Dad forbids daughter from live streaming: ‘She’s too pretty.’
Netizens react.
Pinagbawalan si Zhang Shenxinran ng ama na mag-live stream at mag-share ng study tips. Ang sabi ng kanyang ama, “I do not support her in live streaming because it is not suitable for girls who are too pretty.”
Natanggap si Zhang Shenxinran para mag-aral sa Tsinghua University sa China noong 2022.
Siya ang naging topnotcher sa gaokao, ang national university entrance exam, sa kanilang bansa noong taon na iyon.
Pinagkalooban si Zhang ng 105,000 yuan o PHP831,209.54 ng kanyang pamilya bilang premyong magagamit sa pag-aaral.
Siya kasi ang pinaka-unang residente ng kanilang village na nasa Zhaoan County, Fujian province, southeastern China, na makapag-aaral sa Tsinghua University—isa sa pinakamahusay na engineering school sa buong mundo.
Ayon sa website na eChinacities.com, tinalo ng Tsinghua University ang mahigit 12 top-ranking American tech universities batay sa 2016 U.S. News & World Report global university rankings.
DAUGHTER DONATES THE MONEY TO POOR STUDENTS
Nakakagulat ang naging desisyon ni Zhang.
Sa halip na gamitin ang pera, ipinamigay niya iyon sa mahihirap na estudyante sa kanilang village.
Si Zhang Shenxinran nang ibigay sa kawanggawa ang perang natanggap mula sa kanyang pamilya. Photo: SCMP
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Dahil doon, naging laman si Zhang ng Chinese media.
Mula noon, nagtago na siya sa mata ng publiko.
Ang kanyang naging pahayag: “Some people said I made the donation to boost my profile.
“I felt sad about that.”
DAUGHTER IS NOW A POPULAR LIVE STREAMER
Kamakailan, muling lumantad si Zhang sa publiko.
Tingin umano niya ay nakalimutan na siya ng mga tao, at panahon na i-pursue ang gusto niyang gawin.
“I wish to reappear in public with a new identity.”
Third year college na siya sa Tsinghua’s School of Marxism.
Regular siyang nagpo-post tungkol sa araw-araw niyang buhay bilang estudyante.
May mga pagkakataong nagla-live stream siya, at nagbibigay ng free lectures sa mga estudyante.
Marami sa mga sumusubaybay sa kanya ang nagsasabing kahawig niya ang sikat na Chinese actress na si Chen Duling.
DAUGHTER’S EXAM TIPS
Bago isinagawa ang gaokao ngayong 2025, isang secondary school student ang nagtanong kay Zhang sa isa niyang live stream kung paano siya naghanda noon sa national university entrance exam.
Sagot niya: “Do not be too anxious.
“You should be aware that you cannot finish all the drill exercises.
“Set a fixed period of time for reviewing each subject and stick to the plan.”
Ibinahagi naman ni Zhang na walong oras siyang nag-aaral sa loob ng isang araw.
Kada linggo, nakakatapos siyang magbasa ng 500 pahina ng mga libro.
Nag-eehersisyo rin siya ng lima hanggang anim na beses kada linggo.
Nang may magtanong kung paano niya napapanatili ang ganda sa kabila ng stress na dulot ng pagre-review, ang sagot ni Zhang: “There are various types of straight A students.
“I am a straight A student who loves dressing up.
“I think making myself beautiful and studying do not conflict.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
DAD FORBIDS DAUGHTER TO DO LIVE STREAM
Sa ulat ng news website na South China Morning Post last June 22, 2025, napag-alamang pinagbabawalan si Zhang ng amang si Jiatian sa pagla-live stream.
Pagbabahagi ni Jiatian, napansin niyang napakaraming nanonood ng videos ng anak.
“Tens of thousands of people were watching her live stream.”
At dahil doon: “She has also received offers of advertising work.”
Tutol ang ama ni Zhang Shenxinran sa kanyang pagla-live stream dahil sobrang ganda umano niya. Photo: biz.chosun.com
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Katwiran ni Jiatian kung bakit ayaw niyang mag-live stream si Zhang: “I do not support her in live streaming because it is not suitable for girls who are too pretty.
“As a university student, you can set up your business, but you should have the correct guidance.
“You cannot do it blindly.”
NETIZENS’ REACT TO DAD’S OBJECTION
Naging mitsa ng online debate sa social media ang kuwento ng mag-amang Zhang at Jiatian.
May mga kumampi sa ama at nagsabing pinuprotektahan lang nito ang anak.
Obvious daw na hindi kailangan ng kanilang pamilya ang kinikita ni Zhang mula sa live streaming.
Hindi ba’t ibinigay niya sa kawanggawa ang perang natanggap nang makapasa at maging topnotcher sa gaokao?
Anang isang nagkomento: “Dad is right, because online predators will be lurking ready to grab her.
“He’s being protective and that’s fine. She could make faceless content instead.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Susog ng isa: “It’s not easy being good-looking. I write under a male sci-fi pen name because of that.
“People judge by appearances.”
Payo naman ng iba, isipin na lang ang benepisyo kesa sa posibleng perwisyo.
Sabi ng isang netizen: “Live streaming can be very lucrative, and opportunity only comes knocking once in a while.
“The father should seriously look into the pros and cons before flat out rejecting this.”
Paalala ng isa pa: “The economy is not good in China and many college grads are having a hard time finding decent jobs.
“I’m sure they can find a way to benefit from this while at the same time keeping the young lady safe.”
Marami na ring tagahanga si Zhang dahil perpekto umano ito sa lahat ng aspeto—matalino, mabait, at mapagkawanggawa.
Anila, dapat hayaan na lang siya ni Jiatian dahil nasa edad na rin naman ang dalaga, alam na ang mga gustong gawin sa buhay, at masaya naman siya sa ginagawa
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa ulat ng Chinese news website na biz.chosun.com, napag-alamanng pangarap ni Zhang na maging university professor o kaya ay secondary school teacher.