Zanjoe: “Ang na-experience namin sa pelikula, parang ayaw ko siya ma-experience.”

Zanjoe Marudo and Angelica Panganiban star in the upcoming Metro Manila Film Festival 2025 entry UnMarry, a film that tackles annulment. Angelica says, “May positive na binibigay yung hindi puwede yung annulment sa atin kasi nga parang iku-consider mong, ‘Huwag na lang kaya akong magpakasal kasi ang hirap magpa-anul.’ Or, ‘Sa ibang bansa na lang kaya ako magpakasal kasi at least doon may divorce.'”
PHOTO/S: Arniel Serato
Mabigat man sa pandinig ang salitang annulment, para kina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ay naging magaan ang usapin dahil sa mga karakter na ginagampanan nila sa UnMarry.
Ang UnMarry ay official entry ng Quantum Films sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Lahad ni Angelica: “Nung pinresent sa akin yung story, yung script, siguro nagustuhan ko yung simplicity and maturity nung film.
“Na yung simplicity in ways na gusto lang niyang magkuwento ng kung ano ba talaga yung pinagdadaanan ng isang relationship at nasa isang relationship ka at hindi ka na masaya, or hindi na siya para sa iyo.
“Kumbaga, one day magigising ka and you realize na parang, ‘Hindi pala to para sa akin. And hindi na ito yung magbibigay ng happiness sa akin.’ So, anong gagawin mo?
“And it’s really difficult and controversial pag-usapan dito sa Pilipinas since this is about annulment.
“So, may complication siya na kasama. But yung handling niya is very mature. So yun yung nagustuhan ko about it.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Para naman kay Zanjoe, “Ah, yun nga, tama siya na yung pagiging simple nung story ha.
“Kung dati nung… siguro nung mga single pa kami, wala pa kaming pamilya, mas maghahanap ka ng, alam yun, mas malalim… yung mga ibang roles na mabigat.
“Pero ngayon, yung pagiging simple niya, mas naintindihan ko na nang mas malalim dahil siguro magulang na rin ako at may pamilya na rin ako.
“So, kaya parang na-excite ako gawin siya dahil mas malapit na siya, mas malapit na siya sa personal ko.”
Tila taliwas ang kuwento ng UnMarry sa kanilang sitwasyon sa totoong buhay dahil parehong masaya ang buhay-pamilya nina Zanjoe at Angelica.
Paano nila inatake ang kanilang karakter?
Saad ni Angelica: “Well, bukod din naman din kasi sa istorya, of course naging malaking factor yung mga taong makakatrabaho mo.
“And lahat ng projects na nagawa ko with Attorney Joji [Alonso] sa Quantum, parang wala pa akong pinagsisihan.
CONTINUE READING BELOW ↓
Zanjoe and Angelica’s MMFF entry tackles ANNULMENT | PEP Interviews
“Lahat ng yun ay kumbaga nagawa namin. Kumbaga, I’m very, very happy sa lahat ng naging projects ko with Quantum, Direk Chris Martinez.
“And, of course, si Direk Jeffrey Jeturian na nakatrabaho namin parehas ni Zanjoe sa PlayHouse.”
Si Atty. Joji Alonso ang producer ng UnMarry.
Si Chris ang nagsulat ng script, at si Jeffrey ang nagdirek ng pelikula.
Pagpapatuloy ng aktres: “Kaya nung alam ko na sila yung magha-handle nito, alam ko na maaalalayan kami kahit na hindi pa rin naging very personal yung experience sa amin.
“Although, alam mong malapit, malapit siya sa puso ng lahat, kahit na hindi yun nga ang pinagdadaanan mo, alam mong puwede siyang mangyari.
“Na nakakatakot, di ba? Na hindi natin maa-assure kung ano yung meron tayo bukas, kung ito pa rin ba yung nararamdam mo.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawang TV programs sina Angelica at Zanjoe sa pictorial ng UnMarry kamakailan sa Mandaluyong City.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Zanjoe Marudo, director Jeffrey Jeturian, and Angelica Panganian at UnMarry pictorial in Mandaluyong.
Photo/s: Arniel Serato
ANGELICA PANGANIBAN AND ZANJOE MARUDO ON IMPACT OF ANNULMENT
Ano sa tingin nila ang magiging impact ng annulment sa mga manonood na tinatalakay sa UnMarry?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi ni Zanjoe: “Mahirap. Ang na-experience namin sa pelikula, parang ayaw ko siya ma-experience.
“Kasi unang-una, yung time, yung effort, yung energy niyo talagang, wow, hindi worth it.”
Dagdag naman ni Angelica: “Tsaka, ubusin ka pala niya talaga. Para kang hinuhubaran sa harapan ng… kumbaga, isinisiwalat yung experience mo, yung emotions mo, yung pagkakamali mo.
“Kumbaga, nagtuturuan kayo, e, and you’re tearing apart a family, di ba?
“So, doon pa lang, sa korte na parang ang sakit-sakit na, na you really pray and wish na hindi siya mangyari sa yo.
“Pero, yun lang yung puwede mong gawin. E, pano kung mangyari siya sa yo, di ba?”
Ayon naman kay Zanjoe, “Actually, bata ang may pinakamahirap na pagdadaanan pag nagkaroong ng ganyang sitwasyon.
“Isa yun sa dapat talagang tinitingnan nila kase iba yung magiging effect, e.”
Magiging “better person” ba ang mga makakapanood ng pelikula lalo na doon sa may kaparehong pinagdaanan gaya ng mga karakter na ginampanan nila?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Saad ni Angelica: “It will make you a better person, a better wife, and a husband, parent.
“And siguro it will give you parang more, siguro responsible choices na yung papasukin mo ay hindi basta-basta, especially sa bansa natin.”
Dagdag pa niya: “May positive na binibigay yung hindi puwede yung annulment sa atin kasi nga parang iku-consider mong, ‘Huwag na lang kaya akong magpakasal kasi ang hirap magpa-annul.’
“Or, ‘Sa ibang bansa na lang kaya ako magpakasal kasi at least doon may divorce.’
“Alam mo yung ganun? Iwi-weigh in mo siya.
“So, iku-consider mo talaga yung love mo dito sa taong ito kung talagang gusto mong magdaanan lahat ng saya at yung puwedeng maging pain or yung hirap na kapalit nun.
“So, maraming ipapa-realize yung pelikula sa bawat manonood.”
Ipalalabas sa mga sinehan ang UnMarry simula sa Pasko, December 25.