UNEXPECTED REUNION! Tears and truth collide as Esnyr finally confronts his past with his father.

Esnyr reunites and reconciles with his father inside PBB house

Esnyr and Daddy Jhun apologize to each other.

Esnyr finally reconciles with father, receives heartfelt apology

Naging madamdamin ang muling pagkikita ng content creator-actor na si Esnyr Ranollo at ng kanyang amang si Marcelino “Jhun” Ranollo sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sa episode ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition nitong Miyerkules, June 25, 2025, sinorpresa ni Big Brother ang CharEs duo na sina Esnyr at Charlie Fleming sa pagpasok ng kani-kanilang mga magulang sa PBB house.

Ang CharEs ang unang duo na pumasok sa Big 4 ng PBB Celebrity Collab Edition.

Si Charlie ay sinorpresa ng kanyang ina na si Mommy Flong, habang si Esnyr naman ay dinalaw ng kanyang amang si Daddy Jhun.

Dala nila ang mga paboritong ulam ng kani-kanilang mga anak.

ESNYR’S HEART-TO-HEART TALK WITH HIS FATHER

Sa loob ng PBB house, nabigyan ng pagkakataon sina Esnyr at Daddy Jhun na mag-usap nang masinsinan tungkol sa naging tampuhan at hindi nila pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Personal na humingi ng tawad si Esnyr sa kanyang ama dahil sa pagbabahagi niya sa publiko ng kinikimkim niyang sama ng loob.

Sabi ni Esnyr sa wikang Bisaya, “Sorry talaga Daddy at nai-share ko ang ating [misunderstanding] noong second week ko [dito sa PBB].”

Bagay na naiintindihan naman daw ni Daddy Jhun.

Sabi nito, siya raw dapat ang humingi ng tawad kay Esnyr dahil bilang ama ay nagkulang siya, lalo na sa pagbibigay ng pangangailangan ng kanyang mga anak.

Saad ni Daddy Jhun: “No problem. Wala ka dapat ihingi ng paumanhin dahil nagsasabi ka lang naman ng totoo. Hindi mali magsabi ng totoo.

“Sorry din sa iyo. Alam namin may mga times na may mga gusto ka, na nagpapabili ka, pero tiyempong walang budget.

“Gustuhin man namin pero wala nang ibang means na maibigay namin kung anong gusto mo.

“Inaamin ko, isa yan sa aming mga pagkukulang. Dapat talaga as parent, kung kakayanin, ibibigay ang gusto ng mga anak.”

CONTINUE READING BELOW ↓

Sinong PBB Collab housemate ang hindi na deserve mag-stay sa Bahay ni Kuya? | PEP

Malaki raw ang pasasalamat ni Daddy Jhun dahil nagpakatotoo at sinabi ni Esnyr ang nararamdaman nito sa kanya noon.

Dahil dito, napagtanto ni Daddy Jhun na may mga pagkakamali at pagkukulang siya sa kanyang mga anak.

Aniya, “Nagpapasalamat ako sa pangyayaring iyon dahil nakita ko ang aking kakulangan.”

Sagot dito ni Esnyr, “Sorry dahil sa mga nababasa mong comments after that episode. Pangako, babawi ako sa inyo paglabas.”

Pahayag dito ni Daddy Jhun, hindi niya pinapansin ang masasakit na komento ng netizens nang ibahagi ni Esnyr ang sama ng loob niya sa ama

Imbes na kahihiyan, mas nanaig daw sa kanyang pakiramdam ang panghihinayang sa mga oras na nasayang dahil hindi niya naipadama kay Esnyr at iba pa niyang mga anak ang umaapaw niyang pagmamahal sa mga ito.

Ayon kay Daddy Jhun: “Kung iyan ang kinakabahala mo, para sa akin hindi dapat, kasi naging challenge ito sa akin na may pagkukulang ako, na hindi dapat ganoon ang pakikitungo ko sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat naging tama ang pagtrato ko para hindi sila magkimkim ng sama ng loob sa akin.

“Dahil lang din siguro sa masyado akong busy sa mga sidelines ko, e, hindi na ako naging showy sa aking love sa inyo.

“Sorry talaga. May pagkukulang ako as your father.

“Kaya nagpapasalamat din ako [sa iyo] dahil na-realize ko ang pagkakamali ko. Bilang ama mo, dapat ipinakita ko ang pagmamahal ko sa iyo para hindi ka magdamdam.

“Dapat ipinakita ko in words and physical attachment.

