Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros
Alyas Totoy: “Isa siya sa pag nag-meeting-meeting, nandoon siya.”
One of the suspects in the case of missing sabungeros claims that a female showbiz personality is involved: “Kasama siya sa alpha member… Ibig sabihin, kasama siya sa grupo.”
Dawit umano ang isang sikat na babaeng “showbiz personality” sa kaso ng nawawalang mahigit 100 sabungero.
Ayon sa exclusive report ni Emil Sumangil para sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, Hunyo 26, 2025, kabilang ang female showbiz personality sa mga isinumiteng pangalan ni alyas “Totoy” sa kanyang affidavit.
Si Totoy ay katiwala umano ng mastermind sa pagdukot at pagpatay sa mga sabungero.
Ang mga nawawalang sabungero ay sinakal umano gamit ang alambre at ang mga katawan nila ay itinali sa sakong may buhangin at saka itinapon sa may Taal Lake.
Kasama raw sa sindikato ng mga sabungero ang isang female showbiz personality.
Pagsisiwalat ni Totoy: “Mayroong isang babaeng celebrity. Di ko muna papangalanan, at alam na nila yan.
“Kasama siya sa alpha member… Ibig sabihin, kasama siya sa grupo.”
Hindi na idinetalye nang husto ni alias Totoy ang papel ng showbiz personality, pero kabilang umano ito sa 30 pulis at sibilyan na pinangalanan niyang dapat kasuhan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nasa “inner circle” diumano ng mastermind ang binabanggit niyang showbiz personality.
Lahad ni Totoy, “Isa siya sa pag nag-meeting-meeting, nandoon siya.
“Isa rin siyang susi kung sakali… Siya ang mas marami ring alam.”
Ayon pa kay Totoy, handa na ang kanyang affidavit ngunit isusumite lamang daw niya ito kapag kumpleto na ang hawak niyang ebidensiya at nasa poder na niya ang mga testigong magpapatotoo sa kanyang mga alegasyon.
FROM SUSPECT TO STATE WITNESS
Si Totoy ay isa sa anim na security guards ng Manila Arena, kung saan madalas ginaganap ang mga sabong.
Si Totoy at ang mga kasamahan niyang security guards ay kinasuhan ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.
Pinayagan ng Manila court na magpiyansa ang mga security guard para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Pero kinansela ng Court Appeals ang kanilang piyansa dahil sa kahilingan ng pamilya ng mga biktima.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Rico Barrera, muntik nang MASUNOG ang BAHAY NI KUYA? | PEP Exclusives
Ipinag-utos naman ng Department of Justice (DOJ) ang muling pag-aresto sa anim na security guards.
Nais maging state witness ni Totoy sa kaso ng mga nawawalang sabungero dahil nangangamba raw siya sa kanyang buhay.
Sa hiwalay namang panayam kay DOJ Secretary Boying Remulla, sinabi nitong “kilalang personalidad” ang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero.