DOJ issues subpoena for Atong Ang, Gretchen Barretto, 60 others
Atong Ang, Gretchen Barretto, others still silent on the subpoena.
The Department of Justice (DOJ) issues subpoena against businessman and gambling tycoon Atong Ang (left), actress and business partner Gretchen Barretto (right), and 60 others before the preliminary investigation of the missing sabungeros on September 18, 2025.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News, Instagram
Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para sa negosyanteng si Atong Ang, business partner nitong si Gretchen Barretto, at animnapung (60) iba pa kaugnay sa kaso ng missing sabungeros.
Ayon sa ulat ng DZBB, sinimulan ang paglalabas ng subpoena nitong Martes ng gabi, September 9, hanggang ngayong Miyerkules, September 10.
Kabilang pa sa hahainan ng subpoena si dating NCRPO Chief Jonnel Estomo at 18 pulis, pati ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan at kapatid nitong si Elakim.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, ang mga subpoena ay may kaugnayan sa preliminary investigation sa mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention, at iba pa.
Nakatakda ang unang pagdinig sa susunod na Huwebes, September 18.
DOJ ISSUES LOOKOUT BULLETIN ORDER
Nalabas na rin ng Immigration Lookout Bulletin Order (LBO) ang DOJ noong August 29, 2025, para sa pinaghihinalaang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang nakasama sa mga listahan ay pinangalanan ng whistleblower na si Patidongan.
Nangunguna sa lookout bulletin ang negosyanteng si Atong at aktres na si Gretchen.
Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang humarap sa media: “Meron na naman tayong lookout bulletin sa lahat, mga binanggit ni Patidongan. May isang umalis ng bansa pero ewan ko lang kung nakabalik na.
“Umalis pero hindi pa namin alam kung bumalik na, kapatid siya ni Atong Ang.”
Wala pa ring pahayag hanggang ngayon ang mga sangkot na personalidad.
ATONG ANG DENIES HE’S THE MASTERMIND
Nauna nang itinanggi ni Atong Ang na siya ang nasa likod ng pagkawala ng maraming sabungero.
Naghain siya ng patung-patong na reklamo laban kay Patidongan at sa isang Alan Bantiles sa Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City noong Hulyo 3, 2025.
Robbery, grave threat, grave coercion, slander, at incriminating innocent people ang mga kasong isinampa ni Atong laban kay Patidongan.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Atong Ang with legal counsel Atty. Lorna Kapunan (left) and Atty. Caroline Cruz (right) during a press conference after filing formal complaints against Julie Patidongan.
Photo/s: GMA News on Facebook
Si Patidongan, na unang nakilala bilang Alias Totoy, ang hepe ng security agency na may hawak ng mga farm at sabungan na diumano’y pag-aari ni Atong.