×

2025: A Year of Sorrow — Legends Lost Forever, Shocking the World. Amid these losses, Kris Aquino quietly faces a major challenge, leaving fans worried after doctors revealed she is about to face a significant struggle. Let’s all pray for her 🙏

In memoriam: celebrities we lost in 2025

Their memories and lasting impact on the entertainment industry will live on.

Celebrity deaths in 2025: Nora Aunor, Pilita Corales, Gloria Romero, Red Sternberg, and Ricky Davao

It’s only half of year 2025, but the Philippine entertainment industry has been mourning the loss of a number of showbiz personalities. Seen here are the late Pilita Corrales, Nora Aunor, Ricky Davao, Gloria Romero, and Red Sternberg. 
PHOTO/S: Mark Nicdao for YES! / @janinegutierrez / PEP File / Web / @redsternberg

Kalahati pa lang ng taon ang lumipas ngunit napakaraming balita ang gumimbal sa madla. May mga sakuna, bangayan sa pulitika, at iba pang mga isyu na nangibabaw sa mga headlines.

Kasama sa mga balitang pinag-usapan ng publiko ay ang pagkamatay ng ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz. Sila ang mga taong tumatak sa mundo ng entertainment, kaya naman maraming nalungkot sa kanilang paglisan.

Narito ang listahan mga showbiz personalities na ito:

GLORIA ROMERO

Una sa listahan si Gloria Romero, na pumanaw noong January 25 sa edad na 91.

Payapa ang pagkawala ng Philippine TV and movie icon, na lumabas sa higit na 250 na pelikula at palabas sa telebisyon.

Nagsimula ang karera ni Gloria noong 1944, bilang ekstra sa pelikulang Liwayway ng Kalayaan. Matapos nito ang bumida na siya sa mga pelikula, tulad ng Rebecca noong 1952, at Cofradia noong 1953.

Ilan pa sa mga kilalang pelikula ni Gloria ay ang Tanging Yaman noong 2000, Magnifico noong 2003, at Rainbow’s Sunset noong 2018.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Gloria Romero died on January 25, 2025. She was 91.

Gloria Romero died on January 25, 2025. She was 91. 
Photo/s: Web

MATUTINA

Noong February 14 naman pumanaw ang komedyanteng si Matutina sa edad na 78, dahil sa acute respiratory failure.

Nakilala si Matutina, o Evelyn Bontogon-Guerrero sa totoong buhay, bilang nakatutuwang kasambahay sa long-running sitcom na John en Marsha.

Bukod sa kanyang karera sa comedy ay kilala rin si Matutina sa kanyang pagganap sa mga radio drama, at sa pag-dub sa anime at imported drama series.

Naging konsehal din siya sa Quezon City mula 2007 hanggang 2010.

Matutina died on February 14, 2025. She was 78.

Matutina died on February 14, 2025. She was 78. 
Photo/s: PEP File / Julius Babae Unplugged YouTube

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

DELIA RAZON

Matapos ang isang buwan ay isa pang veteran actress ang lumisan. Ito ay si Delia Razon, na namatay noong March 15 sa edad na 94.

Hindi ipinaalam ng kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sumikat si Delia, o Lucy May G. Reyes sa totoong buhay, noong 1949 nang bumida siya sa Krus na Bituin ng LVN Pictures.

Ilan pa sa kilala niyang pelikula ay ang Rodrigo de Villa noong 1952, Luksang Tagumpay noong 1956, at Ipagpatawad Mo noong 1991.

Si Delia ang lola ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Delia Razon died on March 15, 2025. She was 94.

Delia Razon died on March 15, 2025. She was 94. 
Photo/s: PEP File

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

GOLD DAGAL

Samantala, karahasan ang naging dahilan ng pagbawi sa buhay ng komedyanteng si Gold Dagal.