“Masaya ako na nakapasok ka dito [sa PBB] at naka-heart-to-heart talk tayo.

“Muli, patawad kung may times na nakapagsalita ako ng masakit. Dahil naging selfish ako, e, hindi na ako naging open sa iyo.”

Hindi naman napigilang bumuhos ang luha ni Esnyr nang marinig ang mga salitang ito mula sa kanyang ama.

ESNYR’S rift with his father

Sa episode ng PBB Celebrity Collab Edition noong April 1, 2025, naibahagi ni Esnyr ang isa sa mga misconception sa kanya ng ibang tao.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya noon, dahil sa positibo niyang personalidad, akala ng maraming tao ay wala siyang binibitbit na problema.

Pero lingid daw sa kaalaman ng marami, sa likod ng kanyang masayahing imahe sa harap ng camera ay ang masalimuot na relasyon niya sa sariling ama.

Pagbabalik-tanaw niya noon, nagsimula ang gusot nila ng kanyang ama nang magpunta siya sa Maynila, buhat sa Davao del Sur, para isulong ang career niya bilang content creator.

Sa Maynila raw kasi niya nakita ang oportunidad na kumita nang malaki para pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Saad ni Esnyr: “Noong nagsimula kasi ako noong pandemic, [kumikita] ako sa mga video ko ng mga tigpa-five K [PHP5,000], tigte-ten K [PHP10,000], ganyan.

“Tapos napapansin ko sa ref namin na wala na kaming ulam, wala talagang laman yung ref namin.

“So [sabi ko] ako na bahala sa grocery, ako na bahala sa kuryente, ganyan. Sobrang little things lang hanggang sa palaki nang palaki.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang, ayun nga, nagkaroon ako ng opportunity dito sa Manila, doon pala magsisimula yung problem ko sa family ko.”

Dumating daw sa puntong tumawag sa kanya ang mga magulang niya para sabihing makukulong ang kanyang ama dahil sa pagkakautang nila.

Bilang anak, natakot si Esnyr sa maaaring sapitin ng kanyang tatay kung kaya’t ginawa raw niya ang lahat para makabayad ng utang.

Lahad niya: “One day, nag-call sa akin yung parents ko, tapos sasabihin na makukulong papa ko kasi raw may utang daw kami.

“Tapos sakto pala yung utang namin ganoon kalaki sa makukuha kong [sahod].

“Siyempre ayokong makulong papa ko kaya binigay ko ta’s nangutang ako. Doon nag-start yung utang chronicles ko.

“Since medyo malaki yung binayaran ko para lang hindi makulong ang father ko, like, kumayod ako, tinanggap ko lahat-lahat ng brands.

“Every day gumagawa ako ng script, mag-e-edit ako, magsu-shoot ako.”

Sa sobrang busy raw ni Esnyr sa paggawa ng kanyang content, may mga pagkakataong hindi niya nasasagot ang mga text message ng kanyang ama na noo’y humihingi ng pera.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dito raw nagsimulang makarinig si Esnyr ng masasakit na salita mula sa kanyang ama.

Aniya: “Sobrang busy ko that time na nagme-message sila Papa sa akin, monthly sila nagme-message, ‘Saan na yung pera?’

“Tapos hindi ako nakapag-reply.

“Doon ko unang natanggap yung unang message ng papa ko sa akin na, ‘Grabe ka magpasarap sa buhay mo diyan. Kaya mo makita yung parents mo na naghihirap. Pero sige lang, gusto kong malaman mo na mabubuhay kami kahit wala ka.'”

Esnyr opens up about his relationship with father

Esnyr shares heartbreaking conflict with his family, particularly with his father. 
Photo/s: Screengrab Pinoy Big Brother on YouTube

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Esnyr, ginagawa naman niya ang lahat pero pakiramdam niya ay kulang pa ito para matawag at matrato siyang mabuting anak ng sariling ama.

Sa tanang buhay raw kasi niya ay never siyang nakarinig ng papuri mula sa kanyang ama sa lahat ng naitulong at nagawa niya sa kanilang pamilya.

“Every month nagme-message siya sa akin na, ‘Hello, John [Esnyr’s second name], kumusta diyan?’

“Tapos magre-reply ako. After nun, always na nanghihingi. Never ako na-chat na kumusta, na kumusta lang.

“Never in my life naging close kami.

“Never in my life nagsabi ako ng ‘I love you’ sa kanya.

“Never in my life sinabihan niya ako ng ‘I love you, sobrang saya ko na anak kita.’

“Wala, wala akong narinig na ganun.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News