Ate Gay: “Salamat sa mga anghel… Salamat sa lahat ng nagmamahal…. Naiyak ako.”

Comedian Ate Gay maintains positivity amid Stage 4 cancer diagnosis: “Mukhang mapapabilis ang paggaling ko dahil nag-DM ang crush kong si Dominic Roque… grabe kayong lahat sa akin.. sobra nyo akong minahal, anlakas maka-energy.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram
Sa gitna ng pinagdaraanang pagsubok sa kanyang kalusugan, mas pinipili pa ring maging positibo ng stand-up comedian na si Ate Gay—Gil Morales sa totoong buhay.
Nalaman ng publiko ang pagkakaroon ng cancer ni Ate Gay dahil inanunsiyo ito ng TV host at komedyante ring si Allan K sa gig nila sa Clowns Republik Comedy Bar noong Biyernes, September 19, 2025.
Bahagi ng kuwento ni Allan: “Ito yung sakit niya, pallid tumor mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma.
“So, inisip ko ano kayang klaseng sakit ito, tinanong ko nang tinanong wala naman akong mapagtanungan.
“Hanggang sa nag-text si [Ate Gay] ulit sa akin. [Sabi niya], ‘Baka may kilala kang magaling na dalubhasa na pwede akong operahan.
“‘Kasi sabi doon ng doktor [ko], incurable na. Baka may kakilala kang magaling na doktor na dalubhasa na pwede akong operahan.
“‘Pa-sponsor naman ako. Gusto ko pang mabuhay.'”
Ayon sa Mayo Clinic, ang mucoepidermoid cancer ay isang uri ng cancer na karaniwang nagsisimula sa salivary glands (mga glandula ng laway, gaya ng parotid gland, submandibular gland, o minor salivary glands sa bibig at lalamunan).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ate Gay ENERGIZED BY Dominic Roque’s message
Sa Facebook ngayong Lunes, September 22, 2025, nagbahagi si Ate Gay ng lumang larawan nila ni Dominic Roque.

Biro niya, baka raw mapabilis ang kanyang paggaling dahil sa direct message na natanggap niya mula sa aktor.
Ani Ate Gay (published as is): “Mukhang mapapabilis Ang paggaling ko dahil nag Dm Ang crushkong si Dominique Roque … grabe kayong lahat sa akin.. sobra nyo akong minahal anlakas makaenergy”
SURPRISE VISIT FROM A DOCTOR FAN
Ngayon araw rin, isang doktor na fan ng komedyante ang sorpresang dumalaw kay Ate Gay.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nais daw nitong makatulong sa kanyang paggaling.
Lahad ni Ate Gay (published as is): “Dinalaw ako ng isang doctor…Di daw sya makatulog at pano nya ako tutulungan.. isa daw po sya sa napapatawa ko kaya bilang pasasalamat ay agad nya akong hinanap…
“Dr. Ramos nagbigay sa akin ng Oras na chikahan kung pano ko malalagpasan Ang sakit ko. maraming salamat po Doc…”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
FAN SETS ATE GAY’S CHECK-UP AT ASIAN HOSPITAL
Isan fan din ang nag-set up ng check-up ni Ate Gay sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa.
Ayon sa screenshot ng mensaheng ibinahagi ni Ate Gay, may appoinment na siya sa Asian Cancer Institute.
Sabi ni Ate Gay sa post, “Salamat sa mga anghel..Salamat sa lahat ng nagmamahal…. Naiyak ako”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
At nagpunta na nga siya ng Asian Hospital kaninang umaga.