Ang up-and-coming stand-up comedian ay namatay sa ospital noong March 16, siyam na oras matapos siyang barilin ng mga di kilalang lalaki sa isang beer house sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa mga balita, may mga death threats na ang 38-year-old performer dahil sa kanyang mga comedy sets na tumitira sa isang relihiyon.

Gold Dagal dies at 38

Photo/s: Screengrab Gold Dagal on Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

PILITA CORRALES

Noong April 12 naman pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 87.

Malaki ang kontribusyon ng Asia’s Queen of Songs sa music industry ng bansa. Umabot sa anim na dekada ang kanyang karera, at nakapag-record siya ng 135 na album.

Sinimulan ni Pilita ang music career niya sa Australia noong 1950s. Noong 1960s naman ay bumalik siya sa Pilipinas para mag-record ng mga kanta, at para bumida sa pelikula.

Ilan sa mga kanta ni Pilita na nagmarka sa publiko ay ang “A Million Thanks to You,” “Kapantay ay Langit,” at “Ang Pipit.”

Pilita Corrales died on April 12, 2025. She was 94.

Pilita Corrales died on April 12, 2025. She was 94. 
Photo/s: @janinegutierrez Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NORA AUNOR

Matapos ang ilang araw ay sumunod ang pagkamatay ni National Artist Nora Aunor sa edad na 71. Binawian ng buhay ang Superstar noong April 16 dahil sa acute respiratory failure.

Itinuturing na haligi ng Philippine showbiz industry si Nora, ang one and only Superstar, dahil sa hindi matatawaran nitong kontribusyon sa pelikulang Pilipino bilang artista at producer.

Kilala siya sa bansag na Ate Guy.

Sino ba ang hindi nakakaalam sa mga pelikula niya tulad ng HimalaBonaThe Flor Contemplacion Story, at Minsa’y Isang Gamu-Gamo? Ang mga pelikulang ito ang dahilan kung bakit siya naging National Artist of the Philippine for Film and Broadcast Arts noong 2022.

Bukod pa rito ay kilala rin si Ate Guy bilang mang-aawit. Ilan sa kanyang mga kilalang awitin ay “Pearly Shells,” “People,” “Handog” at “Yesterday, When I Was Young.”

Nora Aunor died on April 16, 2025. She was 71.

Nora Aunor died on April 16, 2025. She was 71. 
Photo/s: Jerry Olea

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HAJJI ALEJANDRO

April 21 naman pumanaw ang mang-aawit na si Hajji Alejandro, sa edad na 70, dahil sa colon cancer.

Itinuturing na OPM Legend si Hajji, dahil sa mga kontribusyon niya sa Philippine music.

Nagsimula ang kanyang karera noong 1970s, bilang miyembro ng Circus Band. Noong 1976 ay tinahak niya ang kanyang solo career, at agad na sumikat dahil sa mga kantang “Panakip-Butas,” “Tag-Araw,” “Tag-Ulan” at “May Minamahal.”

Si Hajji ang ama ng singer-actress na si Rachel Alejandro.

Hajji Alejandro died on April 21, 2025. He was 70.

Hajji Alejandro died on April 21, 2025. He was 70. 
Photo/s: Rommel Gonzales

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

JIGGLY CALIENTE

Nagulat ang marami sa biglaang pagkamatay ni Jiggly Caliente noong April 27 dahil sa sakit, sa edad na 44.

Si Jiggly, o Bianca Castro-Arabejo sa totoong buhay, ay isang Filipina drag queen na sumikat dahil sa pagsali niya sa RuPaul’s Drag Race noong 2011.

Matapos nito ay umalagwa na ang kanyang karera sa Hollywood. Nagkaroon siya ng mga role sa mga US TV series tulad ng Broad City noong 2015, at Pose noong 2018.

Naging judge rin siya sa Drag Race Philippines, na nagsimula noong 2022.

Jiggly Caliente

Jiggly Caliente died on April 25, 2025. She was 44. 
Photo/s: @jigglycalienteofficial Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

RICKY DAVAO

Pagbungad ng May ay nagitla ang publiko sa pagpanaw ni Ricky Davao. Namatay ang actor-director noong May 1 dahil sa cancer, sa edad na 63.

