Ate Gay: “Di ko man ma-reply-an taos puso akong nagpapasalamat sa sobrang dami.”

Comedian Ate Gay expresses gratitude to fans and supporters who generously contributed to his medical needs following his Stage 4 cancer diagnosis.
PHOTO/S: Facebook
6
Shares
Nabuhayan ng loob ang stand-up comedian na si Ate Gay dahil may sasagot na sa gastos ng kanyang chemotherapy at radiation sa Asian Hospital and Medical Center.
Lagpas isang buwan daw ang gamutan at tuluy-tuloy ito.
Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa anonymous donor ng mga nasabing medical procedure.
Post ni Ate Gay sa Facebook ngayong Martes, September 23, 2025: “Magandang Balita po magpapachemo at radiation na po ako sa Asian Hospital ng Libre sa tulong ng isang Anghel …nagpapasalamat po ako sa inyong mga mensahe.. di ko man mareplyan Taos puso akong nagpapasalamat sa sobrang dami.. patuloy lang po Ang panalangin”
Nagpapahanap din siya ng condo o apartment na maaaring rentahan malapit sa Asian Hospital para sa isasagawang medical procedure sa kanya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ate Gay during his Kapuso Mo, Jessica Soho interview.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official
Another angel TO HELP ate gay
Sa bagong post ni Ate Gay sa Facebook, sinabi niyang may bago na naman siyang grasyang natanggap mula sa isang anonymous donor na kung ituring niya ay “anghel.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Celebrities join protest against corruption | PEP
Pinahiram daw siya nito ng condo unit sa South na malapit lamang sa Asian Hospital.
Aniya, “Ambabait naman ninyo may libre na akong matitirhan sa Ananda condominium zapote alabang nasa america daw sya at walang nakatira sa unit nya huhuhu thank you po fan ko daw lolo nya”
Nalaman ng publiko ang pagkakaroon ni Ate Gay ng Stage 4 mucoepidermoid cancer dahil inanunsiyo ito ng TV host at komedyante ring si Allan K sa gig nila sa Clowns Republik Comedy Bar noong Biyernes, September 19, 2025.
Sa panayam sa komedyante sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, September 21, sinabi nitong pinuproblema niya ang pera dahil lumulubo na ang kanyang gastos sa ospital.
Saad niya, “Nasa P200-K sa hospitalization, less na dun ang insurance. Kailangan ko pa ng P100-K sa PET (Positron Emission Tomography) scan, sa radiation.