×

Emman Atienza denies corruption funds her lavish lifestyle

Emman comes from the Atienza political clan in Manila.

Emman Atienza denies lavish lifestyle "funded by corruption"

Emman Atienza shuts down claims her lavish lifestyle is funded by politicians and corruption: “Yes, my one grandfather and my aunts and uncles on my dad’s side are in politics. But I wanna make it so clear that my immediate family — my sister, my brother, me, my mom, my dad — do not get financial support of any means from that side of the family.”
PHOTO/S: Emman Atienza on Instagram

Sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa pagbabalandra ng ilang social media influencers ng kanilang lavish lifestyle sa social media, muling inalala ng influencer na si Emman Atienza ang kontrobersiyang kinasadlakan niya noong nakaraang taon.

September 2024 nang makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos si Emman bunsod ng pag-viral ng “Guess the bill” challenge niya sa TikTok.

Sa viral video, nagkatuwaan si Emman at kanyang mga kaibigan na hulaan kung magkano ang inabot ng bill ng kanilang kinain sa isang high-end restaurant.

Lumalabas na higit PHP130,000 ang total bill ng kanilang dinner.

Dahil dito, umani ng katakut-takot na batikos ang grupo ni Emman dahil sa pagiging “insensitive” nila umano, lalo pa’t maraming naghihirap sa Pilipino sa bansa.

Agad namang naglabas noon ng video si Emman bilang reaksiyon sa kontrobersiya.

Aniya, isang “joke” o katuwaan lamang ang video at wala silang binayarang malaking bill dahil nilibre sila ng isang kaibigang nag-birthday.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang punto niya, kung magbayad man daw sila ng ganoon kamahal ay wala namang kaso dahil pera naman nila ang ipambabayad.

Marami ang sumang-ayon sa puntong ito ng dalaga. Depensa ng mga ito, hindi naman kasalanan ni Emman kung may pambayad siya sa mamahaling dinner.

Ngunit may ilan ang nagtaas ng kilay at kinuwestiyon kung saan nga ba nanggagaling ang yaman ni Emman para sa kanyang mga luho.

Emman Atienza Opens Up About Past Struggles, Learnings From Viral TikTok Post | PhilNews

Emman’s Family Ties IN Politics

Si Emman ay matatawag na “nepo baby” at isinilang nang maykaya sa buhay.

Ang kanyang ama na si Kim Atienza ay popular Kapuso anchor at host.

Ang kanyang ina namang si Felicia Hung-Atienza ay isang stockbroker, educator, at owner ng Chinese International School Manila.

Alam ng marami na nasa dugo ng pamilyang Atienza ang pagiging politiko.

Lolo ni Emman si dating Manila Mayor Lito Atienza.

CONTINUE READING BELOW ↓

Judy Ann & Ryan’s secret to MANAGING MONEY in Marriage | PEP Exclusives

Emman Atienza goes minimalist after being bashed for P133k dinner | Philstar.com

Tiyahin niya ang vice-mayor ngayon ng Manila na si Chi Atienza at third district Manila councilor na si Maile Atienza.

Tiyuhin naman niya ang dating konsehal ng fifth district ng Manila at Department of Information and Communications Technology (DICT) undersecretary na si Ali Atienza.

Bago pumasok sa mundo ng showbiz, nagsilbi ring konsehal ng Manila City’s fifth district ang ama ni Emman na si Kim ng tatlong termino—mula 1995 hanggang 2004.

Emman denies receiving financial support from his father’s political relatives

Sa pamamagitan ng isang video sa TikTok nitong Huwebes, August 28, 2025, muling dinepensahan ni Emman ang sarili laban sa mga nagsasabing galing sa korapsyon ang mga ginagastos niya.

Ito ay sa gitna ng mga batikos na natatanggap ngayon ng ilang lifestyle vloggers dahil sa pagbabalandra ng kanilang marangyang pamumuhay, gayong sangkot ang mga kaanak nila sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Emman, bagamat kilalang nasa politiko ang pamilya ng kanyang ama ay hindi raw niya kailanman ito ginamit para sa pribiliheyong matustusan ang mga luho niya.

Pahayag niya: “One of the most frustrating pieces of misinformation that was spread about me during the ‘Guess the bill’ controversy when everyone was hating on me in the Philippines— because trust me, there was so much misinformation that I was genuinely considering getting lawyers involved—was that my lifestyle, my schooling, my house, my travels, my clothes, etc., are funded by politicians, are funded by the government, are funded by corruption.

“Yes, my one grandfather and my aunts and uncles on my dad’s side are in politics.

“But I wanna make it so clear that my immediate family — my sister, my brother, me, my mom, my dad — do not get financial support of any means from that side of the family.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagmamalaki ni Emman, ang perang ginagastos niya ay galing sa dugo’t pawis ng kanyang mga magulang.

Iginiit din niyang hindi umaasa ang kanyang mga magulang sa dating mayor ng Maynila at sa mga kapatid ng kanyang ama na nasa katungkulan.

Ani Emman: “My mom is the breadwinner, meaning she brings home the money and her family is not in any way, shape, or form related to politicians.

“She came from a Taiwanese family. She studied so hard in school she went to an Ivy League University, majored in finance.

“She became a stockbroker, invested in a bunch of different things, started two schools, and now she’s getting her second master’s degree in Harvard.

“My dad has been in entertainment on TV, I’m sure you know, for decades, for years.”

Diin pa niya sa huli, “We do not get financial support from any of my extended family.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa comments section ng nasabing TikTok post ni Emman ay nagkomento ang kanyang amang si Kim Atienza.

Bakas kay Kim na natuwa siya sa ginawang paglilinaw ng kanyang anak.

Komento nito, “thank you emman.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News