John Arcilla and Lotlot de Leon recall encounter with scammers
John Arcilla: “Millions talaga nakuha sa family namin.”
John Arcilla (left) details how his student in an acting class scammed his family with pyramid scheme; Lotlot de Leon (right), for her part, recalls she fell victim to a bogus buyer.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
Isiniwalat ni John Arcilla na naging biktima ng investment scam ang pamilya niya noong ’90s.
“Millions” daw ang nakuhang pera sa pamilya niya nang dahil sa “pyramiding scam.”
Ang pyramid scheme ay tumutukoy sa pag-recruit ng investors na pinapangakuan ng high return of investment sa maiksing panahon.
Estudyante pa raw ni John sa acting class ang nanloko umano sa pamilya niya.
“Tawag niya sa parents ko, ‘Nanay, Tatay,’ and then sa siblings ko, ‘Kuya, Ate,’ ganun siya ka-close sa akin.
“In fact, ginamit niya ang acting niya sa akin,” lahad ni John.
JOHN ARCILLA SAYS SCAMMER ESCAPED
Pati raw mga kaklase at kabarangay ng di pinangalanang estudyante niya ay naloko rin at nakuhanan ng pera.
Lahad ni John: “So, hinabol siya nung ibang mga na-scam. Tinorture siya ng mga kaibigan niya sa isang building.
“Tumalon siya sa third floor. Na-hospitalize siya. Tumakas siya after several days.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“At ngayon, ang last na alam namin sa kanya, nag-change siya ng face.”
Pati ang aktres na si Eula Valdes ay na-scam din daw ng taong iyon.
Ibinahagi ito ni John sa mediacon ng Sins of The Father, ang bagong Kapamilya prime-time series na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.
Si John ang gumaganap na estranged father ni Gerald sa istorya.
May special participation si John dito bilang founder ng isang investment company na pumalya, at ito ang mitsa kaya si Gerald ang hinahabol ng investors.
Gumaganap namang ina ni Gerald sa Sins of The Father si Lotlot de Leon.
LOTLOT DE LEON ON BOGUS BUYER
Sa mediacon, inamin ni Lotlot na nabiktima rin siya ng isang scammer noong panahong nagtinda siya ng bangus.
“Alam mo naman ako, hindi ba? Kailangan kumita ng pera. Gusto natin yumaman, right?
“There was a time, many, many years ago, nageibenta ako ng oldest bangus. Sumali ako sa expo.
“May nag-order sa akin, PHP18,000 worth of bangus. Binayaran ako ng manager’s check. Tinanggap nung tao ko,” lahad ni Lotlot.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
We put SARAH G to the test: Does she remember her past projects? 🧠🎬 | PEP Challenge
Pinick-up pa raw ng buyer ang in-order nitong bangus.
Nang i-encash na ni Lotlot ang tsekeng ipinambayad ng buyer, napag-alaman niyang peke ito.
“We went to the bank. Fake yung manager’s check. Pero yung account number at saka yung pangalan, existing doon sa bank na yun.”
Hindi na raw nahabol ang nang-scam kay Lotlot.
“Kaya mag-iingat po kayo. Talagang nanakot?!” bulalas ni Lotlot.