Mahaba ang listahan ng acting credits ni Ricky sa pelikula, telebisyon at teatro.

Kasama na riyan ang mga pelikulang Bulaklak sa City Jail noong 1984, Asero noong 1995, at Endo noong 2007.

Kasama rin siya sa mga drama series tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002 at My Korean Jagiya noong 2017.

Sa teatro naman ay umarte siya sa Insiang noong 2003 at 2007, Dirty Old Musical noong 2016, at Baka Naman Hindi noong 2023.

Nagtrabaho rin si Ricky bilang direktor sa telebisyon. Nakapag-direct siya ng ilang episode ng Maalala Mo Kaya, at ng ilang TV series tulad ng Ang Munting Paraiso noong 1999, Dading noong 2014 at Legally Blind noong 2017.

Ricky Davao died on May 1, 2025. He was 63.

Ricky Davao died on May 1, 2025. He was 63. 
Photo/s: Jerry Olea

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

AMAY BISAYA

Matapos ang isang linggo ay nabalita naman ang pagpanaw ng komedyanteng si Amay Bisaya. Namatay siyang noong May 8 dahil sa diabetes, sa edad na 67.

Nakilala si Amay noong 1970s dahil sa pagganap niya bilang sidekick ng ilang mga action stars, tulad nina Fernando Poe Jr, Lito Lapid, at Ramon Revilla Sr.

Ilan sa mga pelikulang ginawa niya sa kanyang limang dekadang karera ay ang Nardong Putik noong 1972, Ang Padrino noong 1984, at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story noong 2011.

romy romulo amay bisaya death

Romy Romulo and Amay Bisaya 
Photo/s: Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

FREDDIE AGUILAR

May 27 namatay ang OPM icon na si Freddie Aguilar, sa edad na 72, dahil sa multiple organ failure.

Kilala si Ka Freddie sa kanyang mga tanyag na awit, tulad ng AnakMagdalena, at Ipaglalaban Ko.

Instrumental din ang kanta niyang “Bayan Ko,” na isa sa mga naging inspirasyon noong People Power Revolution, na nagpatalsik sa rehimeng Marcos noong 1986.

freddie aguilar death

Freddie Aguilar died on May 27. He was 72. 
Photo/s: Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

RED STERNBERG

Noong May 27 din pumanaw si Red Sternberg. Biglaan ang pagkamatay ng dating matinee idol sa edad na 50 dahil sa atake sa puso.

Sumikat ang Filipino-German actor nang mapabilang siya sa youth-oriented drama na T.G.I.S. noong 1995 hanggang 1999.

Bukod sa T.G.I.S. ay bumida rin si Red sa ilang pelikula, tulad ng Are You Afraid of the Dark? Noong 1996 at Silaw noong 1998.

Noong 2000, nagretiro na sa pag-aartista si Red, at nag-migrate sa Estados Unidos. Kalaunan ay nagkaroon siya ng career sa hotel management.

red sternberg fundraiser

Red Sternberg died on May 27, 2025. He was 50. 
Photo/s: IMDB / Facebook

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

LOLIT SOLIS

Ang pinakabagong balita ay ang pagkamatay ni Lolit Solis kahapon, July 3. Atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng talent manager at showbiz publicist sa edad na 78.

Noong 1980s nagsimula si Lolit na maging manager ng mga artista.

Ilan sa mga inalagaan niyang personalidad sina Gabby Concepcion, Ruffa Gutierrez, Lorna Tolentino, Bong Revilla at Mark Herras.

Kilala rin si Manay Lolit sa mga kontrobersiyang hinarap niya bilang showbiz commentator.

Halimbawa, sinampahan siya ng 12-million peso libel suit nina Sam Milby at Piolo Pascual noong 2007. Na-settle ang kaso noong 2008.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News