Claudine Barretto asks for compassion amid depression
Claudine opens up in 2018 about being diagnosed with panic disorder in 2002.
Claudine Barretto reveals she was hospitalized amid depression, appeals to public for understanding: “Pls don’t judge. We all need more understanding and compassion.”
PHOTO/S: Screengrab Claudine Barretto on Instagram
Trigger warning: Mention of depression
Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang pagkakaospital niya dahil umano sa depression.
Sa Instagram nitong Lunes, August 25, 2025, nag-upload si Claudine ng video clip na kuha mula sa kanyang pagkakaospital.
Sa isang bahagi ng video ay makikitang yakap ang aktres ng kanyang doktor habang siya ay umiiyak.
Photo/s: Screengrab Claudine Barretto on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Mayroon ding eksenang nakahiga si Claudine sa hospital bed habang nilalambing ng anak niyang si Noah.
Photo/s: Screengrab Claudine Barretto on Instagram
Sa caption ng post ni Claudine, nakiusap ito sa publiko na huwag siyang husgahan dahil sa kanyang pinagdaraanan.
Mababasa rito (published as is), “Yes this is what Depression looks like.
CONTINUE READING BELOW ↓
“So pls dont judge.we all need more understanding & compassion.”
Celebrities and netizens send comforting words to Claudine
Sa comments section ng post ni Claudine ay nagpaabot ng dasal at suporta ang ilan sa kanyang kaibigan, kasamahan sa showbiz, at fans.
Komento ni Vina Morales (published as is): “Sis love and hugs for you…will pray for you red heart, folded hands emojis].”
Mensahe ni Vilma Santos-Recto (published as is): “Hi, my dearest baby Claude. We are all here loving you…Dito lang kami para sayo. Tomorrow is another day! Be happy, smile and enjoy life cause you are blessed. I love you!”
Sabi ni naman ni Small Laude: “Praying for you. Hugs.”
Ayon naman sa isang tagahanga ni Claudine: “Sending hugs idol. Be strong, palagi na nandito kami para sayo. Marami kaming nagmamahal sayo Idol Claudine. Please po palagi ka sana maging matatag, mahal na mahal ka namin Idol.”
Claudine BARRETTO DIAGNOSED WITH panic attack
Ayon sa Mayo Clinic, ang depression o major depressive disorder ay isang mood disorder kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng patuloy na kalungkutan at pagkawala ng interes sa maraming bagay.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tinatawag rin itong clinical depression kung saan mayroong epekto na hindi lamang emotional ngunit pati na rin physical sa taong nakararanas nito.
Kadalasan ang taong nakararanas ng matinding depression ay mayroong pakiramdam na ayaw na mabuhay at hindi na nakakakilos ng normal para sa kanilang activities araw-araw.
Noong 2018, sinabi ni Claudine na 2002 pa lang ay na-diagnose na siyang mayroong panic attack, matapos ang ilang beses na pagpapatingin at pagkonsulta niya sa psychiatrist.
Nangyari raw ito makaraang sumakabilang buhay ang nobyo niya noong si Rico Yan.
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002.
Ayon sa Anxiety and Depression Association of America, ang panic attack ay “abrupt onset of intense fear or discomfort that reaches a peak within minutes.”
Kuwento noon ni Claudine: “In 2002, I was diagnosed with panic attacks, panic disorder.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“I just felt na parang mamamatay ako, hindi ako makahinga, parang I was sinking, I was drowning, ‘tapos parang lumiliit yung kuwarto, nagko-cold sweats ako ‘tapos hihimatayin ako.
“I didn’t know what was wrong. Nobody really told me, ‘Ah, panic attack ‘yan.’
“There were days na parang feeling ko, ‘Oh my God, I think I’m going crazy,’ kasi balisa, e. Di ka mapakali.
“When you have a panic attack at sabihin ng tao sa ‘yo, ‘Ano ba nararamdaman mo?’ the moment you tell them ano nararamdaman mo, all the more guma-grabe yung panic.
“I was so scared.”
To those who are seeking either someone to talk to or professional help because of mental health issues, you may call National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 and mobile number 0966-351-4518.