstration.”
Kumbaga, magiging katuwang niya si Luis sa youth-oriented projects?
“Siya ang tulay ko sa kabataan. Yung mga proyekto ko sa yung real needs ng kabataan, I’m sure si Lucky ang may koneksiyon dun para magabayan ako at mas epektibo yung serbisyong gagawin ko.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nilinaw ni Vilma na walang hahawakang posisyon si Luis at libre rin ang serbisyong ibibigay nito, sa kabila ng pagiging aktibo nito sa Batangas.
“Yung pagpunta niya dito, yung pagbalik niya, and to make sure, he is actually volunteering to fulfill yung sinabi niya sa entablado na ‘pupunta ako sa bawat distrito.’
“To make sure na maibibigay sa distrito niyo, di niyo kailangang pumunta ng kapitolyo para pa mahirapan, lalo na sa District 1.
“Imagine mula Nasugbu, pupunta ka dito, magkano ang gagastusin mo? Magkano ang pagkain, ang pamasahe?
“Ang gusto niya, ako ang pupunta sa inyo to bring all the documents of scholarship, sa distrito ninyo gagawin namin iyan. Yun ang mga sinabi niya.
“At kahit na in his situation now, ipu-fulfill niya yun bilang tulong din sa akin and to fulfill the promise na ginawa niya sa mga Batangueños.”
Diin ni Vilma: “Uulitin ko, he’s not asking anything in return, wala siyang suweldo dito. Gusto niya akong tulungan and to fulfill his promise sa mga Batangueño.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“May hanapbuhay din ang anak ko. Di naman para gawin niya itong hanapbuhay.
“And for that, sinabi ko kanina, I’m so proud of him kasi bihira ang may mga ganyang passion na tutuparin ang mga sinabi.”
Sa parte naman ni Vilma, aminado siyang halo-halo ang nararamdaman niya sa muling pagbabalik sa Kapitolyo ng Batangas
“Nakakatakot na masaya na excited kasi yung lahat ng gagawin ko ay again, e, again, puro again.
“Meeting with my family, the Capitol again, serving the Batangueños again.
“Di naman scary. It would be very challenging.
“Just like I’ve mentioned kanina, it would be very challenging for me, but I am happy and excited to be serving again the Batangueños.
“I’ll make sure in my own little way I can still be a mother of the province, I can still do something to contribute in uplifting the lives of the Batangueños even for three years.
“Three years is fast, and gusto ko yung three years, may maramdaman at may impact bago matapos ang isang termino.”