“Matinding bigayan ng exchange gift.”

BIGAYAN SA PASKO? Two groups get into a heated and physical altercation on their way to a mall parking lot in Marikina City two days before Christmas. The incident, caught on video, went viral.
PHOTO/S: Miguel Echano
Viral sa social media ang nangyaring road rage ilang araw bago mag-Pasko.
Ang away sa kalsada kasi ay ipinost at ni-repost sa social media ng netizens at ng mga satirical accounts.
Mapa-artista at netizens, hindi napigilang magkomento sa nakunang rambulan sa gitna mismo ng trapik at kalsada.
Ang sangkot sa gulo: ang mga sakay ng isang pickup truck laban sa mga sakay ng magka-convoy na white and gray cars.
Nagkaroon ng duruan, pananakal, hablutan, hampasan ng mga kamay at sandals, hilahan, at pagdi-dirty finger.
Sa kumalat na video na ipinost ni @miguelechano, makikita ang komprontasyon sa daan ng drivers ng pickup truck at ng gray car. Lumabas din sa gray car ang isang babaeng naka-blue at nakiduro rin.
Mula sa likod ng driver ng pickup truck, makikitang nilusob at sinakal siya ng lalaking driver ng white car.
Dito makikitang magkagrupo ang mga sakay sa white at gray cars.
Lumabas ang babaeng nakaitim mula sa pickup at hinila ang babaeng naka-blue.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nagkaroon ng sakitan.
Makikita na may mga namagitan para awatin ang mga nag-away-away.
Ang iba namang motorista, pinanood lang ang nangyaring komosyon.

Road rage incident in Marikina: Two groups got into a physical altercation while entering a mall parking lot in Marikina City on December 23, 2025.
Photo/s: Miguel Echano
CONTINUE READING BELOW ↓
#PEPGoesTo Araneta Christmas Glows in the City
CELEBRITIES AND NETIZENS WEIGH IN
Napukaw ng video ang pansin ng mga artista, na karamihan ay dismayado sa mga eksena, habang ang iba ay humirit na lang ng biro.
Ang tila’y napapailing na sabi ni Maui Taylor, “Hayyyyy mga Pilipino [nga] naman…”
Ang witty comment ni RK Batagsing, patukoy sa palitan ng mga hampas at pananakit, “Matinding bigayan ng exchange gift.”
Ang reaction ni Kakai Bautista, “Juskow naman!!!!!!”
Nagbiro naman si Alwyn Uytingco, “Why don’t you.. give hug on Chriiistmas daaaaay.”
Ani Aki Torres, “Physical touch ang kanilang love language.”

Photo/s: kabulastugan on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang napansin ni Bela Padilla, “The white dude’s just happy to be there,” patukoy sa isang foreigner na naka-ball cap at tila nakiusyoso at pinanood lang ang nangyayari.
Pinuna ng radio jock na si Gino Quillamor ang ginawang pananakal ng isa sa drivers. May naitulong daw ba ito sa sitwasyon?
“Rando used jumping rear naked choke hold and it was somewhat effective?”
Sagot na hirit ni Bela, “You could see the moment where he decided to go for it [laughing emoji],” patukoy sa nanakal na driver.
“Kanya kanyang kalaban sila ih,” natatawang komento ni Valeen Montenegro.
“Ang gulo di ko alam sino magkakampi,” hirit ni Alex Medina.

Photo/s: kabulastugan on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Photo/s: kabulastugan on Instagram
Hirit ni Gil Cuerva sa nanakal, “Di marunong si bro mag rear naked choke.”
“May extended version po?” ani Enzo Pineda na tila na-amuse sa mga pangyayari.
“Pinoy [100 percent emoji and clapping hands emojis],” ang sabi ni Michael Agassi.

Photo/s: kabulastugan on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa Reddit, maraming netizens din ang nagkomento ukol sa viral video.
“Palaban ang grupo nila,” patukoy sa magka-convoy.
“Ang babayolente nila.”
Inisa-isa ang ginawa nila tulad ng “nanakal,” “nanghampas ng tsinelas,” at “nagdala ng golf club.”

May mga nakapansin din sa nang-usyoso.
Bagama’t maganda raw ang suot nila at tumulong ang mga pasahero na umawat ay sumali pa ang mga ito kaya lalong lumaki ang gulo.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May pumuna sa kawalan ng disiplina ng mga motorista at pasaherong sangkot sa riot.
“Di bale na palang mga naka simpleng sasakyan tayo kaysa maging ganitong mang-aabala sa kalsada.”
Ang hirit ng isa, “Squatters on wheels. Christmas season talaga need ng mahabang pasensya.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
More comments:
“Instead na ikalma mo Pasko naman na, aba, eh, walang Pasko Pasko magkakagulo tayo. Hate and anger spread fast more than we know.”
“Dapat talaga magkaroon ng mahigpit na batas dito sa bansa bago magkaroon ng sasakyan at lisensya.”


ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
THE STORY BEHIND THE ROAD RIOT
Ang insidente ay ibinalita ng ilang news media outlets.
Ayon sa mga report: Nagkaroon ng singitan papasok sa parking lot sa isang mall sa Riverbanks Avenue, Marikina City, dakong 3:30 P.M., noong December 23, 2025.
Ang lulan ng magkasunod na white at gray cars ay magkakamag-anak, ulat ng GMA Integrated News.
“May nauna pong sasakyan sa kanila na nakapasok na,” ani Police Colonel Jenny Tecson, officer-in-charge ng Marikina City Police, patukoy sa grupo ng dalawang sasakyan.
“Ngayon, sumunod po itong pickup natin—yung nasa left side.
“Then, from there po, hindi na po sila makapasok din kasi nakaharang na rin po yung…hindi na nagbigay yung nasa white [car] kasi daw naiharang na niya ang sasakayan niya na una. Then hanggang sa nagkatapat yung Vios at saka yung pickup.”
Dinala sa police station ang mga nasangkot sa gulo.
Ani Tecson, nagkaroon ng initial settlement.
Pagdating naman daw sa mga violations, hahayaan na ng pulisya ang Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Office na gumawa ng pagsusuri o imbestigasyon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Bukas din daw ang Marikina City Police kung sakaling maisipan ng mga sangkot sa insidente na magsampa ng reklamo laban sa isa’t isa.