Ellen Adarna on her lip sync post: “Nagpasanib talaga ako kagabi kai Britney.”

Ellen Adarna on F4 member Ken Chu’s comment on her Instagram: “OMG, OMG, OMG.”
PHOTO/S: Instagram
Tuloy ang masasayang posts ni Ellen Adarna sa kanyang TikTok account.
Noong September 28, 2025, in-upload ni Ellen ang video ng pagli-lip sync niya ng F4 song na “Jue Bu Neng Shi Qu Ni.”
Isa ito sa theme songs ng sikat na Taiwanese drama series na Meteor Garden noong 2001.
Maikling caption ni Ellen sa video: “Learn Chinese or trust men.”
Ni-repost ito ni Ellen sa kanyang Instagram at tinag ang kaibigang si Mimi Qui.
Naka-tag din pati ang apat na miyembro ng F4 na sina Jerry Yan, Ken Chu, Vanness Wu, at Vic Chou.
Mensahe ni Ellen: “Entry ko @mimsqiu kala mo ikaw lang marunong mag chinese hahahaha [rolling on the floor laughing emoji] DAO MING SI!!!!!!! Tara na sa YING DE UNIVERSITY
“@jerry_yan_official @kenchu9 @vic.chou_official @vannesswu I dont trust you guys but F4 is 4ever [rolling on the floor laughing emoji]”
KEN CHU COMMENTS ON ELLEN ADARNA’S POST
Maraming nagkomento sa post ni Ellen, kabilang na ang F4 member na si Ken Chu.
Nag-iwan ito ng raising hands emoji na komento.
Kaagad itong sinagot ni Ellen at halatang kinikilig siya.
Sabi niya: “@kenchu9 ahhhhhhhhh!!!!! Wo ai ni !!!! hahahaahahahaahahahahhaahhahahahaahahjajahajajahaahahhahahahahaahahh omg ahahahhahhahahaah omg omg omg”

Komento naman ng isang netizen: “@maria.elena.adarna Kabog!!!!! Kuha mo yung part ni Ken Chu sa kanta!!!! Gowww [rolling on the floor laughing emoji]”

Ayon naman sa kaibigan niyang si Mimi, “THE OG ELLEN! [laughing emojis]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Saad ng isa pang netizen, “Hahaha may naalala ako prng ka c Britney [laughing emoji]”
Sagot ni Ellen: “nagpa sanib talaga ako kagabi kai britney hahahaha”
