Sharlene San Pedro defends BINI against “maarte” accusations.
“Panay ride niyo sa hate train kasi relevant yung subject.”
Sharlene San Pedro defends BINI amid backlash over spliced videos of the group tasting Pinoy snacks: “Panay ride niyo sa hate train kasi relevant yung subject.”
PHOTO/S: Sharlene San Pedro on Instagram/Screengrab People Vs Food on YouTube
Ipinagtanggol ni Sharlene San Pedro ang P-pop girl group na BINI matapos makatanggap ang mga ito ng batikos dahil sa candid reactions nila sa ilang Filipino snacks.
Nitong Sabado, July 12, 2025, in-upload sa social media ang guesting nila sa foreign YouTube channel na People vs. Food na na-shoot noong July 8.
Ang ilan sa kumalat na video clips—na milyun-milyon na ang views—ay mga negatibong reviews ng karamihan sa eight-member P-pop girl group sa ilang pagkain tulad ng Betamax (chicken or pork blood skewer), isaw (pork intestine), hopiang baboy, at balut.
BINI ON BETAMAX, ISAW, HOPIA, AND BALUT
Ang walong miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ay isa-isang tinikman ang 11 iconic Filipino snacks na binubuo ng mixed nuts, kwek-kwek, hopiang baboy, choco nuts, isaw ng baboy, yema, balut, betamax, mamon, turon, at taho.
May ilang hindi nagustuhan ang BINI members gaya ng hopiang baboy, isaw ng baboy, betamax, at balut.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Halos magkakatulad ang dahilan nila kapag binibigyan ng mababang score ang pinatikim sa kanilang Filipino snacks.
It’s either first time nila itong i-try o hindi nila trip ang lasa ng mga nabanggit na pagkain.
BINI members are now facing criticisms for being vocal about their disapproval of certain Filipino snacks, such as betamax, isaw ng baboy, hopiang baboy, and balut.
Photo/s: People vs. Food on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
Maxene Magalona naisipan noong mag-SUICIDE? | PEP Interviews
Dahil dito, katakut-takot na pambabatikos ang natanggap ng BINI mula sa netizens.
Marami ang nagsabing sila ay “maarte,” “feeling K-pop,” “feeling foreigner,” at iba pang pangungutya dahil lamang sa hindi nila nagustuhan ang ilang Filipino food na inihanda ng host na si Nicole Lizuka.
May ilan ding nagsabi na “feeling entitled” na ang grupo at tila ikinakahiya ang kanilang pagka-Pinoy.
Read: BINI sparks buzz over dislike for Betamax, hopiang baboy
Read more about
Sharlene San Pedro
Bini
SHARLENE STANDS UP FOR BINI AMID BASHING
Bagamat maraming puna, marami-rami pa ring netizens ang ipinagtanggol ang BINI mula sa mga akusasyon.
Isa na sa mga nagtanggol ay ang aktres na si Sharlene San Pedro.
Sa X (dating Twitter), nagpost si Sharlene nang kanyang saloobin tungkol sa mga komentong nabasa.
Read: Taste Boracay: 5 Food Spots that should be on your list
Ani Sharlene, kahit naman sino ay may kanya-kanyang preferences pagdating sa mga pagkain, mapa-Filipino man ito o hindi.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tweet niya (published as is), “pa rant.. bakit kaya ang daming taong nagrereact at humuhusga sa naka trim down na video? kahit di niyo pa naman napanuod yung buong video sa yt.
“saka hello di talaga lahat ng pinoy ay trip ang lahat ng filipino food.”
Dagdag pa ng aktres (published as is), “panay ride niyo sa hate train kasi relevant yung subject.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na paliwanag at reaksiyon ang BINI tungkol sa nag-viral nilang video.